18

32 6 1
                                    

Cupcakes

Lunes ay hindi namin kasabay si Jez para kumain ng tanghalian dahil may gagawin daw siya kaya pinauna niya na kami. Mabuti nga't nagbinalot kami ni Marcus kaya hindi na namin kinailangan pumila ng mahaba.

Sa nakasanayang pwesto sa bandang hulihan ng cafeteria kung saan maraming electric fan kami nakapwesto.

Una kong inalis sa aking bag ang mga notebook ko. Wala ang kulay pink na lunchbox ko iyon pa man din ay binili ni Jez para sa akin.

"May problema ba, Kaoree?"

Inayos ko ang aking buhok dahil sa problema ko. Wala ang lunchbox ko. Wala pa man din akong sobrang pera. Ang tanging nandito lang sa bulsa ko ay pamasahe at ambag ko para sa project ng aming grupo.

"Wala kasi 'yung lunchbox ko."

Tumulo ang pawis mula sa aking noo na pinalis ko gamit ang aking panyo.

Kumamot sa ulo si Marcus."Pasensya ka na, Kaoree. Sakto lang din kasi ang pera ko. Hati na lang tayo rito"

Nilagay niya ang dalawang hiwa ng porkchop sa takip ng lunchbox niya at binigay niya 'yung pinaka box sa akin.

Usually, hindi naman ako mahiyain pagdating sa pagkain pero pagdating kay Marcus ay iba.

Tinitigan ko ang pagkain na binigay niya. "Manghihiram lang ako ng kutsara at tinidor." Tatayo na sana siya ng hinigit ko ang dulo ng kanyang uniporme.

"Ayos lang naman ako. Meron pa kong pandesal dito." Ito 'yung ginawa ko kanina para sa akin pang recess ko sana pero nalimutan kong kainin dahil dinaldal ako ni Melissa.

"Hindi naman pwedeng iyan lang. Hindi ka mabubusog niyan." Tinitigan niya ang dalawang pandesal na nasa supot.

Nagtaka naman kami ng parang may anghel na dumaan dahil sandaling tumahimik ang mga estudyante. Ilang segundo ay napalitan iyon na palihim na pagsigaw ng mga kababaihan at mga lalaking may pusong babae.

"Kumain na tayo", aniya Marcus. Wala akong nagawa kung hindi sundin siya.

Una ay panaka-naka lang ang pagsubo ko pero dahil nangibabaw ang aking gutom ay hindi ko mapigilan na bilisan ang kain ko.

"May naghahanap sa'yo!" Halos maibuga ni Melissa ang pagkain niya sa akin. Namumula ang mukha ng kaibigan ko.

"Sino raw?" tanong ko.

Umupo si Melissa sa tabi ko. Sa totoo lang ilang beses ko ng inaya ang isang ito na sumabay sa amin pero madalas siyang sumama sa iba pa naming kaklase. Paano ba naman nagbago yata siya ng puso. Hindi ko alam kung gusto niya ba itong si Marcus, o sadyang madami siyang gustong lalaki.

"Asdfghjkklll...." sagot nito.

Nagkatinginan kami ni Marcus at nagkibit-balikat siya.

Mas lalong umingay ang paligid. Natagpuan ko na lang na halos malaglag ang panga ko ng makita kung sino ang nasa harap ko.

Tila kumikinang siya sa kanyang uniporme, at para siyang nasa shampoo commercial dahil sa paghangin ng buhok niya.

Nasa bulsa niya ang isa niyang kamay habang may hawak na paper bag ang isa.

"Lunch mo." Mabilis niyang nilagay sa mesa ang paper bag na hawak niya.

Ilang beses akong kumurap at nilunok ang sarili kong laway.

"S...salamat!" nahiya kong sambit.

Pumunta siya sa counter ng cafeteria. Ang mata ng mga estudyante ay nakasunod sa kanya. Bukod sa iba ang uniporme nito ay head turner talaga ang lalaking ito.

Bumili siya ng tatlong apple juice. Binigay niya iyon sa amin nina Marcus at Melissa.

Si Melissa ay impit ang pagsigaw. Kaya nagmwestra akong h'wag siyang maharot.

"Salamat, T.H." aniya Marcus.

Wala namang sinabi ang kaibigan niya. Kahit kumuway ay hindi niya ginawa.

Ala-una nga pala ng hapon ang pasok niya kaya siguro sinaglit niya ang lunch ko para ihatid sa akin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Bakit parang nag-iinit ang pisngi ko?

Ang bait niya naman pala! Pero bakit gano'n naghuhuramentado ang puso ko?

Pinaypayan ko ang aking sarili. Mainit lang siguro kaya binabanas ako.

"Buti na lang nakita niya 'yung binalot mo." Ngumiti si Marcus.

Nakatitig lamang ako sa paper bag. May kung anong nagsabi sa isip ko na h'wag kong kainin iyon.

"Kain ka na, girl! Alam ko nagwawala na 'yung bulate d'yan sa tiyan mo", aniya Melissa na nandito pa pala sa tabi ko.

"Huh? Uhm... Sige." Binuklat ko ang paperbag at inabutan ko si Marcus ng pagkain.

May isa pang box na kulay asul. Tinignan ko ang laman nito. Anim na cupcakes na may pink na icing.

"Uy! Bake ni T.H 'yan! Amoy palang!"

Kumuha si Marcus ng isa habang nakatitig ako sa mga iyon. Hindi ako makapaniwala maalam siya magbake?

"Grabe! Ang sarap!" sabi nito ng kinagatan niya ang kanyang kinuha.

Pinagbake niya ko?

Kinagat ko ang aking ibabang labi sa sobrang kilig. Inuntog ko ng ilang beses ang aking ulo sa mesa.

Gosh! Binabaliw ako ni T.H!

"Kumain ka rin kaibigan ni Kaoree." Inabot ni Marcus ang isa kay Melissa. Hindi makapaniwala ang kaibigan ko pero gano'n pa man hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin iyon.

"Tikman mo, Kaoree!" Masayang-masaya si Marcus na parang bata.

Syempre! Titikman ko iyon minsan lang sa buhay ko ang may magbake para sa akin!

Kinuha ko ang isa. Hindi mawala sa labi ko ang saya na aking nararamdaman. Para akong nakalutang sa langit.

Isang gwapong nilalang ang pinagbake ako.

Ang Dyosa mo talaga, Kaoree!

Hinawi ko ang aking buhok.

"Ang haba ng buhok ko," bulong ko sa aking sarili saka humagikhik.

Nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko naman iyon sa aking bulsa. Pangalan ni T.H ang nagpakita.

Enebe yen! Hindi pa siya na kuntento sa cupcakes! Nagtext pa talaga.

Matignan nga.

Binuksan ko ang message niya at...

T.H
Nakalimutan kong sabihin, kay Marcus 'yung cupcakes.

Gusto kong ibuga 'yung cupcake na kinain ko. Umakyat ang dugo ko sa aking ulo.

"Ayoko na! Hindi masarap!" Padabog kong binaba ang kapirasong cupcake sa mesa.

Nagtaka ang dalawa sa naging reaksyon ko.

"Anong hindi masarap? Eh, enjoy ka nga sa pagkain niyan", sambit ni Melissa habang pinupunasan ang tagiliran ng kanyang labi gamit ng tissue.

"Kasalanan bang nagbago bigla ang timpla ng dila ko?" Pagmamataray ko.

"Sige, kami na lang ang kakain", malumanay na sambit ni Marcus.

Salubong ang kilay ko habang pinagmamasdan kong kainin nila iyon.

Akala ko pa naman para sa akin! 'Yun pala hindi! Tss.

Narinig ko tuloy ang boses ni Jez.

H'wag ka kasing asumera, girl.

Oo na nga, Jez! Umikot ang mga mata ko.

----#HIOR----

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon