Chapter 15

14 1 0
                                    

"Three of the days have passed before I got home, I expected my father waiting for me, standing outside our gate and walking back and forth. And the moment he saw me, he can't do anything but run towards me and hug me tighter, he would kiss my temple while saying sorry and he would make it up to me. Then I would hug him back and tell him, I'm the one who should say sorry. I should be the one who will make it up to you because of the madness I feel. But it's too late, it's already."

"Ang inaasahan kong pangyayari ay hindi nangyari, iba ang naabutan ko, nakakatakot. I am expecting my father to walk back and forth to our house, not him lying on that fucking coffin. Inaasahan ko ang mainit na yakap na galing sa kaniya ang sasalubong sakin, hindi ang malamig na bangkay niya. Pero wala, eh! Hinayaan kong mangyari 'yun, na kung sana hindi ko pinairal ang letseng galit ko, hindi ako aalis ng bahay at mas lalong hindi siya aalis para hanapin ako. Ang gusto ko ay ang marinig ang babawi siya sakin, babawiin namin ang mga oras na nasayang, hindi ang mga salitang 'your Dad followed you after you left, Brenna. He didn't come home one day, and we just find out that he got into a car accident. We want to tell to you, but we don't know where you are and we can't reach you. I'm sorry, ' na galing sa stepmother ko."

"I'm sorry, for making myself emotional in front of you, guys! Sorry, I'll excuse myself first, continue and enjoy the game everyone." She dried her tears before she gets her things and walks out. We all left silent and did not know what to do. The story that she told was heartbreaking and painful.

"Wrong timing yata ang game natin, I think we should end this, I'm sorry for getting you guys here," Cliff said while fixing his eyeglasses. We want to continue the game but we ended up choosing not to.

"Konnor did you see Luther?"

"Luther? He's in the gym, Sache." I nodded to him and say thank you before I turn my back to him. I am looking for Luther because I want to give him his coat.

I roamed my eyes inside the gymnasium to look for him, and there I saw him sitting on the bench, together with his friends. Yale, Zyle, Kian, and Levis. I have sighed before I walked in their direction. Sabay sabay silang tumingin sakin ng tumayo ako sa harap nila, but my eyes are still fixed on Luther.

"I just want to give your coat, and say thank you na rin." Saad ko habang sa kaniya pa rin nakatingin. Nanatili siyang tahimik habang nakatingin sa nakalahad kong coat sa harap niya. Kumunot ang noo ko nang ilang segundo na ang nakakalipas pero hindi niya pa rin kinukuha.

"You can have that." Napairap ako sa sinabi niya at umiwas ng tingin sanhi para mag tagpo ang paningin namin ni Levis. Malalim at mapanganib ang binibigay niyang tingin sakin, nakakatakot.

"I will give it to your sister, then, " saad ko sa kanya, bakit hindi ko naisip 'yun kanina? Reign was his younger sister. Reign Villacarlos and Luther Villacarlos. One famous and one lie low.

"Sache!" Lumingon ako sa likuran ko upang tingnan kung sino ang tumawag sakin, it was them. Kumakaway si Selestine sakin habang nakabusangot ang mukha ni Reign. Pearl was holding the hem of Flynn's shirt and Flynn was looking at me intently.

"What are you doing there ba?" Tanong sakin ni Joymie habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan namin. Habang nanatiling nakatayo doon sina Pearl.

"Ibabalik ko lang 'yung coat ni Luther, " muli kong inilahad ang kamay kong nakahawak sa coat ni Luther, pero gaya kanina ay tiningnan lang niya. Huminga ako ng malalim bago tumingin kay Zyle, tumaas ang isa kong kilay ng maubo si Zyle.

"A-ah, bakit?" what's wrong with him?

"Mukha kang tanga." Malakas na hampas ang nakuha ni Kian kay Zyle. Napailing naman si Luther habang nanatiling tahimik si Levis habang nasa akin pa rin ang paningin. Muli kong sinulyapan si Luther bago sila tinalikuran at inaya si Joymie.

"Sayo ko na lang ibabalik, Reign." Inabot ko sa kaniya ang coat ng Kuya niya na agad niya namang kinuha habang nanlilisik ang mga mata.

"I'll give it to Serenity kita mo, " saad nito habang nakatingin kay Luther, agad namang napatayo ang huli.

"Don't you dare, brat." Sagot naman ni Luther, bago pa man sila mag away ay hinila na ni Sel si Reign at umalis na kami sa gymnasium.

Naglalakad kami sa field at walang pakialam kahit tirik ang araw. Kami na lang ni Flynn ang magkasama dahil may gagawin pa raw ang iba. May nakita akong puno na nagbibigay lilim, kaya umupo ako doon at agad namang sumunod si Flynn. Nilagay niya sa mga hita ko ang hinubad niyang jacket bago tumabi sakin. Mula sa kinauupuan namin ay tanaw ko ang mga players ng soccer team, panay ang laro nila kahit pa tirik na tirik ang araw. Ramdam ko ang unti unting pagkatuyo ng pawis ko dahil sa hangin na humahaplos sa katawan namin ni Flynn.

Napaigtad ako ng maramdaman ko ang marahan na pagdantay ng mga palad ni Flynn sa leeg ko, tsaka inipon ang mga buhok ko at marahang tinali.

"Punta tayong Cue mamaya?" Tatango na sana ako pero na alala kong may trabaho pa ako. Ilang araw din akong hindi pumasok, umiling ako sa kaniya at marahang isinandal ang likuran ko sa kaniya.

"May pasok ako, Flynn." Umalis ako mula sa pagkakasandal sa kaniya at tumingin sa kaniya. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko, at alam ko kung bakit.

"I like you, " wala sa sariling sambit ko, hindi ko nakitaan ng kahit anong ekspresyon si Flynn. Huminga ako ng malalim ng maalala kong pangatlong beses ko ng sinabi 'yun sa kaniya. Yes, I like—no I love him. Who won't be? Flynn was an idealistic boyfriend, nasa kaniya na ang lahat ng pinapangarap ng mga babae. At kagaya ng una, at pangalawang beses kong pag amin sa kaniya ay wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya tsaka marahan itong pinagsiklop, nakatingin doon si Flynn ng tingnan ko siya.

"You know that I love you right? Not because you're my best friend, but I love you more than that." Matapang kong saad sa kaniya.

"Sache, I-i am not yet ready, sorry." Ngumiti ako sa kaniya at marahang hinaplos ang kamay niya. Sa pangatlong beses na pag amin ko sa kaniya ay ngayon lamang siya sumagot, pero ramdam ko ang kakaiba doon. Alam kong may iba sa sinabi niya pero hindi na ako nagsalita.

Walang nakakaalam sa pagitan namin ni Flynn, sa pag amin ko sa kaniya. And if one day came and they found out about my feelings towards him, I don't care. Wala akong pakialam sa sasabihin nila, na ako ang babae bakit ako ang umaamin? Bakit ako ang gumagawa ng first move? Bakit may batas ba na bawal mag first move ang babae? Wala naman diba? Confession's not about the gender, who will do the first move, and who is going to fight.

"You know that I am willing to take risks, Flynn. I'm willing to wait for you till you know what you feel. And if you can't find your feelings towards me, then please say it to me early, don't hesitate to tell to me. Because it'll hurt me, Flynn. " napapikit ako ng maramdaman ang marahang haplos ni Flynn sa mukha ko. Na tila ba pinaparamdaman niya sakin na magiging ayos din ang lahat. At nagtitiwala ako sa kaniya.

Chasing ChancesOnde histórias criam vida. Descubra agora