38

31 6 1
                                    

Sa'yo Ako

Maingay ang buong gym dahil sa sigaw ng mga babae at baklang mga estudyante.

"Ang feeling! Sa akin kaya si Aurelius!" aniya nu'ng baklang kulay pink ang pilik-mata.

"Hindi ka magugustuhan no'n! Maghilod ka muna!" sabi nu'ng babaeng chinita na kasing kapal ng kilay niya ang kanyang mukha.

Makapagsalita ang babaeng ito parang hindi siya ulikbain.

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa simula ng laro. Sa jump ball ay sa team nina Latrelle napunta ang bola kaya gano'n na lang ang hiwayan ng mga estudyante. Kawawa ang kalaban, malaki ang disadvantage nila dahil hindi nila ito home court.

Sa kabilang side, halos limang bleachers lang ang nabuo ng cheering squad nila.

"L-O-V-E Aurelius!" paulit-ulit na cheer ng mga babae nakamaikling pink na palda at may hawak ng pompoms.

Muntik maagaw ng kalaban ang bola dahil sa pagpacute na ginawa ni Latrelle. Nagdribble siya ilang beses bago pinasa sa kanyang team mate.

Mabilis silang tumakbo para ma-ishoot ang bola pero malakas ang depensa ng kalaban. Bina-box out ang kanyang team mate. Kaya tensyado ang lahat kung i-sh-shoot ba iyon o hindi.

Nagfake ito saka mabilis na pinasa kay Latrelle. Pero mabilis din ang kalaban kaya't na out-of-balance ang bola kaya tahimik ang lahat at nakanganga ang karamihan na para bang slow motion ang pagpasok nito sa ring.

"Na three points mo ang puso ko Latrelle!" sigaw ng baklang nakaupo sa ibaba ng pwesto ko. Tumaas ng kusa ang kilay ko ng makita ang pilikmata niyang kulay asul.

Siguro mahilig sila sa sisiw na binebenta tuwing may fiestahan.

"Kumain ka muna" pinagtinginan si Wyn ng mga babaeng nasa paligid. Parang agila ang mga mata nila na nagtungo kay Wyn tapos sa akin.

Nagbulungan sila habang tinusok ako ng matalim nilang tingin. Ang dami palang inggitera sa eskwelahan na ito.

Inayos ko ang buhok ko saka nagpacute.

"Salamat, Wyn. Umupo ka na sa tabi ko." Pinikit-pikit ko ang mga mata ko.

"Ano ba 'yan! Feeling maganda! Parang isdang nangisay 'yung mga mata" bulungan nila.

Sinamaan ko sila ng tingin kaya naman bumalik ang atensyon nila sa laro. Tinanggap ko ang mga pagkain na binigay niya. Kumagat ako sa burger. Ang sarap!

Kanina pang naghihimutok ang tiyan ko dahil sa gutom.

"Hindi pwede eh. Madami kasing kailangan gawin sa organization", kumamot siya sa kanyang ulo.

"Pero pwede naman akong humabol sa laro", tumango ako sa dagdag niyang sinabi.

Muntik kong malaglag ang burger na hawak ko dahil apat na agad ang score ng kalaban habang kila Latrelle ay tatlo pa lang.

Nasa lalaking spikes ang buhok ang bola pero naagaw iyon ng kalaban. Sa bilis ng ace player na iyon ay walang nakahabol sa kanyang pagtakbo.

"Hindi 'yan mag sh-shoot", bulong ng lalaking nasa likuran ko. Pero nagstanding ovation ang lahat ng magshoot ang tres na binigla niyang i-shoot.

Bente minutos ang nakalipas ay tumawag ng time-out ang coach nina Latrelle. Mukhang tensyonado sila. Nang magtagpo ang mga mata namin ni Latrelle ay hindi manlang niya nagawang ngumiti.

Nagpunas siya ng pawis gamit ang face towel na galing sa bag nito. Inabutan siya ng maliit na babae ng tinapay, sa palagay ko ay Senior High dahil sa nakasulat sa lanyard nito.

Tinanggihan iyon ni Latrelle kaya gano'n na lang ang pagbaba ng balikat ng babae ng siya ay bumalik sa kanyang pwesto.

Second Half ng laro ay lamang pa rin ang kalaban.

"Ano ba, Team!? Home court advantage to'! Huwag niyong ipahiya ang school natin!"

Malaki ang pag-ahon at sulong ng dibdib ni Latrelle. Gusto ko siyang kumustahin pero hindi ko na nagawa ng natapos ang time-out.

"L-O...Latrelle" humina ang boses ng tatlong babaeng nanguna sa pagcheer kanina. Malalim ang mga mata nila at tila mga lantang gulay ng gumiling sila habang binibigkas ang pangalan ni Latrelle.

Binuksan ko ang soft drinks na bigay ni Wyn. Sisimulan ko palang inumin ng biglang...

"Ate'ng may hawak ng soft drinks umilag ka!" hindi malinaw sa akin kung sino sa dalawang bakla ang nagpaalala pero huli na ang lahat.

Ang slow motion na pagbato ng bola sa akin ay biglang naging fast motion ng si Latrelle ay sinanggahan ako.

Lumawak ang awang sa aking bibig ng napagtanto kong sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Ang soft drinks na dapat sanang i-inumin ko ay natapon sa jersey shirt niya.

"Lugaw girl, hindi mo ba ko narinig?"

Napatigalgal ako sa sinabi niya.

"Ang sabi ko, bago dumating ang bola
umisod ka"

Ang pawis ng buhok niya ay tumulo sa pants na suot ko.

Dahan-dahan siyang tumayo saka nagpagpag ng mga kamay.

"Basa ang shirt mo, Pare." Puna ng isa sa mga kasama niya. Hinagisan siya ng bagong shirt nito.

Muli akong pinagtinginan ng mga babae. Ngayon ay mas matalas ang tingin nila. Ang iba ay may hawak na lapis na pinakita sa akin kung paano nila 'yon binali.

Hindi ako triggered. Akala naman ng mga to' nakakatakot sila. Umirap ako sa kawalan.

"Oh my gosh! Ang serep ng pandesal! Palaman na lang ang kulang!" halos malagutan ng hininga ang baklang may asul na pilik-mata. Kawawa naman ang katabi niya. Hinigit kasi nung bakla ang lanyard nito.

"Kalmahan mo lang. 'Yu...yung...la...lanyard ko!" reklamo ng babae. Inayos niya ang sariling salamin.

"Sorry! Nakabibigla kasi itong si Latrelle! Walang pasabing dito pala magpapalit ng jersey!" namula ang pisngi nito.

"Pa-mine, Latrelle!" dumagundong ang boses ng isang dalaga mula sa kabilang side ng court.

Teka... Si... ano 'yun ah!

"My gosh! Si
Sachi 'yun di ba? 'Yung ka-kambal nu'ng dati nating kaklase"

"Huh? Sino?"

"Si Sasha! 'Yung magaling mag ballet!"

Grabe naman pala ang chismosa ng mga taong nasa likuran ko. Pero hindi ko akalain na may kambal pala si Sasha at mukhang same sila ng taste.

"Pero balita ko, si Sachi ay na link kay Latrelle"

"Tologo? Aba! Ang talas pala ng radar mo!"

Humagikhik sila matapos tumigil ang usapan.

Napansin kong tumingin si Latrelle sa akin imbis sa babaeng si Sachi.

"Suotin mo..." sinalo ko ang jersey shirt niya.

"Sayo ako, hindi sa kanya", at tumakbo siya pabalik ng court dahil sa pagsisimula ng laro.

Nanlaki ang mga mata ng manonood at halos silang lahat ay nakatingin sa akin.

Ako lang to' guys! Si Kaoree! Ang Dyosa!

Nagflip ako ng buhok. 

Sa kabilang banda ng court nakita kong bumusangot ang mukha ni Sachi. Magkapatid nga talaga sila ni Sasha.

----#HIOR----

Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon