Chapter 21

4 1 2
                                    

Mahigit isang oras na ang nakalipas simula nang umalis ako ng paaralan at na pag-desisyonan na hanapin si Flynn. Halos minu-minuto din akong tumatawag kay Tita para malaman kung umuwi na si Flynn pero hindi pa rin. Huminga ako nang malalim ng muling tumunog ang cellphone ko at nakitang si Sel ang tumatawag. Kanina pa nila ako tinatawagan pero ni isa ay wala akong sinasagot sa kanila, alam ko naman na tungkol sa exam ang sasabihin nila sakin, kaya hindi ko na muna ito pinagtuunan nang pansin.

Huminto ako sa paglalakad ng maisip ang isang lugar na hindi ko pa napupuntahan. Bakit ngayon ko lang naisip 'yon? Agad akong pumara ng Taxi at mabilis na sinabi ang lugar na sigurado akong nandoon si Flynn. Bumaba ako ng taxi matapos mabayaran ang driver, bago inayos ang uniform ko at mahinang kumatok.

Kumunot ang noo ko nang walang nagbubukas sakin ng pinto, kumatok pa ako ng ilang beses pero wala pa rin. Umalis ako sa harap ng pintuan at lumapit sa may paso malapit sa may bintana, ganun na lamang ang ngiti ko ng makita ang susi doon. Agad ko naman itong kinuha at marahang pinasok sa doorknob.

Madilim ang buong bahay nang pumasok ako at tanging sinag nang araw ang nagbibigay liwanag dito. Lumapit ako sa couch bago inilagay doon ang bag ko at nilibot ang paningin sa buong bahay. Nagkalat ang mga can ng beer at plastic ng mga junk food, wala rin sa tamang lalagyan ang ibang gamit, kahit ang mga unan ay nasa sahig na. Hinanap ng mga mata ko si Flynn pero hindi ko ito nakita kaya mabilis kong inakyat ang ikalawang palapag ng bahay, at walang pag-da-dalawang-isip na binuksan ang kwarto ni Flynn.

Tulad kanina ay dilim din ang sumalubong sakin sa loob ng kwarto ni Flynn, kung makalat sa baba ay mas makalat sa kwarto ni Flynn. Agad akong kinabahan ng makarinig ng pag-agos ng tubig sa loob ng banyo, at ang sinabi ni Tita kanina na may sakit si Flynn.

Mabilis akong naglakad patungong banyo at binuksan ang pinto. Doon tumambad si Flynn na nakayuko habang nasa ilalim ng shower. Agad akong pumasok ng banyo at marahas na hinila siya sa braso.

"Anong ginagawa mo!? You are sick! Flynn! Magpapakamatay ka ba!?" Sunod sunod kong saad sa kanya. Hihilahin ko pa dapat siya papalabas ng banyo nang ako ang hilahin niya, at dahil nakabukas ang shower ay nabasa rin ako. Tumingin ako kay Flynn at ganun na lamang ang panlalamig ko nang makita ang paraan ng pag-tingin niya.

Pain and sadness were visible in his eyes, nanatili siyang tahimik pero ang mga mata niya ay nangungusap.

"F-Flynn...." Sa marahan at mahinang boses ay tinawag ko siya, ganun na lamang ang gulat ko nang mabilis niya akong yakapin at binaon sa leeg ko ang mukha niya. Dahil sa pag-yakap sakin ni Flynn ay tuluyan na akong nabasa. Naramdaman ko ang paggalaw ng balikat ni Flynn at ang mainit na tubig na dumampi sa leeg ko. I am not dumb not to know what it is. Umalis ako mula sa pagkakayakap ni Flynn at hinawakan siya sa kamay bago hinila papalabas ng banyo.

Tinungo ko ang closet ni Flynn at kinuhanan siya nang damit. Nang makakuha ako ay agad akong bumalik kay Flynn at binigay ito sa kanya.

"M-Magpalit ka muna... I'll just go downstairs to cook something," parang batang nakamasid lamang sakin si Flynn habang nag-sasalita. Ginulo ko naman ang buhok nito bago bumaba.

Pagkababa ko ay lumapit ako sa bag ko at agad kinuha doon ang damit ko, mabuti na lang talaga ay nag-dala ako. Balak ko talagang yayain si Flynn na dito kami uuwi after ng exam kaya nag-dala ako nang pares na damit. Agad akong natigilan nang maisip ang tungkol sa exam, pasado alas-dose na nang tanghali, nasisigurado kong tapos na ang final exam namin. Nakaramdam ako ng takot at pangamba sa katotohanang hindi kami pareho naka-take ni Flynn nang exams. Pinilit kong iwaksi ang tungkol sa exams at pumunta ng banyo sa may kusina upang mag-palit ng damit.

I was busy cooking when someone hugged me from behind. Agad akong napangiti ng maramdaman ang pamilyar na yapos sakin. Flynn buried his face in the hollow of my neck and shoulder. Napapapitlag ako minsan ng maramdaman ang hininga ni Flynn sa leeg ko dahil sa kiliting dulot nito.

Chasing ChancesWhere stories live. Discover now