22.

124 8 0
                                    

I woke up with a headache. Ipinikit ko ang mata ko at sinubukang alisin ang sakit ng ulo ko sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. I tried and tried until the pain was eased.

Nang imulat ko ang mata ko, nakita kong madilim pa rin sa labas. I glanced at the clock and saw the time.

4:12 AM.

Sinubukan kong tumayo pero natigilan ako nang maramdamang may gumalaw sa tabi ko. It sent shivers down my spine. I frozed until I heard a manly humm from beside me.

Manly? Wait...

Mabilis akong lumingon at halos malagutan ako ng hininga nang makita ang taong katabi ko. Mahimbing itong natutulog habang yakap ang isang unan at bahagyang nakaawang ang bibig.

"What the hell?" Bulong ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. How did he got here? I stare at nowhere, trying to remember what happened last night.

Yanah and I had dinner but Jeoniel came and said he wants to talk to me. Then, I walked out and he followed me until here and said... he said he knows everything.

The question is still the same.

How did he know?

Did they told him? But they promised to keep it a secret. Base sa pagkakakilala ko sa kanila, alam kong totoo sila sa mga pangako nila. Pero, posible nga kayang nasabi nila kay Jeoniel?

I shook my head and stands up, trying to ignore the man sleeping on the bed. If he wokes up, I'll tell him to leave. Hindi na pwedeng malapit na naman siya.

What if Kath, my cousin, knows that her boyfriend is here?

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nagsalin ako ng tubig sa baso at naupo sa upuan. Hindi ko inalintana ang madilim na kusina. I leaned on the chair and stare at the moon through the window.

I never expected that my life would be like this. All the expectations for me and Jeon is completely different from what's happening right now. Sabagay, expectation nga naman 'yon.

I closed my eyes and suddenly, image of my parents flashed in my mind. Agad nag-init ang sulok ng mga mata ko. How could I forget them? Sa nakalipas na mga buwan, puro kapakanan ni Jeon ang iniisip ko. Hindi ko na nabalingan ang sarili ko, pati ang mga magulang ko.

"Mama, Papa..." bulong ko. "Ayoko na po, sobrang hirap na." Nagmulat ako ng mata at hinayaan ang luha kong tumulo. Tumitig ako sa kalangitan na puno ng bituin.

"Puwede po bang isama niyo na lang ako diyan? Miss na miss ko na po kayo. Pakiusap po, sunduin niyo na ako dito." Humikbi ako at hinayaan ang sarili kong umiyak.

"Pagod na po ako. Gigising ako nang mabigat pa rin ang loob. Palagi na lang. Nawala na lahat. 'Yung dahilan ng kasiyahan ko, nawala na. Pinalaya ko na si Jeoniel kasi... kasi alam kong magiging masaya siya sa iba. Ayoko nang ipilit ang nasira na. Isa pa, sobrang layo ko na po sa dating ako..." kinagat ko ang labi ko bago nagpatuloy.

"H-hindi na po ako 'yung Lorrie na k-kayang sabihin na magiging ayos lang ang lahat. 'Yung Lorrie na hindi nawawalan ng ngiti sa labi... iba na po."

"Kasi ngayon... ngayon po... wala na lahat 'yon, Mama, Papa. N-nakakapagod na pong lumaban kaya nakikiusap ako. K-kunin niyo na ako," sobs became louder. I clutched my chest as my sobs grew intense. Ang bigat sa dibdib ko ay hindi mawala-wala. Ang ulo ko ay nagsisimula nang sumakit pero hindi pa rin nagpapaawat ang luha ko.

"Lorrie!" A voice filled with fear reached my ear. I knew who came. I definitely knew.

I can hear his hurried steps. Naglakad siya palapit sa akin hanggang sa namalayan kong nasa harapan ko na siya. He's kneeling in front of me while he tries to make me face him.

"Please, w-why are you crying?" His soft voice is clear. Halata ang kagustuhan niyang malaman kung bakit ako umiiyak. Ang paraang ng pagtingin niya ay ayaw kong pangalanan.

Tumitig ako sa mata niya. Sa mata niyang sobrang hinahangaan ko. Sa mata niyang minsang nagpakita kung gaano niya ako kamahal.

"Alam mo ba..." I trailed off. He became attentive. "N-nung nalaman ko 'yung sakit ko, ipapaalam ko na dapat sa 'yo..." natahimik siya at naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa upuang inuupuan ko.

"I was ready to tell you but how can I? How can I tell you when the first thing I saw when I got home is you crying and mourning?" The image of him mourning for his mother's death flashed my mind.

"Paano, Jeon? Sabihin mo, paano ko masasabi pa sa'yo? Tapos nung oras na handa na akong sabihin, saka ka naman nagalit kasi nalaman mong niloloko kita. You even threw our engagement ring so, how can I tell you?" My voice cracks again as I let myself cry in front of him. Kahit ngayon lang, hahayaan ko ang sarili kong umiyak sa harapan niya.

"So, y-you did cheat on me para mas mabilis akong magalit sa 'yo? Hindi mo na nga sinabi, nagawa mo pa 'yon. Lorrie, you could've just come to me and told me that instead of breaking me," his voice cracking while tears continue falling from his eyes.

He's broken... pero, ako ba hindi?

"Jeoniel, do you think I'll drag you to suffer with me? Naiintindihan mo ba ang sitwasyon? Oo, may sakit ako! May meningioma ako! Brain tumor, in easier words! Oo, pinili kong itago sa 'yo! Nilihim ko kasi... kasi paano ko hihilingin sa 'yong samahan ako kung nagluluksa ka noon?" Mahina na ang boses ko at ramdam ko na ang pagod.

"T-this conversation is draining me. Wala na akong pakealam kung alam mong may meningioma ako. Wala na akong pakealam kung alam mo na. Ayoko na, Jeoniel. Hirap na hirap na ako. Isa pa, you're with my cousin now so, what's the point of this?"

I stood up but he beats me to it. He abruptly stood up and held my shoulders, making me sit back.

"Who the hell told you that I'm with your cousin?"

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon