19.

112 9 0
                                    

Tahimik. Nakakailang. Nakakapanis ng laway.

Gano'n ko madedepina ang katahimikang bumabalot sa sasakyan. Kanina nang hindi ako gumalaw, siya na ang mismong lumapit at humila sa akin hanggang sa nakasakay ako.

Ngayon, katahimikan ang bumabalot sa amin at dahil sa katahimikan, ang daming pumapasok sa isipan ko. Mga tanong gaya ng bakit siya nandito? Bakit nagpresinta siyang ihatid ako? Paano niya nalamang nandito ako? Paano niya nahanap ang bahay ko? Bakit hindi niya ako sinisigawan ngayon? At marami pang tanong.

Sinulyapan ko siya at mabilis na sumampal sa akin ang katotohanan. Malapit man pero alam kong imposible na ulit kami. Pinalaya ko na siya at sa palagay ko naman ay masaya na siya kasama ang pinsan ko. 'Yun naman ang importante, ang masaya siya.

"You're going to your boyfriend's house?" Otomatikong napairap ang mata ko at umiwas ng tingin. Heto na naman siya. Nanatili na lang akong tahimik.

"Kaya ka ba umalis para mas malaya mong mapuntahan ang boyfriend mo?" Sarkastikong tanong niya. Agad kumirot ang dibdib ko pero mas nanatili akong tahimik.

"Doon mo pa yata balak matulog ngayon gabi," dagdag niya. Sige lang, Lorrie. Ganiyan nga, manahimik ka na lang. Hayaan mo siya sa mga assumptions niya.

Naghintay ako ng sunod niyang sasabihin pero wala na. Tumigil na siya sa pagsasalita. Kinalma ko ang sarili ko at tahimik na lang na nagmasid sa labas.

Natanaw ko na ang building ng condo ni Yanah. Narinig ko ang sarkastikong tawa ni Jeoniel pero binalewala ko 'yon.

"Dito na lang," sabi ko at kinuha ang bag kong nasa backseat. Nang maipara niya ang sasakyan ay mabilis akong bumaba ngunit bago ako maglakad ay yumuko ako para kausapin siya.

"Salamat sa kusang paghatid. Makakaalis ka na, salamat," dire-diretsong sabi ko bago mabilis na tumalikod at naglakad papasok ng building.

I sighed as I entered Yanah's unit. Kinalma ko ang malakas na pagkabog ng puso ko bago ako nagtungo sa kwarto ni Yanah. I stopped in my tracks when the first thing I saw when I entered her room is my notebook.

Naiwan ko pala ito dito.

Lumapit ako rito at agad itong niyakap. I took a deep breath before putting it inside my bag. Sunod kong kinuha ang damit ni Yanah at ilang essentials niya bago ako lumabas muli.

I locked her door and began walking. Nag-ring ang cellphone ko kaya huminto ako panandalian.

"Hello?"

"Hey, Lorrie. It's me, Yael." Nagsimula akong maglakad muli hanggang sa makababa ako. I spotted Yael on the lobby while holding his phone.

"Bakit napatawag ka?" Tanong ko habang naglalakad palapit sa kaniya. Lumingon siya at agad ngumiti nang makita ako. Ibinaba niya ang telepono kasabay ng paglapit niya.

"Hey, Yanah texted me. Tulungan daw kita." Sumalubong siya at kinuha ang bag na hawak ko. Tig-isa kami ng hawak na bag.

"Hindi naman mabigat," sagot ko. Sabay kaming lumabas ng building at dumiretso sa sasakyan niya. Ngunit bago ako pumasok, lumingon muna ako at umasang wala na siya... pero mali ako.

Jeoniel's glaring eyes met mine. Naroon pa rin siya sa pwesto kung saan siya nagpark ng sasakyan niya kanina. His glaring eyes are piercing to me. I gulped and avoids his glaring eyes before I entered Yael's car.

Walang imik na nagmaneho si Yael. Mas komportable ako sa katahimikang namamalagi sa aming dalawa kesa sa katahimikang naranasan ko kanina.

But, Yael broke the silence.

"Yanah didn't really texted me, Lorrie. Ako ang kusang pumunta dito," basag niya sa katahimikan na nagpalingon sa akin.

"Huh? What do you mean?" Takang tanong ko.

Yael sighed and his arms lazily drives the wheel.

"I saw your ex-fiance following you all the way here so, I also followed him and thought of picking you up. Naisip ko kasing baka hindi ka komportable."

Kumalabog na naman ang puso ko. Nakakainis na. Nakakainis na dahil gusto ko nang kalimutan siya pero marinig ko lang ang kung anong bagay na konektado sa kaniya, ganito pa rin magreact ang puso ko.

"Imposible..." bulong ko bago umiwas ng tingin.

Imposible na sinundan niya ako. He's with his girlfriend. Imposible 'yon.

"I was driving my way back home then I saw his car, Lorrie. You might be confused as to why I know that it's his car but, I knew it's him," litanya niya. Takang taka ako at naguguluhan sa kung anong sinasabi niya.

"Remember the night you were harassed by those drunktards?"

My lips parted and memories came in my mind.

"W-what about it?" I gulped the lump in my throat while anxiously waiting for his next words.

"They are already jailed. Hindi ko alam kung paano pero nalaman ko nalang na may nagpakulong sa mga 'yon... and it's not me, Lorrie Jane," he stated.

"Naisip mo siguro na ako ang nagligtas sa 'yo noon. You thought I'm the one who chased those drunktards away but, no. Hindi ako. I'm there but I'm not the one who came first, Lorrie." My heartbeat grew louder. I don't wanna assume but at the same time, Yael's words is making my heart beats fast again.

"It's him, Lorrie. Your ex-fiance came there first. Jeoniel is the one who saved you. Nang tumakbo ka, saka lang ako humabol sa 'yo. He's also the one who sued those harassers."

My tears fell when my emotions started to mixed up. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Hindi ko na alam kung bakit ganito. Kung bakit nalalaman ko pa ito.

"I just wanna let you know because I don't want to keep secrets from you."

Hanggang sa makabalik ako sa bahay ni Lola Rufina, laman pa rin ng isip ko iyon. Sinalubong ako ni Yanah pero dumiretso ako sa kwartong tutulugan namin.

"Lorrie, may problema ba?" Yanah asked when we entered the room. Nanghihina akong napaupo sa kama at natulala.

"Bakit kung kailang gusto ko nang kalimutan siya saka ko naman nalalaman ang lahat?" Wala sa sariling tanong ko.

Yanah quickly went to me. "Why? What happened?"

I sighed and let tears fall on my cheeks. "Jeon is the one who save me when I got harassed one night. I thought it's Yael," bulong ko.

Yanah gasped. "You got harrased?!"

"Then, nalaman ko na benign ang cancer ko. I still have the chance to live longer. The chance to be with him for a long time pero, huli na. Nalaman ko kung kailang huli na. He's with my cousin now. Bakit ganito? Deserve ko bang maranasan ito?"

I cried loud while Yanah hugged me. The loneliness now embracing me. The fact that everything is now late. Everything is now impossible for the both of us.

"Why don't you talk to him, Lorrie? Ngayong alam mo nang may pag-asa ka pa," I immediately shook my head.

"No. I asked Yuri, Sheen and Victorious to not tell Jeoniel. Ayokong malaman pa niya. He's now with my cousin. Ayoko nang guluhin pa siya."

Yanah sighed. "Pero kahit na, naniwala si Jeon na niloko mo siya. At least, tell him that it's not true. Kahit 'yung bagay lang na 'yon."

Nanumbalik sa akin ang gabing galit na galit siyang umuwi. Clutching some photos in his hands. Hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yon pero hinayaan ko dahil gusto kong layuan niya ako noon.

"He saw photos that made him believe that I cheated on him," sabi ko.

Yanah turned to me. "Photos of you and another guy? I remember you telling me that your cousin asked you to meet up..." her voice slowly fades and she gasped as if she realized something.

"You got framed up, Lorrie! Your cousin framed you up!"

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon