07.

103 8 0
                                    

tw: harrasment

Maybe, it's girl's instincts. Malalaman mo agad kung anong klaseng tingin ang pinapakita ng kapwa babae, lalo na kapag may gusto sa lalaki.

Aware ako na noon pa ay maraming babaeng nagkakagusto kay Jeoniel. Hindi ko pinagtutuunan ng pansin 'yon dahil alam ko naman na hindi mapipigilan at isa pa, ako ang pinili ni Jeon kaya hindi ko kailangang magduda.

Pero, hindi pa rin mawawala ang mga taong gagawa ng paraan para lang makuha ang gusto.

Katherine, my cousin isn't an excemption to the list of the those girls who likes Jeoniel. Halata ko noon pa. Halatang halata sa bawat tingin niya pero isinawalang bahala ko noon pero ngayon, hindi ko alam.

Buong oras ng dinner ay halos hindi ko magawang lunukin ng maayos ang pagkain ko. Panay ang hinga ko nang malalim dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko na rin magawang sabayan ang usapan nila dahil abala ako sa pagpapakalma sa sarili ko.

The dinner is filled of laughters yet my heart is drowning in sadness. Pinipilit ko lang ang sarili kong ubusin ang pagkaing nakahanda dahil nakakahiya kay Lola Sally.

"Lola, remember the time when you asked Jeoniel to give me a lunch in my office?" Kath asked. Ang kaninang mabigat na pakiramdam ay mas lalong bumigat. Jeoniel and Kath are seeing each other.

This is what I want, right? Ang makahanap si Jeoniel ng babaeng para sa kaniya. But damn, sobrang sakit pala kapag harap-harapan.

"Oo, hija. Nagustuhan ba ng mga katrabaho mo ang ipinadala ko?" Lola Sally is all smiles. Naalala ko ang ngiting ipinapakita niya sa akin noon. Ganiyan din. Ang ngiting nagpapakita na tanggap ka niya. Ganiyan siya ngumiti noong kami pa ng apo niya. Puno ng lambot at adorasyon.

"Yes po, Lola! They loved it! Halos sila nga po ang nakaubos ng pinadala niyo!" Kath said enthusiastically. Lola Sally is delighted from what she heard. Ang sabi ay magpapadala raw uli next time.

That dinner was a disaster for me. Kath's presence made me feel out of place. Halos siya ang nanguna sa usapan. Nakita ko rin kung paano niya kausapin si Jeoniel at kung paano niya tingnan.

Noon pa man, ramdam ko na ang pagtingin niya kay Jeoniel. She would find an excuse just to see him. Dumadalaw siya noon sa bahay at sinasabing gusto akong dalawin pero alam kong hindi 'yun ang rason niya. She wants to see Jeoniel that's why she keeps visiting us.

I look around the kitchen and saw them still enjoying their conversation. Huminga ako nang malalim. I feel out of place. Mukhang maling ideya ang pagsama ko dito. Maybe, I should leave.

Tahimik akong tumayo at umalis sa kusina. No one notices. Of course, how would they when they are too busy listening to Kath's talking?

Pinasadahan ko ng tingin ang sala nila Jeoniel. Memories started to flash in my mind. I can see the old Jeoniel and Lorrie on the couch, laughing and teasing each other. I can see the both of us cuddling while watching our favorite movie.

All the imaginations lead me to tearing up again. Hindi na kinakaya ng puso ko ang sakit na nararamdaman ko kaya mabilis akong naglakad para makaalis na. Uuwi na ako.

"Where are you going?"

Jeoniel's cold voice reached my ear. Napahinto ako at halos mapamura. Bakit nandito siya? Sinundan ba niya ako?

I gather my courage to answer. "Uuwi na ako. Something came up," saad ko gamit ang matigas na boses. Sanay na ako na patatagin ang sarili ko sa harap ni Jeoniel. I couldn't let him see my tears.

"Something came up? Or your boyfriend called kaya atat kang makauwi?" He asked and for the hundredth time, I heard his mocking voice.

My jaw clenched as I felt anger risened up. I want to shout at him. Palagi niyang ipinapamukha sa akin na nagloko ako. Tuwing magkikita kami o magkakausap ay hindi niya kinakalimutan i-bring up ang tungkol sa 'boyfriend' ko.

Pero, hindi... hindi ko sasabihin ang totoo. Wala akong balak sabihin ang totoo. Hahayaan kong isipin niyang niloloko ko siya. Hahayaan kong magalit siya.

Para mas mapadali ang lahat.

Para hindi siya masaktan kung sakaling mawala na ako.

"Cat got your tongue?" Kinalma ko ang sarili ko bago naglakas loob na magsalita.

"Yes, my boyfriend called. He said he misses me. That's why I'm going home. Tell Lola Sally and Lolo Bert that I thanked them for the dinner. Goodbye," mabilis na saad ko bago humakbang paalis sa bahay nila.

I went out of their house. Nahagip ng mata ko ang sasakyan ni Jeoniel at saka ko naalalang sumabay ako sa kanila kanina. Pero, hindi na problema 'yon. I can go home on my own.

Tahimik na ang kalsada habang tinatahak ko ang daan papuntang sakayan ng tricycle. May iilang bukas pa na ilaw at mula sa kalayuan ay natanaw ko ang mga lalaking nag-iinuman. Wala akong pakialam sa paligid ko, basta ang gusto ko lang ay makauwi.

Nilagpasan ko ang mga lalaking nag-iinuman pero, nagsalita ang isa sa kanila.

"Uy, Miss! Naligaw ka yata! Tara, samahan mo kami!" Their drunk laughters surrounds the place. Mas binilisan ko ang lakad ko hanggang sa marinig ko ang langingit ng upuan tanda na may tumayo.

Shit. Takbo, Lorrie.

"Miss, teka lang! Sama ka muna samin. Nagmamadali ka naman masiyado, eh!" A rough palm held my arm. Mabilis akong nagpumiglas ngunit mahigpit ang kapit niya. I tried kicking him but it's no avail.

"Bitaw nga, ano ba!" Sigaw ko pero nahila na ako ng isa papunta sa mesa nila.

I'm shaking in panic. Walang masyadong tao sa kalsada kaya wala akong mahingian ng tulong. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.

No, please.

The guy successfully made me sit. Pinaggitnaan nila ako ng isa pang lalaki. The guy on my right smirked and offered me a drink which I immediately decline.

Tumayo ako para makaalis pero muli akong nahatak ng isa pa.

"Ano ba! Ayoko nga, sabi eh!" Sigaw ko at sinubukang umalis. Halos maiyak ako sa kaba hanggang sa masilaw ako sa liwanag na nagmumula sa isang sasakyan. Nabitawan ako ng lalaki dahil sa nakakasilaw na liwanag.

Mabilis akong lumayo sa kanila. Hindi ko na inalam kung sino ang nasa kotse. Mabilis na akong tumakbo hanggang sa marating ko ang sakayan ng tricycle. I was catching my breath when my phone beeped.

Kaagad kong binuksan iyon at nakita ang text message mula kay Yael.

From: Yael

Get in, Lorrie.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang nakaparadang sasakyan ni Yael. Nanlaki ang mata ko habang naglalakad palapit sa sasakyan niya.

I spotted another car coming through my peripheral vision but, I didn't pay attention. Nagmadali na akong sumakay at agad nasalubong ang naga-alalang ekspresyon ni Yael. He pulled me into a hug.

"Damn, I was fucking worried when I saw you running like crazy." Hinaplos niya ang likod ko bago siya bununtong hininga. Nanlambot rin ako at naramdaman ang panggigilid ng luha ko.

"Anong nangyari? Bakit ka ba tumatakbo?" Tanong niya. Huminga ako nang malalim, kinakalma ang sarili ko. Nagsimulang kumirot ang ulo ko pero pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

"They... pulled me there and forced me to... to drink with them," sabi ko. I heard Yael cursed before he took my trembling hand.

"We will sue that fucking harassers. Ngayon, kailangan mong magpahinga. Akong bahala sa mga lalaking 'yon. Ihahatid na kita," saad niya.

Pumasok bigla sa isipan ko na sa parehong bahay kami nakatira ni Jeoniel. Tiyak sasalubungin na naman ako ng maaanghang niyang mga salita kapag doon ako umuwi.

So, I've decided.

"Can you please take me to Yanah's condo?"

He softly smile. "Sure."

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon