64

23 1 1
                                    

Date

Naalimpungatan ako dahil sa amoy ng masarap na sinangag. Kusang bumangon ang aking katawan kahit ako ay nakapikit pa. Unti-unti kong minulat ang aking mata. Ngumiti ako ng makita si T.H sa harapan ko. May dalang pagkain at tubig.

"Good morning. Kumain ka na." Matipid nitong bati. Nilapag niya ang pagkain at baso sa harapan ko.

Nawala ang ngiti sa labi ko ng napagtanto ko kung anong nangyari kagabi at kung nasaan ako. Sinapo ko ang aking sentido.

"T.H, sina Jez at Melissa? Hindi ko ba sila katabi kagabi?"

Umiling siya habang sinusuklay ang kanyang buhok. "Dito ka natulog sa tent ko."

Huminga ako ng malalim at napalunok. Tinitigan ko ang pagkain na binigay niya. Siguradong binili niya ito sa station ng mga pagkain malapit sa may entrance ng ilog. Kumulo ang tiyan ko kaya't pinili ko na lang munang kumain kaysa isipin ang iba pang bagay.

Masaya ako ngayon. Sobrang saya. Ngumiti ako ng palihim habang ngumunguya ng pagkain. Tinitigan ko ang maitim na buhok ni T.H. pababa ng kanyang pisngi, hanggang sa makarating ang mga mata ko sa biceps niya. Mas masarap pa yatang i-ulam ang biceps niya kaysa sa bacon na ito.

Halos malagutan ako ng hininga habang tinitigan iyon. Nag fl-flex ang muscles niya dahil sa kanyang ginagawa. Umurong ako sa kinauupuan ko ng bigla siyang humarap sa akin.

"Tapusin mo na 'yan. Uuwi na tayo." Malumanay nitong sambit.

Tumango ako na parang bata. Pero hindi ko pa rin maiwasan na titigan siya habang nagsusuklay. Basa ang buhok niya at amoy ang matapang niyang shampoo na humalo sa pabango niyang panlalaki. Kinuha niya ang salamin sa kanyang bag saka tinignan ang sarili. Inayos niya ang naiwan na bakas ng polbo sa kanyang mukha. Para siyang anghel na biyaya sa akin. 

Kenekeleg eke! Enebe.

"Tapos ka na ba? Masyado mo akong tinitigan."

Naglaho ang ngiti ko. Umayos ako ng upo. "Oo naman. Tapos na ko kaya pupunta na ko sa mga kaibigan ko."

Hinawakan niya ang baba ko sa tinitigan ang aking labi. Omo! Wait! Hahalikan niya ba ko? Hindi manlang ako nakapagmumog baka ma-turn off siya! Teka. Ikalma mo 'yang puso mo, Kaoree. Huwag assuming!

Tinanggal niya ang butil ng kanin sa labi ko gamit ng kanyang hinlalaki.  Nag-init ang pisngi ko ng nagtagpo ang aming mga mata. Umangat ang tingin niya at hinalikan ako sa noo ng may pag-iingat.

"Bilisan mo. May date tayo mamayang hapon." Tinuon niya ang kanyang palad banig.

"Uuwi na ba?" Tumango siya.

"Gusto mo pa bang makasama ako rito? Ha?" Mapanuya niyang sambit saka hinalikan ang tenga.

"Uy! Pereng shere mey kelete eke dyen eh!'" Hindi pa ko ready na isuko ang aking bulaklak na namumukadkad.

Nagpigil siya ng tawa. "Sige na. Kanina pa nila hinahanap."

"Sandali. Nasaan si Rosella?"

Nagkibit-balikat siya. Imposibleng hindi niya alam.

"Nasaan? Baka masabunutan ako ng babaeng 'yun." 

"Wala siya rito. Her mom called her last night."

Ibig sabihin, kagabi pa wala si Rosella rito? Eh, paano naman siya makakauwi ng dis-oras ng gabi? Huwag kang sira Kaoree alam mo na ang sagot! Hinatid siya ni T.H.

"Ah. Sige. Labas na ko." Malungkot na paalam ko sa kanya pero mukhang hindi niya naman napansin.

Paglabas ko ay kinawayan ako ng araw. Umaga palang pero ang sikat nito ay nakatapat sa tent namin ni T.H. Kaya hinarangan ko ang mga mata ko ng sarili kong kamay.

"Ayan na, kukunin ka na." Sabi ni Latrelle at may background music pa siyang kanta na tila paparoon ako sa langit.

"Hindi 'yon nakakatawa ha." Seryoso kong sambit. Dinaanan ko lang siya pero hinawakan niya ko sa aking braso.

"Kukunin ka na dahil may ginawa kang kasalanan sa akin. Pero bago ko sabihin iyon ito ang paboriti mong lugaw." Tinitigan ko iyon habang nakahawak sa aking bewang.

"Kumain na ko. Thank you, Latrelle." Sarkastikong sambit ko.

"Kainin mo to' kahit kumain ka na. Alam kong kasing lakas ka ng kalabaw kumain." Umikot ang mata ko sa kanya.

"Salamat!"

"Walang anuman. Basta mamaya ha!" Ngiting sambit nito.

"Anong mamaya?" Pero bago ko pa man nasabi iyon ay pumasok na siya sa loob ng tent. 

Kinain ko ang lugaw niya habang tinatanaw sina Melissa at Jez na mukhang naglibot sa ibang tent.

"Saan ka galing ha! Maharot ka." Sabi ni Jez.

"Mana sayo. Ang mga Dyosa may karapatan humarot kaya dapat wala kang say." Humigop ako ng lugaw.

"Buti alam mong mana ka sa akin pero hindi naman ako nabigay agad." Aniya nito.

Nagkrus ang braso ni Melissa."Sana all na lang. Ako nga hindi tumabi kay Marcus para makasama ka tapos ikaw… ay nako! Hmp!"

"FYI. Friend lang daw ang tingin niya sayo." Pambawi ko with confident at kinain ang pugo ng lugaw.

"Wait ha? Buti nga sa amin may label. Sa inyo wala!" Sagot ni Melissa at tumawa silang pareho ni Jez.

Sige. Magkampihan pa sila. Akala ko ba ako ang bestfriend ni Jez at ako ang closest friend ni Melissa. Hindi ba dapat maalin sa kanila ang kakampi ko?

"Gusto kasi namin may thrill." Nagflip ako ng buhok at pinatama sa kanila ang ilang hibla nito na halos makain nila.

"Nakahanda na ba ang gamit ng lahat? Aalis na tayo pagkatapos niyong maglikom ng tent." Aniya Yuan na may towel sa ulo. 

"Maligo ka na! Bilisan mo!" Bulong ni Jez.

"Sa bahay na lang ako maliligo. Pwede naman yun di ba? Saka ang lamig ng tubig dito. Obvious naman." Tamad kong sambit saka pumunta sa aming tent.

Kinuha ko ang gamit ko saka nagsuklay ng buhok kasama ang aking salamin. Tinignan ko ang aking sarili. "Ang Dyosa mo, Te'!"

"Dalian mo na dyan! Puro ka pang GGSS eh." Sigaw ni Jez mula sa labas.

"Oo na nga. Uwing-uwi ka na eh." Sabi ko habang inuuna kong suklayin ang nasa kanang parte ng ulo ko.

"Oo girl uwing-uwi na talaga. May trabaho pa ko. Ano ka ba!" Sagot nito.

Tinitigan kong muli ang aking sarili sa salamin. May date kami ni T.H mamaya kaya dapat magpaganda ako. Ay—wait! Let me revise it. Dapat mas maganda ako!

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon