16.

109 9 0
                                    

They're waiting for me to speak. Sinubukan kong hanapin ang boses ko para sana sumagot. Huminga ako ng malalim pero biglang umurong ang dila ko.

"Lorrie!" The door opened and Yael came rushing towards me. Mabilis niya akong niyakap. Mas bumigat ang tensyon sa loob pero binalewala ko 'yon.

"Ayos ka lang? Inatake ka na naman. Hindi mo ba iniinom ang mga gamot na ibinigay sa'yo?" Muli akong napaiwas ng tingin. Isa pang tanong na alam kong wala akong takas.

Yael noticed my reaction. "Lorrie naman! Bakit mo kinakaligtaan ang gamot mo? Pinapabayaan mo ang sarili mo!" Yael exclaimed. Napayuko ako at tuluyan nang tumulo ang luha ko. Someone hugs me and I turned to see Yanah.

"Sorry, I called Kuya," bulong niya.

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Ang mabigat na damdamin ko ay mas lalong bumigat kaya hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Ang iyak na naging hagulgol. Yael cursed and pull me to his chest.

"I'm sorry for shouting at you, Lorrie. Shit, sorry," Yael whispered while caressing my back.

Alam kong nanonood sila Victorious, Sheen at Yuri pero wala na akong pakealam. Alam naman na nila at ang hiling ko lang ay sana 'wag nilang ipaalam ito kay Jeoniel. Sana pagbigyan nila ako.

"Tahan na, makakasama sayo 'yan," Yanah said.

Ilang minuto bago ako kumalma. Nasalubong ko ang tingin ni Yuri ngunit hindi na ito katulad ng kanina. Nakita ko sa mata niya ang kagustuhang komprontahin ako pero pinipigil niya ang sarili niya.

"Wait here, I'll buy water downstairs," Yael said and continued his way out. Naiwan kaming lima. Yanah stayed beside me, caressing my back.

"Victorious, Sheen, Yuri..." I finally found my voice to speak. Pareho silang nag-abang ng sasabihin ko. Leisheen is clutching to V's arms while sobbing. Iniwas ko agad ang tingin ko.

"Tama kayo... I have... I have a disease. Malignant na. Naiintindihan niyo ba ako? M-malignant na ang sakit ko. Malabo ang tyansang gumaling ako. Tinaningan na ako ng doktor..." Lumunok ako para pigilan ang nagbabadyang luha.

"Ngayon, n-nalaman niyo na pero... pero, pwede ba akong humiling?" Inangat ko ang tingin ko at naglakas loob na salubungin ang tingin nila. I gulped and with trembling lips, I told them my wish.

"Huwag niyong ipaalam kay Jeoniel, please? I already let him go. I already set him free. Kaya pakiusap, huwag niyo nang ipaalam. Masaya na si Jeoniel, eh. Ipinaubaya ko na siya kay Kath. Hindi na siya masasaktan kaya pakiusap... don't tell Jeoniel."

My tears fell uncontrollably. Nasapo ko ang mukha ko para takpan ang luha ko pero nanghina ang kamay ko kaya napayuko na lang ako. I felt another hug and I heard Sheen's sobs.

"Makakaasa ka."

Victorious' low voice made me lift my head. Nang masalubong nito ang mata ko ay kaagad siyang tumango at naupo sa bandang paanan ko.

"Patawad kung sinisisi namin sa iyo ang lahat. Patawad kung pinag-isipan ka namin ng masama at nagalit kami sa 'yo. Hindi ko alam na... na ganito pala ang kalagayan mo. Inakala naming lahat na intensyon mong saktan si Jeoniel pero hindi pala." Victorious sighed and look at my eyes. "Makakaasa ka, Lorrie. Naiintindihan ko ang gusto mong iparating. Makakaasa kang isisikreto namin ito dahil naniniwala rin ako na kung malalaman man ni Jeon, dapat ay galing sayo."

Napakagat labi ako pigilan ang pag-iyak. Nabawasan ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Victorious. Ngumiti ito sa akin at paulit ulit humingi ng tawad pero hindi naman ako galit sa kaniya. Hindi ko siya masisisi.

Yuri sighed after being silent for a while. "I agree with Victorious, Lorrie. Wala kami sa posisyon para sabihin kay Jeoniel ang nalaman namin tungkol sa 'yo. Pero sana, sabihin mo pa rin kay Jeon. Desidido ka bang habang buhay 'yang ilihim sa kaniya?"

I smiled bitterly. "Eh, ano pa bang silbi kung sasabihin ko?" Tumulo ang luha mula sa mata ko bago ko sila nalingon. "Pinalaya ko na siya ng tuluyan. Kaya bakit ko pa sasabihin? Para ano? Masaktan na naman siya? Hindi na lang. Umalis na nga ako sa buhay niya dahil sakit lang ang dinudulot ko, eh."

The room became silent. Leisheen's hug tightened. Gusto kong mainis sa sarili ko dahil sa palagay ko ay nagiging pabigat ako. Magsisikreto pa sina Victorious kay Jeoniel dahil sa akin.

"Pasensya na," sambit ko matapos ang katahimikan. Hindi ko magawang iangat ang ulo ko dahil sa luhang tuloy tuloy na bumabagsak sa pisngi ko.

"Lorrie, bakit?" I heard Leisheen asked.

"Pasensya na kasi nagkaganito ako. Nagulo lahat. Nasaktan ko si Jeon, nasira ko ang tiwalang binigay niyo, nagiging pabigat ako. Pasensya na kung mapipilitan pa kayong magsikreto kay Jeoniel. Hayaan niyo, kapag nawala na ako, pwede niyo nang ipaalam kay Jeon—" Napahinto ako nang may tumamang kung ano sa pisngi ko.

Nanlalaki ang mata ko lalo pa nang lingunin ko si Yanah na nakatayo at nakatingin sa akin. Mabilis ang paghinga niya at masama ang tingin.

"Lorrie, ano ba?! Bakit ganiyan ka magsalita?! Alam mo bang hindi ko nagugustuhan 'yang linya mong 'yan?! Kapag nawala ka na? Lorrie, hindi! Hindi ka mawawala okay? Maaalis 'yang tumor mo, naiintindihan mo ako?!" Sigaw ni Yanah. Mabilis na tumayo si Yuri at dinaluhan si Yanah. Napayuko ako at napahikbing muli. I felt Leisheen's hand behind me, caressing my back.

"Araw-araw kong pinagdarasal na sana maging maayos ka. Na sana maging malakas ang loob mo pero bakit ganiyan ka? Bakit parang sa paraan ng pananalita mo, sumusuko ka na at tanggap mong mawawala ka? Lorrie, huwag naman ganiyan!" Nabasag ang boses ni Yanah kaya mas lumakas ang hikbi ko.

"Nandito naman ako, kasama mo kaya bakit ganiyan ka magsalita?"

Naikuyom ko ang palad ko bago pinunasan ang luha ko at humarap sa kaniya. Her face is also soaked in tears like mine.

"Sa tingin mo ba makakaya kong iasa sa'yo lahat, Yanah? I-asa sa'yo 'yung bigat at sakit na nararamdaman ko gayung alam ko na nahihirapan ka rin? Nahihirapan ka na nga sa pagkawala niya kaya hindi ko na dadagdagan 'yang problema mo!" Sambit ko. Nagbukas ang pintuan ngunit hindi ko ito nagawang lingunin.

"Alam kong nandyan ka para sa akin, alam ko. Ramdam ko, oo pero paano ka naman? Paano naman 'yang nararamdaman mo? Wasak na wasak ka rin sa loob mo, diba? Pero, mas inuuna mo ako! Isa pa, totoo naman! Mamamatay na rin ako! Doktor na mismo ang nagtaning, diba?"

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Nang lingunin ko ang isang gilid, nakita kong naroon na si Yael na nagtataka sa nangyayari. Nabaling muli ang atensyon ko kay Yanah. She stepped forward with her stoic expression.

"What if I tell you that your cancer isn't really malignant?"

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon