Chapter 12

9 1 0
                                    

"Tapos anong nangyari?" Tanong ko kay Pearl. Nakapulupot sa kanang braso ko ang mga kamay niya habang tinatahak namin ang corridor papuntang cafeteria.

"Sorry nakalimutan ko na Sache, " tumawa siya ng tumawa na parang wala sa sarili habang naka taas ang dalawang daliri. Buang.

Hindi ko maiwasang huminga ng malalim dahil sa mga matang nakatingin samin ni Pearl. Halata sa kanila na pinag uusapan nila kaming dalawa, mayroong natatahimik at mayroong nagtataas ng kilay.

"It's so hard to be beautiful, aish!" Napangisi ako sa sinabi ni Pearl, may pa taas taas pa kasi ng kilay at papitik pitik ng mahaba niyang buhok.

Nakarating kami sa cafeteria ng wala namang naging problema maliban lang kanina. O-order na sana kami ni Pearl ng huminto siya kaya huminto din ako.

"Is that Joymie? And Reign?" Tanong ni Pearl habang nakaturo ang isang hintuturo sa kabilang direksyon. Doon ay may walong nakatayong mga estudyante na akala mo'y pinarusahan ng guro nang hindi makasagot sa recitation. I looked at them seriously to know who are they and what is going on. Ganun na lang ang gulat ko ng makilalang sina Joymie at Reign ang dalawang estudyante sa walong 'yun.

"Putek!" Mabilis na pumunta si Pearl doon habang ako ay hindi nagalaw ang mga paa. Did she curse?  Nabalik ako sa reyalidad ng makarinig ng tilian at ng tumingin ako sa direksyon nila, ay wala na akong inaksayang oras para takbuhin ang ilang hakbang na distansya nila mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kong mabilis ba ang naging pagtakbo ko para masalag ang kanang kamay ni Trixie na dapat ay tatama sa mukha ni, Pearl.

Kita ko ang gigil sa mukha niya habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. Mabilis niya iyong binawi at tumingin sakin ng nanlilisik ang mga mata. Ganun din ang limang kaibigan niya.

"Ayaw namin ng gulo Trixie." saad ko sa kanya sa mababang boses habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Pero ngumisi lamang siya at humakbang ng isang beses papalapit sakin.

"Really, after what she did to my clothes?" She said sarcastically. I gazed look at her clothes, they were stains on her expensive dress, looks like chocolate drinks. And I think that is the reason why she acted like this.

"Hindi sinasadya ni Joymie 'yun Trixie, it was an accident!" Trixie turned her gaze at Reign that is on my back. Tumingin ako sa likod ko at doon ko nakita ang itsura ni Joymie. Sobrang gulo ng buhok nito at gusot gusot na ang suot niyang uniform. Nagdurugo ang gilid ng labi at basa ang damit.

"Accident? Of course, it wasn't. Bitch!" I don't know what exactly happened but the moment I look in front shocks was visible in their eyes. Nakatagilid ang mukha ni Trixie dahil sa sampal na binigay ni Sel na hindi ko man lang napansin na nandito.

"You bitch! You'll pay for this, " saad nung isang kasama ni Trixie pero tumaas lamang ang isang kilay ni Sel.

"Sorry huh? Sa pagkaka alam ko kasi wala akong utang sayo, mas lalong wala akong binili so bakit ako mag babayad? Tanga!" Nakarinig kami ng tawanan ng mga estudyante dahil sa sinabi ni Selestine, at halos umusok na ang ilong nang kasama ni Trixie dahil sa galit.

"Let's go, " naunang tumalikod si Sel at pinuntahan si Joymie. Inalalayan nila ito ni Reign paalis ng cafeteria, himawakan naman ni Pearl ang kamay ko at marahang hinila paalis. Pero hindi pa kami nakakailang hakbang ng may maramdaman akong malamig na likidong dumaloy sa ulo ko pababa sa katawan ko. Halos manginig ako dahil sa lamig idagdag pa ang nabasang uniform ko. Basang basa ako dahil hindi lamang isang basong juice ang binuhos nila sakin kundi tatlong baso. Nagsinghapan ang mga estudyante sa loob ng cafeteria dahilan para lumingon sina Reign, Joymie, at Sel. Ganun na lamang ang gulat nila matapos makita ang itsura ko. Well, sino nga ba ang hindi magugulat kong basang basa ang suot mong uniform.

"Serves you right, Sache Tyson." Sa pagbanggit niya ng pangalan ko ay ang pag init ng ulo ko. Kasabay ng mabilis kong paglingon ay ang pagdapo ng palad ko sa mukha ni Trixie. Namutawi ang katahimikan sa paligid, hindi makapaniwala. Dahan dahang itinaas ni Trixie ang isang kamay at marahang hinaplos ang namula niyang mukha. Titingin pa lang siya sakin ng salubungin ng mukha niya ang tinapon kong isang baso ng juice. Mabilis siyang dinaluhan ng mga kaibigan niya at tiningnan ako ng masama.

Hinaplos ni Pearl ang braso ko na senyales na kumalma ako. Pero napuno na ako dahil sa kanya.

"I don't give you permission to uttered my whole name. Idiot. You have no rights— never. " I said while looking at her intently. Mag sasalita pa sana ako ng may pumatong ng jacket sa balikat ko at marahang pag ikot nito sakin paharap sa kanya. Walang reaksyon ko siyang tiningnan habang inaayos ang pagkaka suot ng jacket sakin. Salubong ang dalawang kilay nito at umiigting ang panga, marahas din ang pag hinga niya at makikita mo ang galit sa mga mata niya.

"Flynn....." Sa pagbigkas ko ng pangalan niya ay tumaas ang paningin niya at natagpuan ang paningin ko. Pumikit siya ng mariin bago hinaplos nang marahan ang mga braso ko.

"My plan is to surprise you but you surprised me instead. I'm mad you know? You are—" hindi niya na natapos ang sasabihin ng isang baritonong boses ang nangibabaw sa katahimikan.

"What's happening in here?" At doon ay sumulpot si Yochicko kasama ang mga kaibigan nito. Ang tahimik na paligid ay ngayon ay parang puno na ng bubuyog ang paligid dahil sa mga bulungang nagaganap.

"They started this, Yochicko!" Narinig namin ang mahinang mura ni Reign matapos mag sumbong ng kaibigan ni Trixie kay Yochicko. Lumapit si Yochicko sa kinaroroonan namin at isa isa kaming tiningnan, pumunta si Flynn sa harapan ko at tinago ako sa likod niya ng mapansin na naging matagal ang pagtingin nito sakin.

"Are you okay? Sache?" Mula sa pag kakatago sa likod ni Flynn ay sumilip ako upang makita si Yochicko. Nakataas ang mag kabilang kilay ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"She's not. " mariing pag kakasabi ni Flynn sa kanya. Ramdam ko ang tensyon na nagmu-mula sa kanilang dalawa. Ang mga kaibigan naman ni Yochicko ay prenteng nakaupo sa mga bakanteng upuan at tamad na tinitingnan ang dalawang lalaki na nasa harapan ko ngayon.

"I didn't ask you."

"She won't answer you either."

Chasing ChancesWhere stories live. Discover now