Chapter 2

49 1 0
                                    

"Stress is inevitable so as your happiness. Don't let stress ruin your life. " I said before I walked back to my chair and take a seat.

Reporting namin ngayon sa PerDev. at talaga namang naubos ako. We are reporting individual and impromptu kaya talagang gisado ako. Pero tulad ng dati ay maayos ko pa rin na re-report ang topic ko kahit walang paghahanda.

"Sana all Sache always prepared, " Smith said and I just nodded at her.

Binuklat ko ang notebook ko at sinulat lahat ng sinabi ko kanina. Mahirap na baka kinabukasan ay magpa-recitation samin si Sir Alex. Kadalasan pa naman na tinatanong niya ay ang sariling topic namin kaya todo aral ako.

It is already 6 of the evening when I got decided to go home, I'm walking around the corridor when I saw Flynn standing near the school's exit. He gets the things that I was holding and I didn't complain. Pagod akong naglalakad kasabay si Flynn, we let silence consumed us and didn't bother to utter even a single word.

Sa nakalipas na mga taon ay ganito palagi ang pangyayari, hihintayin niya ako tuwing uwian at sabay na kaming uuwi. Nadaanan namin ang gymnasium na kasalukuyan pading bukas pati na ang mga ilaw.

"Malapit na ang tournament kaya panay ensayo na ang mga players natin, " huminto si Flynn sa pintuan ng gymnasium at sumilip kaya sumilip din ako.

Nakita ko ang dami ng bilang ng mga estudyante habang nage-ensayo. Sa kabilang court ay naroon ang mga volleyball players girls and boys. Sa kabila naman ay ang mga players ng basketball na seryosong nage-ensayo.

Bukod sa ingay na nang-gagaling sa hininga nila ay rinig ko din ang ingay na likha ng mga sapatos nila. Aalis na sana kami ni Flynn ng tawagin ako ni coach Aguirre, sabay kaming lumingon ni Flynn at sumalubong samin ang tahimik na paligid. Ang kaninang maingay na tunog na likha ng mga players ay naging tahimik. Halos lahat din sila ay nakatingin sa direksyon namin at kay coach na hindi ko napansing nakalapit na pala samin.

"Tyson, " tanging tango lamang ang isinagot ko kay coach at tumingin sa paligid.

Ngayon ko lang napansin na halos lahat nang mga nandito ay galing sa section namin. Kaya pala ganun na lang kababa ng bilang namin ngayon kesa nung mga nakaraang semester.

"We have no representative for women's singles badminton, I just want— "

"Hindi po ako pwede coach, " sagot ko kay coach ng hindi man lang siya pinatapos.

Nanatiling tahimik si coach habang seryosong nakatingin sakin na para bang isang pagkakamali ang naging sagot ko. Hindi totoong hindi ako pwede, dahil kung grado ang po-problemahin ko ay hindi na kailangan dahil bukod sa kaya kong pagsabayin ang paglalaro at pag-aaral, ay sigurado akong mahihila ng pagiging player ko ang mga grades ko. Hindi ko lang talaga gusto.

"Pero ikaw na lamang— " at sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko muli siyang pinatapos sa pagsasalita, kabastusan man ay hindi ko pa din napigilan.

"Hindi lang po ako ang estudyante sa OHS na magaling pagdating sa paglalaro ng Badminton coach, at ang iba ay mas magagaling pa po sakin, "

"Pinapatawa mo yata ako Tyson, oo at madaming magagaling na mga estudyante ang OHS sa larangan ng Badminton. Pero ang sinasabi mong may mas magagaling pa sayo ay naging tunog biro sakin Tyson, " hindi ko alam kung bakit imbes na makaramdam ako ng galak dahil sa sinabi ni coach ay nakaramdam ako ng inis.

"Why can't you understand my point coach? Why don't you look at them and let yourself decided after you witness their capacity, " and with that, we live.

Chasing ChancesWhere stories live. Discover now