41

46 5 1
                                    

Usapan

Masarap sa tenga pakinggan ang bawat paghampas ng alon sa batuhan.   Kasabay nito ang paglubog ng araw na para bang kinain iyon unti-unti ng lawa.

Sa isang side ng lawa ay doon tumambay ang mga tao. Mayroon kasing palaruan doon para sa mga bata at may upuan pa para sa mga turista.

Huminga ko ng malalim ng matapos kong makaramdam ng pagkainip. Kanina pang hindi nagsasalita si Latrelle. Pinagmasdan ko lang siyang nakasandal sa kanyang kotse habang umiinom ng soft drink.  Binigyan niya rin ako no'n pero hindi ko alam bakit para bang masakit sa lalamunan kung iinom ako nito.

Alam ko kung ano ang iniisip niya ngayon pero hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Dapat ba kong magpayo? Dapat ba kong makinig na lang? O, hindi kaya naman hayaan ko siyang tahimik ng makapag-isip siya.

Nilaro ang mga batong nasa ibaba ng kinauupuan ko. Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang malalim niyang paghinga tila siya pagod.

Nagkunwari akong walang pakialam pero sa peripheral vision ko kita ko kung gaano kalamlam ang mga mata niya. Bagsak ang balikat at magulo ang buhok.

"Kaoree..." sambit nito. Mabilis akong umayos sa pagkakaupo.

"Gwapo pa rin ba ko kahit malungkot?" Hindi ko alam kung joke time pa ba ito, o ano at nagawa niya pang maisip ang gano'ng bagay.

Napaisip ako kung sasakyan ko ba ang trip niya o dapat kong basagin.

"Alam mo Latrelle mas okay na i-share mo na lang 'yung problema mo kaysa kung anu-ano ang sinasabi mo."

Lumabas ang mga bula matapos kong buksan ang soft drink. Muntik pang matapon iyon dahil sa maling paghawak ko.

"Ikaw ba wala ka bang problema sa pamilya? Bakit parang ang gaan ng buhay sa'yo?" Tinitigan ko ang mga mata niya. Magkasamang-lungkot ang galit ang nakita ko roon bukod sa maganda kong repleksyon.

"Hindi naman magaan." Ngumiti ako.

"May sakit ang lola ko at malayo ako sa kanila. Wala na rin akong mga magulang", maikli kong sagot.

Tumabi siya sa akin at iniabutan akong cheese dog. "No, thanks." sabi ko. Pero dahil makulit siya at ilang beses na parang batang hinigit ang dulo ng damit ko ay tinanggap ko iyon.

Nagmaktol pa siya ng para bata ng bahagya lang ang kagat ko sa pagkain. Tinitigan ko ang cheesedog saka sunod-sunod ang ginawa kong pagkagat.

Tiim-bagang siyang nakatingin sa akin. "Akala ko ba hindi ka gutom? Bakit pati plastik muntik mo ng kainin?" humagikhik siya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo mabuti nga inubos ko pa 'yung bigay mo. Saka teka nga, magkwento ka sa akin ng maging okay ka. Huwag kang magkunwari na masaya ka"

Inayos niya ang kanyang wrist watch dahil muntik ng malaglag iyon ng may nalaglag na maliit na turnilyo.

"Masaya naman talaga ko kasi nandyan ka" kumindat ang mata niya na para bang kuminang.

"Dalian mo. Makikinig ako."

Sumipol siya ng makita niya ang mga ibon pero lumipad din naman agad dahil sa pamamato ng mga bata malapit sa dalampasigan.

"Kaoree, alam mo ba hindi gano'n dati ang mga magulang ko lalo na si Mama. Sanggang-dikit ko si Mama. Pero simula ng nag-Senior High ako hanggang sa nagcollege ay iba na siya"

Kumuha siya ng maliliit na bato na isa-isa niyang tinapon sa lawa.

"Ilang beses ko na siyang nahuli pero hindi ko alam kung alam iyon ni Papa. Palagi niyang dahilan na kaibigan niya lang si Tito Norman. Napansin kong iba ang pakitungo nito sa kanya ng minsan nakita ko silang dalawa sa mamahaling restaurant. Ang sabi noon ni Mama, Secretary ng kumpanya ang kikitain niya na isang magandang dalaga. Nagtago ako noon sa gilid ng mga upuan. Iniintay ko ang babaeng sinabi niya at..."

Tumikhim siya saka tumingin sa akin. Namumuo ang luha sa mga mata niya.

"Anak iyon ni Tito Norman at tinawag siyang Mama. Hinalikan siya nito sa pisngi pati si Tito Norman ay hinalikan din siya. Pero hindi lang iyon, sobrang sakit ng makita kong hindi lang pala si Papa ang may karapatan na halikan siya sa labi kung hindi ang lalaking iyon."

Tumulo ang luha niya na pumatak sa kanyang suot na pants. Nagtuloy-tuloy at inabutan ko siya ng panyo. Hindi ko alam kung paano ko siya aaluhin kaya hinagod ko na lang ang likod niya.

Napalunok ako."Pasensya na Latrelle hindi ko alam anong payo ang dapat kong ibigay. Ayokong manghimasok sa inyo lalo na't hindi ko alam ang buong kwento."

Tumitig siya ng ilang minuto sa mga mata ko. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Natunaw ako sa titig na ginawa niya. Bawat paglapit niya ay gano'n naman ang paglayo ko hanggang sa naramdaman kong nasa dulo na ko ng aming kinauupuan.

Malalim ang pag-ahon at sulong ng paghinga ko. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako na parang may iba pa siyang balak na gawin. Ang mga kamay niya ay lumapit sa mga daliri ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng hinapit niya ang bewang ko. Hindi ko napigilang hawakan ang tagiliran ng damit niya dahil muntik na kong mawalan ng balanse. Para bang mapupunit iyon dahil sa higpit ng hawak ko.

Dahan-dahan ay nilapit niya ang mukha niya sa akin. Sunod-sunod ang paglunok ko.

Ano bang gagawin ko?!

First kiss ko ito kung sakali.

Pero teka... nakakahiya naman kung...

Pero kahit na! First kiss ko ito saka hindi ko naman siya gusto!

Humugot ako ng lakas at itutulak ko na sana siya ng biglang...

Laglag ang panga ko ng makita siyang nakahandusay sa lupa at hawak ang pumutok niyang labi.

"Th... Thaddeus, hindi—" bago pa man maituloy ni Latrelle ang gusto niyang sabihin ay hinawakan ako ni T.H sa palapulsuhan ng kamay ko.

Hinigit niya ko papunta sa kanya.

"Bakit hindi ka nagrereply sa mga tawag at text ko?" Biglang nag-iba ang awra niya. Kinilabutan ako dahil sa takot.

Nag-aalab ang mga mata niya.  Hindi ako makahugot ng salita.

"Na...naka silent ang phone ko", lumabi ako.

Wala naman siyang sinabi at tinignan niya si Latrelle na ngayon ay nakatayo na ng ayos. Dinampi-dampi niya ang kanyang panyo sa sariling labi.

"Thaddeus sabihin mo nga? Ano bang gusto mong mangyari?" matapang na sinabi ni Latrelle.

Pumagitna ako sa kanilang dalawa ng ilang beses na humakbang si Latrelle palapit sa kanya.

Kumunot ang noo niya.  Matapang ang mga mata nito ng nagtama ang tingin nila sa isa't-isa."Tumupad ka sa usapan, Latrelle."

Walang anu-ano'y hinigit niya ko palayo at sinakay ako sa kanyang kotse.

----#HIOR----

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon