Chapter 28

10 1 0
                                    

Nasilaw ako nang buksan ko ang mga talukap ng mga mata ko, umaga na. Ang akala kong simpleng pangyayari lamang ito ay nawala ng maramdaman ko ang oxygen mask na nakakabit sakin, making me breathe properly, gayundin ang karayom na nakaturok sa likod ng palad ko. Kasabay ng paglingon ko sa aking gilid ay ang pagbangon ni mommy mula sa pagkakadukmo sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

"M...Mom," hindi ko alam kung bakit ngunit kasabay ng pagsalita ko ay ang pagtulo ng luha ni mommy. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hindi na napigilan mapahagulgol.

"You scared me, Sache. S-sobrang tinakot mo ako...kami ng daddy mo," and with that, a memory of yesterday flash into my mind. Amusement park, restroom, bench, the guy, the knife. Pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga ng maalala ang nangyari sa amusement park. Ngunit dahil sa biglaan kong pagbangon ay sumakit ang sugat ko, agad akong inalalayan ni mommy upang mahiga ulit ngunit nag-pumilit akong umupo, kaya walang nagawa si mommy kung hindi tulungan akong maka-upo.

"Don't force yourself, Sache, your wound wasn't healed yet, even you're sleeping for three consecutive days." natigilan ako sa sinabi ni mommy. Three days?

"A...ano?"

"Lahat kami nataranta sa London matapos tumawag ni Cane at sinabing sinugod ka niya sa hospital because you were stabbed. Agad kaming humanap ng daddy mo ng pinaka unang flight pabalik dito sa Pilipinas. Ni hindi namin naalala na may private plane nga pala tayo sa sobrang pagkataranta namin. At a-ang makita kong nakahiga ka dito matapos ang operasyon mo, I b-broke down. Hindi ko k-kinaya anak. Hinintay namin na magising ka hanggang sa lumupas ang ilang oras, hanggang lumipas ang tatlong araw na hindi ka pa rin nagigising."

Umiling ako sa sinabi ni mommy, pinilit kong tumayo sa pagkaka-upo ngunit agad akong pinigilan ni mommy. Hindi pwede. I have a trial to attend. If I'm was sleeping for three days, that means I missed the trial. The second trial was a second day ago.

"Mom. Let me go, mom. I have a trial to—" napapikit ako matapos kong alisin ang karayom na nakaturok sa likuran ng palad ko kasunod ang pag-alis ko nang oxygen mask.

"Sache! Stop it!" nag-aalalang sigaw sakin ni mommy pero determinado na akong umalis. Ang isipin na hindi ako nakadalo sa ikalawang trial ay sumasakit ang ulo ko. Damn. Napaigik ako sa sakit ng sinubukan kong humakbang. Narinig kong nagsasalita si mommy habang may pinipindot doon malapit sa kamang kinahihigaan ko kanina. Ininda ko ang sakit na nararamdaman at sinubukan ulit humakbang ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang marahas na bumukas ang pintuan at pumasok si Levis. Napahinto ako at hindi na sinubukan pang humakbang ng makita kung gaano siya kaseryoso. Umiigting ang panga ni Levis habang matatalim na tingin ang iginagawad sakin.

Mula sa kaniya ay lumipat ang paningin ko sa mga taong nasa likuran niya. Unang sumalubong sakin ang nakataas na dalawang kilay ni Sel. Sunod ang nakangiting si Joymie, habang walang emosyon naman na nakatingin sakin si Reign. Nawala sa kanila ang atensyon ko ng mabilis at inilang hakbang lamang ni Levis ang pagitan namin. Akala ko ay sasaktan niya ako ng itaas niya ang kaliwang kamay sa ere dahil sa ginawa kong komusyon kanina, kaya mariin akong napapikit. Ngunit nagulat ako ng bigla niya akong hinawakan sa likod at hinila papalapit sa kanya at agad niyakap. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at niyakap siya pabalik, nang maramdaman niya iyon ay mas lalo pa niya akong hinapit papalapit sa kanya, tila nakukulangan pa sa lapit namin sa isat' isa.

"You scared the hell out of me, muffin. Don't you know that? Tsk. Of course, you didn't, tatlong araw ka ba namang tulog." panunumbat niya sakin habang yakap-yakap parin ako. Baliw! Tanong mo, sagot mo? Naramdaman siguro ni Levis ang pag ngisi ko, at ng tingnan ko siya ay nakataas na ang dalawang kilay nito.

Chasing ChancesWhere stories live. Discover now