23.

126 8 0
                                    

His cold eyes is staring straight at me. Ang kilay niya ay magkasalubong na para bang lahat ng bagay, nakakapagpainis sa kaniya. His expression is a combination of cold and serious yet his grip on my shoulders are gentle.

"Who gave you the idea that I'm with Kath?" Tanong niyang muli. I slowly inhale and let out a shaky breath.

"Bakit? Hindi ba? You are always with her! Several times I saw you bringing her in your house. Diba, naroon din siya noong araw na umalis ako? Hindi ako tanga, Jeoniel," mariing sabi ko.

He inhaled and exhaled before he leaned and placed his head on my shoulder making me froze. Just, what the fuck is happening?

"Tabi, Jeon."

"No, I don't want to."

It's frustrating! Ang sabi ko, ayaw ko na pero bakit narito na naman siya? Bakit ganito siya kalapit? Bakit nararamdaman ko na naman ito?

"Are you hungry? I'll cook breakfast," saad niya matapos ang katahimikan. Tumayo siya nang maayos at tumingin sa akin bago nagpakawala ng buntong hininga. Naglakad siya palapit sa refrigerator at nagsimulang maghanap ng mailuluto.

"Jeoniel, umalis ka na lang."

Hindi siya nakinig. Napabuntong hininga ako at pinilit ang sarili kong tumayo para lapitan siya. I tugged on his arm and pull him.

"Umalis ka na, pakiusap!" Sambit ko habang patuloy na tinutulak siya. My tears couldn't stop again. Patuloy ako sa pagtulak sa kaniya pero nanatili siya roon hanggang sa nanghina ang braso ko pati ang tuhod ko. Napaupo ako at ramdam ang panghihina ng braso at tuhod ko.

He sits up in front of me and tries to pick me up but I push him.

"Sinabi nang umalis ka na!" Sigaw ko.

"Sinabi ko ring ayaw ko!" Sigaw niya pabalik. Tumingin siya sa akin gamit ang pagod niyang mga mata. "Lorrie naman, hindi mo ba nakikitang sinusubukan kong bumawi sayo?"

Hindi makapaniwala akong tumingin sa kaniya.

"Nanggagago ka ba?! Ano? Babawi ka kasi nalaman mong may sakit ako?! Ako ba ginagago mo, Jeoniel?!" Galit na sigaw ko.

He panicked and immediately shook his head. "No... that's not what I meant. Pakiusap, makinig ka muna." Tumitig siya ng diretso sa mata ko bago huminga ng malalim. "The day you left the house... aaminin ko, gago ako. Napakagago ko dahil hindi man lang kita pinigilan pero nang maisip kong baka mas sasaya ka talaga sa lalaking iyon, hinayaan kita. Hinayaan kitang umalis kasi pakiramdam ko, nasasaktan na kita. Nasasaktan kita ng sobra sa mga matatalas na salita ko, alam ko 'yon. Hindi nakakatakas sa paningin ko ang mga luhang gustong kumawala sa mata mo tuwing magkakasagutan tayo," litanya niya.

"I thought I'll be fine with you leaving the house. Naisip ko, niloko mo ako kaya wala ka nang karapatan pang tumira sa bahay na pareho nating pinangarap pero... pero tangina, bakit ganon? Bakit hinahanap hanap kita? Bakit inaabangan ko pa rin ang pagtapak mo sa bahay? Bakit?!" His voice became louder so is my heartbeat.

Alam ko ang gusto niyang iparating. Alam na alam ko pero, determinado akong umayaw na. Tama na. Sana tumigil na siya.

"I left you so you could have a better life. Naiintindihan mo ba 'yon, Jeon?"

He didn't speak. Nakita kong nagpatuloy siya sa pagluluto at bakas doon ang panghihina nya. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang hayaan siya. Pinanood ko siya hanggang sa natapos siya sa pagluluto at pagsasaing.

"Anong oras ang pasok mo?" Tanong niya. Hindi ko siya nagawang sagutin. Mas pinili kong kumain na lang pero may isang tanong na bumabagabag sa isipan ko.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya at mariing tumitig. "Jeon..." pagtawag ko sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mata ko.

"Hmm?"

"Paano mo nalaman? Paano mo nalaman na may sakit ako?" I asked directly. I saw how his shoulders slumped and how pain crossed his eyes.

Binitawan niya ang kubyertos na hawak bago yumuko at huminga nang malalim. Para bang hirap na hirap siyang huminga kaya kinakalma niya ang sarili niya.

"I heard from Victorious and Sheen..." my breath hitched. "I was fucking drunk the night I saw you got fetched by that man. You left me on the parking lot and you went with him. I drank until I woke up and heard the two of them talking about your condition," muli siya nag angat ng tingin. "They know. Alam nilang dalawa tapos sa akin hindi mo nagawang ipaalam..." my eyes closed and I can feel myself being exhausted.

"Paulit ulit na lang ba, Jeoniel? Paano ko nga sasabihin sa 'yo? Para saan pa ba?" Mahinahong tanong ko. Jeon bit his lips and stared at me.

"Y-you will not die, right?" He asked in a small voice but it sent me a big impact. Ang paraan ng pagkakatanong niya ay parang takot siyang malaman ang isasagot ko.

"Victorious told me that your cancer is benign. Non-cancerous at maaring ma-ialis kapag naoperahan. Have you consider undergoing a surgery?"

No. My answer is no.

Hindi ko kailanman naisipang magpaopera. Tinanggap ko na sa sarili kong wala na akong pag-asa. Tinanggap ko nang any minute ay mawawala na ako. Tanggap ko na 'yon.

Pero, nagulo ulit ang utak ko dahil sa nalaman kong hindi malignant ang cancer ko. Nabuhayan ako pero at the same time, hindi ko rin mahanap ang purpose para mabuhay pa ako ng matagal. Is it because of Yanah? Am I still living because Yanah is here? Kailangan pa ba niya ako para samahan siya? Is it because of Yael? Does he still needs me to give him advices and to pay his efforts?

Para kanino ba ako nabubuhay? I don't know.

We went back to eating when he noticed my unresponsive self. Nanahimik siya doon at kumain na rin. Matapos 'yon ay nagpresinta siyang hugasan ang mga pinagkainan kaya hinayaan ko na. Dumiretso ako sa kwarto para magbihis. The notebook caught my attention. Nataranta ako bigla at agad iyong tinago.

My secrets are all in there. All my sufferings are stated there and I have no plans to show it to him.

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon