"You know me, Soo-joon. I can kill hundreds of human without pity..." Banta ni Kwang soon sa kanyang anak.

Marahas na lumingon ko kay Kwang soon. Walang ekspresyon ang kanyang mukha. Tumingin ko kay Soo-joon na nakatalikod parin sa ama, nagtatagis ang bagang nito sa galit. Pumikit siya sabay ng madiin na pagkapit niya sa kamay ko. Halatang nahihirapan siyang sumagot sa ama.

"Go ahead," Soo-joon said. "Kung gusto mo akong makitang walang buhay, pumatay ka! I know that you need me..."

Pagsabi ni Soo-joon nito marahas niya akong hinila palayo at nagpahila lang rin ako. Hindi na ako pumalag kahit nasasaktan na ako sa uri ng paghila niya sa akin. He is mad not just to his father but also to me. I felt it! But why he is mad at me? Meron ba akong nagawang mali?

Pagdating namin sa parking area binawi ko sa kanya ang kamay ko. Humarap siya sa akin na nanagis ang bagang. Galit talaga siya sa akin.

"Bakit mo yun ginawa?!" Singhal niyang tanong. "Bakit mo hiningi sa kanya maging first lady?! Paano kung sinaktan ka niya!? Hindi mo alam kung anong kaya niyang gawin."

So, iyon pala ang kinagalit niya... Ang hingin ko sa ama niya ang maging first lady niya ako. Bakit pakiramdam ko ayaw niya akong maging asawa?

"Don't worry hindi naman siya pumayag sa gusto ko." Masama ang loob kong sagot. Dali akong pumasok sa harapan ng sasakyan. Sumunod rin siyang pumasok sa driver seat. Tahimik niyang pinaandar ang sakyanan at lumabas sa awtomatikong bumubukas na gate.

Naisip ko ang parents ko; sidurado akong nag-aalala na ito sa akin. Si mang Renz kaya...kumusta na kaya siya? Sana hindi siya sinaktan ng hayop na kidnapper kong iyon!

Naramdaman kong nakatingin sa akin si Soo-joon. Lumingon ako sa gawi niya. Saglit na nagsalubong ang aming paningin bago siya huminto sa pagmamaniho sa tabi ng kalsada. Humarap siya sa akin na parang may sasabihin pero hindi niya masabi.

"M-may sasabihin kaba?" Tanong ko na kinakabahan.

"Meron," panimula niya. "Alam kong alam mo ang lahat ang tungkol sa akin..." Natahimik si Soo-joon. Napayuko rin ako dahil sa kanyang sinabi. "Bellina, listen to me. Kailangan na nating tapusin ang relasyon natin as girlfriend- boyfriend."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Soo-joon. My eyes watering. Nakikipaghiwala ba siya sa akin?

"Belle, nakikinig kapa sa akin?" Soo-joon asked.

For the first time I heard him called me belle. Yumuko ako, walang balak siyang sagutin. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri habang gustong-gusto nang umiyak. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaan ko, ganito lang. Makikipaghiwalay siya sa akin ng ganito! Ano... Tired na ba siyang bumyahe sakay ng private airplane niya para dalawin ako...? May nahanap na ba siyang bago sa korea?

Hinawakan ni Soo-joon ang aking mga kamay, natigilan ako sa paglalaro ng aking mga daliri pero hindi parin ako tumingin sa kanya. Baka bumuhos ang luha ko nang hindi ko nalalaman. Taksil pa naman ang mga mata ko minsan.

"Masama mag-over think, Bellina..." biglang sabi niya. "Alam kung anong iniisip mo."

Bumuhos ang mga luha ko at humagulhol. Niyakap niya ako, hindi ko na rin napigilan ang sarili na hindi ito suklian. Kung ito ang huling pagkakataon na mayakap ko siya, susulitin ko na.

Bumitaw kami sa isat-isa. Marahan ko siyang sinuntok sa dibdib, napaigik naman siya dahil dito. I don't want to get mad at him. Pero hindi ko mapigilan. Iiwan na niya ako, so... ano ang dapat kong maramdaman... Maging masaya!?

"I'm sorry kung nagdesisyon akong mag-isa." He seriously said. "Ayaw ko na talagang mapahiwalay sa iyo."

Lumambot ang mukha ko sa narinig. Ibig ba niyang sabihin hindi siya makikipagyihiwalay sa akin? Pero anong ibig sabihin ng sinabi niya kanina?

I'm Crazy In Love With A Runaway Badboy Princeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें