66

23 1 1
                                    

Taste

"Car keys mo, T.H." Nakalahad ang kamay ni Latrelle.

"Ako ng magdr-drive." Maikling sagot ni T.H at saka binuksan ang sarili niyang kotse.

Kumunot ang noo ni Latrelle. Mukhang hindi maganda ang timpla ng mukha niya. Sinipa niya ang maliliit na bato nasa harapan niya.

"Kung hindi lang nasira ang kotse ko. Kainis." Pagnguto niya sa kanyang sarili.

"Tara na." Sabi ni T.H. matapos niyang ibaba ang bintana ng kanyang kotse.

Binuksan ni Latrelle ang pinto ng backseat pero hindi siya tumuloy na pumasok sa kotse. Nakatayo siya at nagmwestra na tumabi ako sa kanya. Pero, hindi ko iyon ginawa. Bagkus ay pumunta ako sa pwesto kung nasaan siya. Nasa likuran siya ni T.H habang ako naman ay nasa kabilang tagiliran.

"Kaoree, umupo ka na sa tabi ko." Aniya ni T.H. na tinignan ako sa side mirror ng kanyang kotse. Pero imbis na iyon ang gawin ko ay iba ang pumasok sa isip ko.

Hinigit ko ang braso ni Latrelle. Pero dahil mas malakas siya ay hindi ko siya makayang higitin. "Saan mo ko dadalhin?"

"Tara na. Huwag ng magreklamo." Hindi na siya muling nagtanong. Sumunod siya sa akin. Binuksan ko ang passenger's seat at pilit ko siyang tinulak paloob doon.

"Anong kalokohan to'?" Aniya Latrelle.

"Umupo ka dyan, o magagalit ako?" Panakot ko sa kanya.

Kumamot siya sa kanyang ulo at padabog na umupo sa tabi ni T.H. "Oo na po, Commander."

Umupo ako sa gitna ng backseat kaya kitang-kita ako ng dalawa kapag tinignan nila ako sa rear view ng kotse.

"Bakit ka nandyan?" Sabay nilang tanong at tingin sa akin.

"Ayokong mag-away kayo sa kung sino ang tabi ko. Saka mas better na kayo ang nasa harapan. Isipin niyo na lang, body guards ko kayo." Dismayado ang mukha ni T.H ng inistart niya ang engine ng kotse.

"Tayo ang magka-date. Hindi naman si T.H." katwiran ni Latrelle. Makulit talaga ang isang ito kaya napakamot ako sa aking ulo.

"Correction. Tayong tatlo." Sabi ko. Hindi naman siya umimik kaya mabuti na iyon. Para siyang batang nakata-tantrums habang nakakrus ang mga braso niya.

Nagvibrate ang cellphone sa aking bag.

1 message from Jez Ganda

Jez Ganda
Saan ka na, girl? Balita ko may date ka?

Oo nga. May date ako ngayon.
-Sent

Jez Ganda
Sino? Sabi ni Marcus, si Latrelle ang ka-date mo. Pero ito naman si Melissa ang sabi raw ay si T.H. Kanina pang nagtatalo ang dalawa.

Huminga ako ng malalim bago muli magtipa ng mensahe.

Parehas ko silang ka-date.
-Sent

Jez Ganda
Ay? Totoo ba? Ganda ka?

Hindi lang maganda. Dyosa, okay? Halikan mo ang paa ko (with laughing emoji).
-Sent

Jez Ganda
Ay. Kailan ka pa naging tuhugan ng kwek-kwek?

Kumunot ang noo ko at nagpigil ng tawa. Ngunit napansin iyon ng dalawa kaya masama nila akong tinignan. May halong pagtataka naman ang naging reaksyon ng aking mukha. Tinignan ko silang dalawa saka bumalik sa pakikipagtext kay Jez.

Kwek-kwek talaga? Hindi ba pwedeng kikiam or fishball?
-Sent

Jez Ganda
Kwek-kwek kasi parehas silang may itlog.

Humagikhik ako at pakiramdam ko ay sumakit ang tiyan ko dahil sa pagpipigil ng tawa.

"Sinong ka-text mo?" Matapang na tanong ni Latrelle.

"Ka-text ko?" Sagot ko sa tanong niya.

Tinignan ko si T.H na mukhang wala rin sa mood magdrive. Kitang-kita ang ugat sa braso niya at mahigpit ang hawak niya sa manibela. Mukhang tense na tense ang kanyang mga braso.

"Oo. Ka-text mo. Respeto naman, Kaoree. Naghahanap ka pa ng iba. Eh, dalawa na nga kaming gwapo sa harapan mo. Lalo na ko." Nagpogi sign pa siya saka nagkagat labi.

Tumaas ang mga balahibo ko sa buong katawan dahil sa pagpogi sign niya.

"Si Jez lang to'. Huwag kang O.A."

"Ah. Okay! Mabuti naman!" Bumalik ang tingin sa daan at pahigang umupo.

Ano palang kailangan mo? Bakit ka napatext?
-Sent

Jez Ganda
Girl, may chika ako. Pero later na lang! Saka please daanan niyo akong tatlo kung nasaan man kayo! Kaya bilisan niyo ang date niyo.

Ha? Eh nasaan ka ba? Ayos ka lang ba?
-Sent

Jez Ganda
Nako! Oo. Ayos lang ako. Pero hindi maayos ang kasama ko rito. Pero huwag kang mag-alala kaya ko na to'. Sige na. Enjoy ka.

Sigurado ka?
-Sent

Jez Ganda
Oo naman. Sige na. Itetext ko na lang 'yung address kung nasaan ako.

Okay. Sige. Ingat ha.
-Sent

Hindi na siya nagreply kaya binalik ko ang aking cellphone sa bag. Sakto naman ang pagkalam ng sikmura ko. Nagugutom na ang Dyosa kong tiyan. Kailangan ko ng kumain. Ano bang dapat kong sabihin? Ako ba ang magsasabi kung saan kami dapat kumain or…

Okay. Kapalan na ng mukha.

"Saan tayo kakain!" Mabilis kong tanong at naghabol ako ng hininga. Alang-ala sa pagkain kailangan hindi ako mahiya.

"Buti naman nagtanong ka saan tayo kakain!" Pinaglihi sa manok itong si Latrelle kaya sobrang ingay.

"Saan nga ba? Any suggestions?" In-emphasize ko ang word na suggestions at nilakasan para mabaling sa akin ang atensyon ni T.H.

"Gusto kong Japanese food/Korean food." Sabay nilang sagot.

"I prefer Japanese food." Sabi ni T.H.

"Korean na lang. Uso kaya ngayon ang 'Saranghae, Oppa!' at heartue." Nagfinger heart si Latrelle at hinalikan iyon saka nagflying kiss sa akin.

"Uso rin ang anime at mas masarap ang Japanese food." Nagkatinginan silang dalawa at para bang may kuryente sa pagitan nilang dalawa.

Hinarang ko ang sarili ko sa kanilang dalawa ng nilusot ko ang katawan ko sa pagitan kanilang kinauupuan.

"Okay guys! Ako ng bahala!" Tumahimik sila at parang may anghel na dumaan sa pagitan nilang dalawa.

"Doon tayo sa Lutong Bahay ni Aling Marites!" Masaya kong sambit at pumalakpak ako. Sabi sa akin ni Melissa ay masarap daw kumain doon at tanyag daw sa mga turista ang kainan na iyon. Bukod sa masarap nilang lechon. Tanyag ang bikasi isang exotic food na masarap isawsaw sa suka. Kung gusto naman ng turista ng sinabawan, patok dyan ang Linarang na isda! Watery na agad ang aking bibig.

"Saan 'yon?" Maikling tanong ni T.H.

Buti na lang at may data ako. Sinearch ko ang address at pinakita ko sa kanya. Binagalan niya ang pagmamaneho habang tinitignan ang detalye sa cellphone. Tumango-tango siya at muling konsentratado na nagmaneho.

"Clear na! Okay na ha!"

"Oo naman. Basta taste mo okay sa akin. Kaya alam ko ako ang talaga ang gusto ni Kaoree. Pakipot lang yan." Naghalf smile si Latrelle. Tinignan ko ang reaksyon ni T.H.

Ngumiti siya ng sarkastiko.

"Sa akin hindi naman nagpakipot. Nahalikan ko na nga at sa labi pa. Hindi ba, Kaoree?" Nag-init ang buong mukha ko at hindi makatingin ng ayos. Bumili ang tibok ng puso ko.

Tinignan ako ni Latrelle. Iniintay niya ang sagot ko pero bago pa man ako sumagot buti na lamang at nagvibrate ang cellphone ko.

Melissa
Uy! Kaoree. Chismisan mo naman ako sa date niyo ha. Dalawa pala yan.

Nanginginig akong nagtype.

Oo naman! Pag-uwi ko.
-Sent

Mabuti na lamang at nagtext si Melissa kung hindi ay baka nalagutan na ko ng hininga.



Heartthrobs In One Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon