Chapter 19: One Sunday

Start from the beginning
                                    

            Quit it, you heart! Sita niya roon bago nagsimulang kumuha ng pagkain.

            And as usual, ang ina na naman ni Marky ang nagsimula ng kuwentuhan habang kumakain sila. Unlike nga lang dati na siya ang kinakausap nito, ngayon naman ay ang anak na nito. Puro pangangamusta ang sambit nito, mula sa pinagkakaabalahang negosyo ng anak hanggang sa pag-aalaga sa sarili at pakikisama sa kaibigan.

            Habang si Monic... tahimik lang. Sinisikap niyang mapanatili ang kanyang tingin sa kinakaing almusal. Sa bawat subo at sa bawat nguya niya ng pagkain, pinipilit niyang hindi dumako ang kanyang paningin kay Marky.

            No, don’t. Mariin niyang pagbabawal sa sarili dahil nararamdaman niya ang pagtataksil na ninanais gawin sa kanya ng kanyang mga mata. Parang nangangati ang mga ito at mapapawi lang ang kating iyon kung makikita niya ang itsura ngayon ni Marky. Damn you, eyes!

            At pinagtaksilan na nga siya ng kanyang mga mata. Dumako ang paningin niya kay Marky na kausap pa rin ang ina—habang nakatingin sa kanya.

            W-what the...

            Nagulat siya, at nakita niya rin ang pagkagulat ni Marky bago naibalik ang tingin sa kanyang pagkain. Binilisan niya ang pagsubo’t pagnguya.

            B-bakit siya nakatingin sa’kin?! Ba...kit?! nga ba? She wanted to know Marky’s reason. Buti sana kung siya ang topic ng usapan nito at ni Malou eh, kaso hindi naman.

            “Uhm, Nix... Okay ka lang?” Tanong ni Marky na mas ikina-tensyonado ni Monic. Ngunit sa kabila no’n ay nagawa niya ring maramdaman ang pag-aalala at pagka-bahala sa boses nito.

            Hindi kaya... iniisip niya na baka naiinis ako sa bigla niyang pag-uwi ngayon dito?

            “O-oo naman, okay lang ako,” sagot ni Monic sabay tingin ulit kay Marky. Doon niya lang napansin na nakatingin din pala sa kanya ang ina nito. At ang mag-ina, pareho ang ekspresyon ng mukha. Nag-aalala. “Ano... Puyat lang ako kagabi kaya ganito ako ngayon... medyo lutang.”

            “Bakit ka naman napuyat?” Tanong ni Malou. “Anong ginawa mo kagabi?”

            Napuyat po ako kakaisip diyan sa anak niyo. Honest na sagot ng utak niya. Pero siyempre, hindi niya magagawang aminin iyon.

            “Nag-ayos po ako ng lesson plan para sa summer class namin, at pati na rin po ng mga ituturo ko kay Alannah.” Pagsisinungaling ni Monic na nag-lead sa panibagong topic—kay Alannah at sa exams nito sa darating na Lunes—which made her sigh in relief.

            Oh thank heavens, nakatakas din agad sa awkward topic na ‘yon...

                                                                                    ***

“WALA PO KASI kaming gagawin ni Las ngayon.”

            Hindi alam ni Monic kung bakit nagpapaulit-ulit sa utak niya ang dahilang sinabi ni Marky kanina nang magtanong ang ina nito tungkol sa bigla nitong pagbisita.

            “Eh na-miss ko prinsesa ko kaya umuwi na lang ako.”

            Karugtong iyon ng dahilan ni Marky na nagpanguso kay Monic. She just felt... No, no, no! Pasimple niyang inalog ang kanyang ulo para iwaksi ang mga kahibangang naiisip at nararamdaman niya.

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now