Chapter 18

7 1 0
                                    

Kadiliman ang sumalubong sakin ng pumasok ako sa condo ko kaya kinapa ko pa ang switch para buksan ang ilaw. At sa pagliwanag ng paligid ay nakita ko ang lalaking nakaupo habang nakayuko ang ulo sa dalawang tuhod, habang ang parehong kamay ay nakahawak sa kanyang buhok. Something pinched my heart but I shove it right away and went near him.

"Kanina ka pa?" Inangat niya ang kanyang ulo the moment he heard me asking. He let out a small smile and extended his left hand na agad ko namang hinawakan. Umupo ako sa tabi niya at hinayaang mamahinga siya sakin. Huminga ako ng malalim at marahang tinapik ang likod ni Flynn. Hindi ako sanay ng ganito, hindi ako sanay na ganito siya.

"You should forgive him, Flynn, para hindi ka nahihirapan ng ganito. Pearl's your friend, don't let the incident ruin the relationship you have." Mahinang saad ko sa kanya. Hindi siya sumagot at hinigpitan ang pagkakayakap sakin. Sa mga nagdaang linggo ay saksi ako sa hirap na nararamdaman ni Flynn. Nakikita ko sa mga mata niya ang kagustuhang lapitan si Pearl pero hindi niya ginagawa. Hindi rin siya masyadong makapag focus sa mga classes namin sa tuwing nagkakatabi silang dalawa.

"Have you eaten?" I silently nodded at him, and he sighed in relief.

"Good." and with that, he stood up and carried me towards my room. Sa bilis ng pangyayari napansin ko na lang na pareho na kaming nakahiga sa malambot na kama, parehong nakayakap sa isat-isa habang komportable siyang natutulog. I was staring at him the whole time, I was thinking about the real thing between the two of them. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay huli na nang maramdaman ko ang pagbagsak ng talukap ng mga mata ko.

I woke up feeling lightly walang kamay at binti na nakayapos sakin. Nagtataka akong tumingin sa tabi ko. Tumayo ako at pumunta sa banyo. Naghilamos ako at nagmumog bago bumababa. Sigurado akong nagluto siya ng breakfast dahil naamoy ko na sa hagdan pa lang… at tama nga ako. Nakita ko siyang umiinom ng kape roon sa may dining area kaya roon ako dumiretso.

“Good morning!” I greeted him, agad naman siyang lumingon sakin at maliit na ngumiti.

“Morning.” He sipped on his mug while still looking at me.

Humakbang ako palapit sa kaniya at tumabi sa kaniya. Sa harap namin ay doon nakahanda ang kanin, hotdog, egg, and corned beef. Agad sumilay ang ngiti sa labi ko matapos maamoy ang simple ngunit katakam-takam na almusal.

Saba—what happened to your lips?” I asked him, tinuro ko ang labi niya na may dugo dahil sa sugat. Mukhang pumutok.

“Ano ‘yan?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

“Nabagsak phone ko kagabi habang nakahiga.” I tilted my head a bit to the side and further examined his wound. Grabe naman ang sugat kung nabagsakan lang ng phone pero mukhang ayaw niyang pag-usapan kaya lumabas na lang muna ako ng kusina ngunit agad din napahinto ng mag-salita siya na hindi ko man lang namalayan na nasa likod ko na siya.

“Magkikita kami ni Pearl mamaya.” He said, tumingin ako sa kaniya at doon sumalubong sakin ang seryosong mukha ni Flynn.

“That’s good to hear, Flynn. Ilang araw ko din hiniling na marinig ‘yan sayo. You know, Pearl’s a nice girl and friend, what happened before isn’t that serious reason para maging ganito tayo…kayo. So you should talk to her na, okay?” I said trying to convince him more, mahirap na baka magbago pa ang isip nito. Ngumiti ako ng ngumiti siya at tumango bago lumapit sakin. He went closer to me and held my waist. Yumakap naman ako sa leeg niya habang inaayos niya ‘yung buhok ko. Then, he kissed my forehead.

“You look even more beautiful up close,” he said while staring at my face. Na conscious tuloy ako at lumayo sa kaniya! Minsan, hindi ko alam kung sarkastiko siya o hindi, e.

Chasing ChancesWhere stories live. Discover now