Chapter 30

6 0 0
                                    

"Attorney, nasa conference room na po sina Atty. Cruix at Atty. Garcia." tumango ako kay Kristel at kinuha ang mga gamit kong kakailanganin ko para sa meeting.

Tatayo na sana ako ng tumunog ang cellphone ko, hindi ko na sana ito papansinin kung hindi ko lang nakita na si Acheson pala ang caller.

"Acheson— Hey, something's wrong?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, agad akong nakaramdam ng kaba at takot ng marinig kong tila nagkakagulo ang mga tao sa kabilang linya. Naririnig ko pa ang boses nina Tache at iba ko pang pinsan na halos hindi nagkakarinigan dahil sa malalakas nitong boses.

"What's happening, Acheson?!" natatarantang tanong ko sa kanya. Hindi ko na rin napigilang mapasabunot sa buhok ko habang hindi pa rin sumasagot si Acheson sa kabilang linya, at tanging sigaw, mura at iyak lamang ang naririnig ko galing sa kabilang linya.

"Sache..."

"Acheson, ano nga? Sabihin mo naman, oh!" narinig kong bumuntong hininga si Acheson at tumikhim pa bago siya muling nagsalita.

"It's about Aiche." parang huminto ang lahat ng marinig ko ang pangalan ni Aiche. I don't know but tears formed in my eyes, my hands started to tremble and all I know is that Acheson ended the call. With shaking hands, I read Acheson's message and my tears fell when I found out what was happening.

Agad akong tumayo na tanging cellphone lamang ang hawak at agad na lumabas sa opisina ko. Hindi ko na nagawang punasan ang mukha ko dahil sa pagmamadali. Muntik pa akong matumba ng matapilok ako, mabuti na lamang ay nakahawak ako sa pader upang makakuha ng suporta.

"Attorney, hini—" hindi ko na pinansin si Kristel ng makita niya ako sa hallway, agad kong pinindot at pumasok sa elevator. Napangiwi ako ng makaramdam ng sakit sa kanang paa ko. Nang bumukas ang elevator ay agad akong tumungo sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko. Nanginginig kong binuhay ang sasakyan habang sinusubukang tawagan muli si Acheson pero hindi na ito sumasagot. Tatawagan ko pa sana ito ng maalala na kasama din nila si Tache. Agad kong hinanap ang ang contact number ni Tache at tinawagan.

"Sache." pangalan ko lamang iyon ngunit agad akong umiyak, halos hindi ko na makita ng maayos ang kalsada dahil sa mga pesteng luha na patuloy tumutulo sa mukha ko.

"Calm down, Sache. She's going to be okay, hmm?" I know. Alam kong magiging maayos si Aiche pero hindi ko pa rin mapigilang mapailing. Nang malaman kong sinugod sa hospital si Aiche ay nawala ako sa sarili, ni hindi ko nga namalayang nawala na si Acheson sa kabilang linya.

"Wait, are you driving?" tanong ni Tache ng matapos marinig siguro ang busina ng ilang mga sasakyan.

"Damn it, Sache! Stop the fucking car." ma-awtoridad na saad nito pero imbes na huminto ay nagpatuloy ako.

"P...papunta na akong airport, Tache." marahas siyang napamura dahil sa sinabi ko. Matapos kong mabasa ang text ni Acheson ay agad kong naisip na pumuntang airport at humabol sa pinakaunang flight papuntang Beijing.

"Listen to me, Sache. Stop the car now...Just fuckin' do it, Sache! You're putting yourself in fucking danger." gusto kong pumikit dahil sa malulutong nitong mura pero dahil nagmamaneho ako ay tanging pag-iling na lamang ang nagawa ko. Umiiyak pa rin ako kahit wala na sa kabilang linya si Tache. Ilang traffic lights na rin ang nilampasan ko dahil sa tarantang nararamdaman. Tumingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito at hindi ko na napigilang humagulgol ng makitang si Levis ang tumatawag.

"Shh...stop the car, baby, hmm? Please, ihinto mo ang sasakyan muffin." umiyak ako ng umiyak habang nakikinig sa malambing na boses ni Levis. Nang makarinig ng ingay ng mga sasakyan galing sa kanya ay nalaman kong nagmamaneho din siya. Gaya ng gusto niya ay itinabi ko ang sasakyan, marahan kong inilapat ang ulo ko sa manibela.

"Now, tell me where are you muffin." tumingin ako sa labas ng kotse upang tingnan kong nasaan ako, ganun na lang ang panlulumo ko ng hindi ko alam kong nasaan ako.

"I...I don't know." marahang sagot ko sa kanya. Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Okay. Lock your doors muffin and wait for me. Don't worry baby I'll find you." hindi ko na nagawang umimik at tanging tango na lamang ang naisagot ko na parang nakikita ako ni Levis.

From: Tache<cutie

Aiche got an accident while playing. We're sending her to the hospital.

I closed my eyes again when I remember Acheson's message. I tried to blink many times while thinking that I am wrong. That I had misread his text but reality slapped me hard when after blinking many times, I got nothing but the same message he had sent.

If feeling this way was overreacted then I don't care. If leaving my office and not attending the meeting was being irresponsible, still, I don't care. All I care about is Aiche's condition.

Moments had already passed before I saw Levis approaching my car. I immediately open my door the moment he stood beside my car. I cried again while feeling his warmth.

"Tache calls me and told me to stop you, but he didn't tell me the reason." saad niya habang marahang hinahaplos ang likuran ko. He was seated on the shot gut seat while I'm seating on his lap. I continue sobbing in his chest while he's combing my hair using his free hand.

"A...Aiche got an accident while playing short track speed skating. 'Yon lang ang sinabi ni Acheson kaya 'yon lang din ang alam ko." sabi ko sa kanya. Huminto ako sa pag-iyak at gamit ang dalawang palad ay tinuyo ko ang mukha ko at hinarap si Levis.

"I'm sorry if I have made you worried, Levis. It was just... I wanted to go to Beijing and see Aiche by myself." tumango si Levis sa sinabi ko at marahang pinunas ang tumulong luha sa kaliwang mata ko.

"I'll book a flight tomorrow morning muffin. We're going to Beijing and see your cousin. But for now, you're going to take a rest, okay?" agad akong tumango sa sinabi ni Levis. Kanina ay tumawag si Tache at sinabing stable na si Aiche. Hindi ko alam pero alam kong may hindi sinasabi sakin si Tache kaya gusto kong pumunta sa Beijing upang makasigurado.

"Aiche is one of the players of Verica P.L. Bata pa lang siya ay gustong gusto niya na ang ice skating, dito siya nag-aral since grade school. Pero nang mag college siya ay pinili niya ang ice skating, kaya nang magkaroon siya nang pagkakataon sa Beijing ay agad niya 'yon kinuha kahit ayaw pa nina Tito at Tita. Kaya imbes na dalawa lang sa mga pinsan ko ang nasa ibang bansa ay naging apat. Ayaw kasi ni Kuya Yache na mag-isa lamang si Aiche sa Beijing kaya nag-desisyon siyang doon na rin mag-aral para samahan ang kapatid. Sumali si Aiche sa lahat ng contest when it comes to short track speed skating sa Beijing. Nag umpisa siya na tanging ang Verica lamang ang dala hanggang sa naging Beijing na ang inilaban niya." mahabang kuwento ko sa kanya.

"Yeah. Aiche Del Rio. The one that everyone's talking about because she's pure Filipina but she's carrying Beijing on her hands." natatawang ani ni Levis. Natawa rin ako ng maalala kung paano napuno ng mukha ni Aiche ang mga dyaryo, magazines, at pati na rin ang mga news flash matapos nitong manalo sa Korea. Aiche joined short track speed skating in Korea kasama ang tatlo pang manlalaro na galing sa Canada, USA, at France. Pero sa huli ang Beijing pa rin ang nanalo habang second place ang France, at third place ang Korea.




Maaga akong nagising dahil maaga ang flight namin ni Levis papuntang Beijing, ngunit hindi rin kami natuloy dahil tumawag si Eche at sinabing huwag na kaming tumuloy dahil iuuwi na daw nila si Aiche. Kaya ngayon ay imbes na sa airport ang tuloy namin ay sa bahay na lang nina Tita Sarie kami dumiretso ni Levis at naisip na doon na lamang kami maghintay.

Tahimik ang iba kong mga pinsan ng dumating kami ni Levis. Lahat sila nandito maliban kina Piche at Viche na parehong nasa London at bukas pa makakauwi. Sinubukan silang pigilan nina Tito lennon at Tita Yannie pero ayaw paawat ang dalawa. Umupo ako sa tabi ni Zoche habang naupo naman si Levis sa tabi ni Louiche na nakipag apiran pa sa kanya. Huminga ako nang malalim at tiningnan sila isa-isa.

I hope she's going to be okay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing ChancesWhere stories live. Discover now