15.

117 9 0
                                    

I smiled and turned to Yanah. Natawa ako dahil nakasimangot ito kaya naman para maibsan ang pagsimangot niya ay niyakap ko siya.

"Bakit kasi hindi ka na lang sa condo ko? Ang luwag luwag doon, Lorrie! Bakit kailangan mo pang lumipat? Nakakainis naman, eh!" Reklamo niya. Natawa naman ako pero mas lalo siyang sumimangot.

Five days after I left our house for good. Ilang araw akong nag-stay sa condo ni Yanah bago ako nagdesisyon na humanap ng matutuluyan. Simpleng bahay lang, hindi gano'n kalaki dahil ako lang naman mag-isa ang titira dito. Hindi na rin ako mahihirapan kapag sa trabaho dahil malapit lang siya sa clinic.

Dito, magsisimula ako mag-isa. Kakayanin ko at kaya ko, panigurado. Ngayon, wala nang Jeoniel. Wala nang sakit, ako lang. Sana... sana nga, wala nang sakit.

Ipinilig ko ang ulo ko at inalis 'yon sa isipan ko. Move on, Lorrie.

"Lorrie! Sigurado ka bang gusto mo dito?" Yanah keep on insisting me to just stay with her but I refused.

Humarap ako sa kaniya. "Yanah, alam kong handa kang tumulong sa akin pero, sobra sobra na ang naitulong mo. Ayos na ako dito. Kung gusto mo, dadalaw ako sa condo mo araw-araw pero, huwag ka nang mag-alala, kaya ko dito," litanya ko.

Yanah pouted. "Ako na lang ang dadalaw sa'yo dito. Huwag mo nang pagurin ang sarili mo at baka atakihin ka na naman," aniya.

Tumuloy na rin kami sa loob at nagsimulang ayusin ang gamit ko. Damit lang ang nadala ko kaya kailangan pang bumili ng gamit sa bahay. May sapat na pera naman ako para doon. Magpapasama na lang ako kay Yanah kapag may oras.

My phone beeped. Panandalian akong tumayo para tingnan iyon.

From: Yael

Where are you and Yanah?

Huminga ako nang malalim at sumandal sa pader para makapag-reply. Yanah walked towards me and peeked on my phone.

"Oh, tell Kuya na nandito tayo sa lilipatan mo." Tumango ako at nagtipa ng ire-reply.

To: Yael

Nasa bagong bahay ko, I'll send you the address.

Ibinulsa ko ang cellphone ko bago nagpatuloy sa pag-ayos ng mga damit ko. Yanah and I sat on the sofa after we finished arranging my clothes.

"Kailan mo balak bumili ng furnitures para rito? Sasamahan kita o kaya magpasama tayo kay Kuya Yael para hindi ka mahirapan." Lumingon ako sa kaniya at ngumiti.

"Kailan ba kayo free ni Yael? Nakakahiya naman kung sisingit ako sa schedules niyo," natatawang sabi ko.

Yanah scoffed. "Marami akong oras. Si Kuya, ang sabi niya ay hindi siya abala sa Sabado. Gusto mo bang sa Sabado na mamili?" Tumango ako at tumayo para kunin ang wallet ko. Mag-aalas dose na pala pero hindi pa kami kumakain ng lunch.

"Tara, kain tayo sa labas. Wala pang mailuluto dito," aya ko sa kaniya.

Yanah stood up and we left the house. Nagmaneho si Yanah patungo sa isang kainan. Mabuti na lang at walang tao roon kaya hindi gano'ng mainit.

"Ako na bibili, maupo ka na." Hindi na niya ako hinintay na sumagot, agad na siyang tumalikod at dumiretso para bumili ng kakainin namin.

Huminga ako nang malalim bago naupo sa bakanteng pwesto. Isinandal ko ang likod ko sa upuan. Nakaramdam ako ng hilo kaya kinakalma ko ang sarili ko.

"Lorrie?" A familiar voice called me. Isang baritonong boses.

Pilit kong inangat ang paningin ko at nakita ang dalawang pamilyar na lalaki at isang babae. Sobrang pamilyar pero dahil sa nanlalabong mga mata ay hindi ko magawang kumpirmahin kung sino ang mga 'yon.

"Lorrie, ayos ka lang?" I heard a woman asked.

Hindi ko magawang sumagot. Hindi ko mahanap ang boses ko. Hindi ko alam kung bakit.

"Hey, get a glass of water!" I heard the guy said. Napapikit ako dahil umiral na ang sakit ng ulo ko. Kinagat ko ng mariin ang labi ko para pigilang magpakawala ng daing.

"Lorrie! Lorrie! Hey, anong nangyayari sa'yo? It's me, Leisheen. Hey!" Naramdaman ko ang paghawak sa braso ko ngunit mas sumasakit lang ang ulo ko.

Shit... Leisheen... and I think, she's with Victorious. The guy's voice belongs to Victorious. Who was the other guy?

Bakit ba inaatake ako palagi kung kailang nasa harapan ng kaibigan ni Jeoniel?

"Lorrie!" I heard Yanah's voice.

Nagsimulang manginig ang kamay ko kaya napamura ako. Shit, no. Not now, please.

"Let's get her to the hospital. Yuri, you drive!" Victorious said.

Naramdaman ko na lang ang pagbuhat sa akin pero hindi ako makapalag. My arms and legs are weakening. My vision are still blurring. And, I can't still find my voice to speak.

Hindi ko alam ang sunod na nangyari ngunit nagising akong sumisigaw. Sumisigaw dahil napakasakit ng ulo ko.

I heard panicking voices until I felt something on my arm.

I woke up again. Kalmado na ako at wala nang sakit ng ulo pero pagmulat ko pa lang ay sumalubong na sa akin ang tatlong pares ng mata. Victorious is showing me a serious gaze, Yuri is looking at me with coldness in his eyes while Leisheen's eyes showing me worry and softness.

I opened my mouth to speak but Victorious beats me to it.

"Don't speak. Magpahinga ka muna," sambit niya.

Sinubukan kong tumayo at sumandal. Huminga ako ng malalim para maibsan ang kaba sa dibdib ko.

Nasaan ba si Yanah?

"The first time I saw you like this, hindi kita pinilit na magpaliwanag pero ngayon, nasaksihan ko na naman na ganito ka. Tell us, Lorrie... may nililihim ka ba sa amin?" Yuri's cold voice sent shivers to my spine.

Naging mailap ang mata ko at hindi pa rin mahanap ang boses ko. Why can't I speak?

"Yuri, don't force her," Victorious said.

Marahas na lumingon si Yuri sa kaniya. "No, Victorious. Hindi ako matatahimik kung ganito. Kaibigan ko rin si Jeoniel at kahit papaano ay may pakealam ako sa kalagayan nklang dalawa ni Lorrie dahil kaibigan ko rin si Lorrie. Ngayon, nakita ko si Lorrie na ganito, dalawang beses kaya hindi ako magbubulag-bulagan sa ganito," Yuri said.

I saw Leisheen sobbed while looking at me. "Lorrie..." she called me. "Sabihin mo sa amin, Lorrie. Ito ba ang dahilan kaya mo hiniwalayan si Jeon? Dahil may... may meningioma ka? Dahil inakala mong mawawala ka na?"

I felt a jab on my heart. It hits me hard. They know now. Alam na nila na may sakit ako. Bakit ba kasi ako inaatake kung kailang kaharap sila?

The room became silent until Victorious speaks.

"Lorrie, tell us. Did you really cheat on Jeoniel or did you lie to him and made him believe that you are cheating?"

Napakagat labi ako. Alam kong wala na akong takas dito. Wala na, nalaman na nila.

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon