24.

125 9 0
                                    

Should I be happy?

Should I feel grateful that my old wishes are coming true?

Jeoniel keeps on going back to my apartment. Minsan ay maaabutan ko siyang nagluluto ng agahan sa umaga paggising ko. Dumadalas siya at palaging may dalang prutas. Hindi ko magawang pigilan siya dahil ayaw niya ring magpapigil.

I leaned on the headboard and started to write at my notebook. I stated the date today and started.

I woke up early today and I found Jeoniel in my kitchen again. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil malapit na ulit siya sa akin o malulungkot ako kasi pakiramdam ko, ginagawa niya lang ito dahil may sakit ako.

Kanina sa trabaho, nahilo ako pero mabuti at panandalian lang. I felt headache pero mas pinili kong manahimik at pahupain ng sakit na nararamdaman ko.

Yanah also texted me. A-attend daw siya ng conference sa ibang lugar kaya ilang linggo siyang mawawala. Alan ko na mabigat sa kaniya ang gagawin pero kailangan dahil sa trabaho.

Umuwi ako nang mag-alas kwatro at laking gulat ko nang may nag-deliver sa akin ng pagkain. Pagkaing paborito ko. It's from Jeoniel.

Anong gagawin ko? Susubok na ba ako ulit? Hahayaan ko na ba ulit ang puso kong tanggapin siya? Pero, pakiramdam ko hindi tama. Nandito siya ngayon pero hindi naman niya sinabi ang dahilan. Wala rin naman siyang sinabi na gusto niyang ibali ang dati.

Bakit pa ba ako umaasa?

I stopped writing when the door opened. Jeon entered while holding a plate with cookies and a glass of milk. Nginitian niya ako at naupo siya sa may paanan ko bago inilapag ang dala sa sidetable. Mabilis kong naitago sa ilalim ng unan ko ang notebook na hawak ko kanina. Mabuti at nakatalikod siya kaya malaya kong naitago ang notebook.

"Kainin mo ito tapos inom kang gatas. You should also sleep. Masama ang magpuyat," sabi niya bago inilahad sa akin ang platong may cookies.

Kumuha ako ng isa at kumagat. The taste spreads in my mouth. Tahimik lang akong kumain habang siya ay pinapanood ako. Nakaramdam ako ng pagka-ilang kaya umiwas ako at uminom na lang ng gatas pero hindi pa nakakadampi ang labi ko sa baso, agad ko itong nabitawan.

"Shit!" Jeon cursed when the milk spilled on my shirt down to my pajamas. Mabilis tumayo si Jeoniel at inialis ang wala nang lamang baso.

"Wait here, I'll get you a towel." Tumakbo siya patungo sa labas. Napasandal ako sa headboard at sinubukang i-angat ang braso ko pero nanghihina ito.

Weakness of arms and legs... one of the symptoms of meningioma. It's attacking me again.

Jeon came back quick. May dala na siyang tuwalya at mabilis siyang tumakbo palapit sa akin. He wiped my shirt and my arms where some milk also spilled.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo? Tell me, Lorrie," sambit niya habang hawak ang braso ko.

"Nanghihina ang braso ko... pati binti ko," bulong ko bago pumikit. I heard his movement and the next thing I knew, he's helping me sit up.

"I'll change your clothes first..." sabi niya at walang pagdadalawang isip na pumunta sa tapat ng cabinet ko at naghanap ng damit at pajamas na pamalit saka siya bumalik sa harapan ko.

He silently lifts up my shirt. Kung normal lang ang sitwasyon, paniguradong mahihiya ako pero dahil nanghihina ako ay hinayaan ko na lang siya.

He changed my clothes. Siya rin ang nag-angat sa braso ko para maisuot ko ang damit.

"Can I remove your pajamas? Basa rin kaya papalitan ko," I opened my eyes and looked at him. He's sporting a serious and cold eyes. Alam kong gagawin pa rin naman niya pero hiningi niya lang ang permiso ko.

I weakly nodded.

Tinulungan niya rin akong magpalit ng pajamas bago niya ako pinatayo ng marahan. He made me lean on his chest before he wrapped his arms around my waist.

"Are you sleepy?" He asked.

This is relaxing. Gusto kong umiyak. Gusto kong lumuha dahil nayakap ko ulit siya. Naramdaman ko ulit ang yakap niya. His arms around me made me feel relaxed.

"No..." I whispered.

We stayed like that for a while until he made me sit on the couch near my bed. I wasn't able to react when he planted a soft kiss on my forehead.

"I'll change your sheets. You can sleep now, I'll just carry you to bed when I'm done. Good night," he said and went out of the room. Isinandal kong muli ang ulo ko sa couch bago pumikit. This time, drifting to dreamland.

Thank you, Jeon.

A loud ringing of my phone woke me up. I groaned and reached the phone without opening my eyes but I was stunned when I felt a hand on top of mine and a sleepy voice spoke.

"Yes, hello?" The sleepy voice reached my ear. Nangunot ang noo ko pero hindi ko magawang imulat ang mata ko dahil inaantok pa ako.

"Yeah? Hmm, she's still sleeping... Uh, ayoko sanang gisingin pero, sasabihan ko paggising niya... Ako? I'm here to... take care of her... Yeah, I'll tell her. Thank you."

Ngayon, nagising na ang diwa ko at nagulat ako sa bumungad sa akin. Jeoniel's half asleep eyes met mine. His hair is messy while his hand placed my phone back to the sidetable. It's on my side so, he still needs to lean on me to be able to reach the sidetable.

"You're awake?" My breath hitched when he asked me that while his hand are still on the sidetable, lowkey trapping me.

Nanuyo ang lalamunan ko nang masalubong ang mata niya. His sleepy eyes stares at me. Hindi alintana kung may muta pa o anuman. Nanatili siyang nakatitig hanggang sa mapagtanto ko ang kalagayan ko.

Hindi pa ako nagtu-toothbrush at naghihilamos!

Agad kong itinakip ang kamay sa bibig ko at ang isa ay bahagya siyang tinutulak.

"Excuse..." mahinang sabi ko habang tinutulak siya.

"Why? Nasusuka ka ba? Are you okay?" His voice laced with panic. Nanlaki ang mata ko at agad umiling habang patuloy siyang tinutulak.

"T-tatayo ako, excuse me..." why are you stuttering, Lorrie Jane?

Ang kamay niya ay nasa braso ko na at halata pa rin ang pagpa-panic.

"Ayos ka lang? Come, let me help you..." sabi niya pero umiling ako. Tumayo ako mag-isa pero narinig ko ang yabag nya.

"May masakit ba sa 'yo, Lorrie?"

Agad kumunot ang noo ko at nilingon siya.

"Hindi! Mabaho pa ang hininga ko kaya magsisipilyo ako!" sambit ko na nagpatigil sa kaniya at nagpaawang sa labi niya.

Napakamot siya sa batok at ngumiti ng alanganin.

"Ganon ba? Sorry... hehe."

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon