48

29 4 1
                                    

Okay Lang Ako

Nagpaliwanag ako sa professor ko na hindi ako makakapagpresent ng report ko ngayon. Si Melissa ang tumulong sa akin para maintindihan ako ng matanda naming professor.

"Akala ko talaga maayos ang ugali ni Wanwan." Sabi niya.

Hanggang sa mag-uwian kami ay hindi niya maalis sa bibig niya ang dumadaldal ng tungkol sa kaibigan naming iyon.

Pinagtusok niya ko ng kwek-kwek saka binigyan ng scramble. Pinagmamasdan ko siyang kumain ng kumain hanggang sa dumighal siya.

"Tamo ako. Busog." Pagmamalaki niya.

"Hey. Nabalitaan namin 'yung nangyari", si Sasha na kasalukuyang iniintay si Vanna na bumibili ng tusok-tusok.

Kinulbit siya ni Melissa. "Sorry nga pala." Nanlaki sandali ang mga mata ko.

"It's okay. Alam niyo naman na fair akong lumaban. Saka isa pa sa acads lang kami magkalaban ni Kaoree. Anyway, nalaman ko ngang best friend ni Wanwan ever since 'yung babae." Kwento niya habang nagpapahid ng bb cream sa kanyang mukha.

Napangiti na lang ako ng malaman kong hindi si Sasha iyon kahit na mainit ang dugo niya sa akin. Pero mas masakit na si Wanwan ang gumawa ng mga iyon sa akin.

"My speculations are right lalo na ng sinipa niya ang paa mo. It was intentional. Kitang-kita ko." Nilagay niya ang bb cream sa kanyang shoulder bag matapos itong gamitin.

Nang sumenyas si Vanna na lumapit si  Sasha sa kanya ay kumaway siya sa amin. "Bye. Hindi lahat ng kaibigan ay kaibigan. They might be your enemy." Kininditan niya kaming dalawa ni Melissa.

Patuloy lang kami sa pagkwe-kwentuhan ni Melissa hanggang sa ihatid niya sa sakayan ng tricycle. Nahagip ng mga mata ko ang kotse ni T.H pero ngayon ay pipiliin ko ang pride ko kaysa kausapin siya.

Pinagmukha niya kong tanga. Much worst pa ay hindi ko alam kung alam ito ng apat niyang kaibigan lalong-lalo na si Jez.

Pero hindi ko papangunahan si Jez. Papakinggan ko siya dahil kung alam niya ito ay hindi niya hahayaan na mangyari ang ganitong bagay sa akin.

Bumaba ako ng tricycle. Napangiti ako ng makitang sa sumunod na tricycle ay nandoon si Melissa.

"Bakit ka sumunod?", lumapit ako sa kanya na kakababa lang din.

"I know you're not okay. Payakap." May kung anong kumurot sa puso ko. Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa saya dahil may kaibigan akong katulad niya.

"Salamat ha."

Umiling-iling siya. "Hindi mo kailangan magpasalamat. O, siya. Uuwi na ko."

Pinagmasdan ko siyang sumakay ng tricycle bago ako tuluyang pumasok sa loob.

Hawak ni Wyn wyn ang hose habang kinakausap ang mga bulaklak niya. Kumuway siya sa akin saka ginawad ang matamis niyang ngiti.

May tinuro siya. "Meryenda."

Tinitigan ko ang gawa niyang munchkins. Ang aroma nito ay hinahalina ako. Sa tagiliran ng mga mata ko ay kita kong pinagmamasdan ako ni Wyn. Mukhang normal ang lahat sa kanya o baka wala talaga siyang alam.

"First time kong magbake kaya tikman mo." Maamo ang boses niya kaya hindi ko nagawang tumanggi.

Mabagal ang pagkagat na ginawa ko. Matamis iyon pero mas nangibabaw ang pait na nararamdaman ko.

Lumapit siya. "Hindi mo ba nagustuhan?" Tinitigan niya ang mga mata ko.

"Masarap. Sobrang sarap. Busog lang talaga ako, Wyn." Totoong busog ako pero mauubos ko ito kung wala akong sama ng loob.

"Papasok na ko sa loob." Tumango lang siya sa sinabi ko saka pinagpatuloy ang pagkausap sa mga halaman.

Paghubad ko palang ng sapatos ay bumungad sa akin ang maingay na sina Latrelle at Marcus. Naghahampasan silang unan habang naglalaro ng Xbox.

"Mandaraya ka!"

Nagkalat ang balat ng iba't-ibang tsitsirya.

"Lolo mo, Mandaraya!" saka dumila si Latrelle kay Marcus.

Tumigil lamang sila sa kanilang ginagawa ng makita ako. Dali-daling nagsuot ng tsinelas si Latrelle saka lumapit sa akin.

"Ano! Anong sabi ng professor mo, Kaoree?"

Ngiti lang ang sinagot ko. Nagpatuloy ako sa paglakad papunta sa aking kwarto.

"Bad mood yata. Mamaya mo na kausapin." Bulong ni Marcus.

Nang makarating ako sa aking kwarto ay nilapat ko ang aking likod. Hinayaan kong makatulog ako sa sakit. Hinayaan kong mabasa ang bed sheet ko ng sarili kong luha. Hinayaan kong maging malungkot ang sarili ko at damhin ang sakit.

Sandali lang naman ito.

Hindi ko alam kung bakit ganito kasakit. Hindi niya naman sa akin kinumpirma na gusto niya ko o mahal niya ko. Baka nalibang lang siya. Baka nakikita niya sa akin si Rosella kaya gano'n ang turing niya sa akin.

Late na ng nagising ako. Kung hindi pa kumalam ang aking sikmura ay walang balak na dumilat ang mga mata ko.

Pababa palang ako upang pumunta ng kusina ay narinig ko ang pamilyar na boses. Iba na ang suot niya ngayon naka cream siyang dress at naka bucket hat.

Umatras ako upang bumalik sana ng kwarto pero huli na ang lahat.

"Oh, look who's here." Napatigil ako sa matinis at sarkastiko niyang boses.

Nagmwestra si Jez na bumaba ako. Hindi ako nagpahalata na apektado. Lumakad ako ng diretso.

"You're invited sa party namin ni T.H."

She handed me the envelope she was holding. Ang amoy nito ay napakabango. Parang bagong pitas na bulaklak.

Ngumiti ako. Hindi ako pwedeng magpatalo sa kanya. "Thank you."

"You're welcome. Oo nga pala. You should wear a dress with elegance and class. Bawal kasi roon ang walang breed."

Nagspray siya ng alcohol sa kanyang mga kamay.

"Rosella, hindi ka winelcome rito para insultuhin ang isa sa amin." Singhal ni Jez sa kanya at pinagtaasan siya nito ng kilay.

At ayon na naman muli ang ngiting sarkastiko. "Oh. Sorry. Hindi ko alam na insulto pala iyon. I'm just telling the truth."

"Oo nga pala. Nasaan si T.H?"

Ilang segundong naghari ang katahimikan. Walang sumagot sa amin. Umikot siya paharap ng front door.

"I have to go. Masyadong masangsang ang amoy rito. Amoy squatter's area." Humalakhak siya saka tinignan ako sandali.

"Rosella, sandali lang. Alam kong magugustuhan mo ito." Pinagmasdan namin si Latrelle na lumakad papuntang kusina.

"Hurry, Latrelle." Matinis ang maarte niyang boses. Ang sarap niyang kurutin sa singit.

Walang anu-ano'y nabasa ang mukha ni Rosella.

"Ayos ba Miss Rosella?" Ngumisi si Latrelle. Padabog na lumabas ang babae habang ako naman ay bigla nalamang nanghina at umupo sa couch.

"Girl—" paglapit sa akin ni Jez.

"Ano ka ba? Okay lang ako." Nilunok ko ang bigik sa aking lalamunan.

Tama. Okay lang ako.

Nakuha ng atensyon namin ang mabilis na pagpasok ni T.H. Nagtagpo ang mga mata namin pero mabilis akong umiwas.

Hindi ko na gustong makita ang mga mata niya. Dahil sa tuwing tinatagpo iyon ng mga mata ko ay galit at sakit ang nararamdaman ko.

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon