Chapter 4

28 1 0
                                    

"Why did you not tell me that we are going here,  huh? 'Yan tuloy lumulubog paa ko." Reklamo ko kay Flynn.

Kanina pa ako sa kanya nag re- reklamo. Una, wala siyang isang salita, he told me that he gonna pick me up at 7 am but he came to our house and woke me up at exactly 5 am. He ruined my sleep. Second, he didn't tell me that we're going here to Tulonggapo. Hindi tuloy pang buhangin ang nasuot kong sapatos.

"Tsk, ang arte!" Saad niya at tinulungan akong maglakad sa buhanginan.

Tulonggapo. This is the place we love the most. Kaya hindi na din dapat ako magtaka kung bakit sinundo niya ako ng sobrang aga. We always watch the sunrise, we don't know how but we found ourselves looking at the sunrise.

Inalalayan niya akong maupo sa palagi naming pwesto. Ramdam ko ang init ng yakap ni Flynn mula sa likod ko. I laid my back to his hard chest and look at the sky. Sa paglabas ng araw ay ang paghalo ng liwanag nito sa kadiliman. Napangiti ako ng makita kung paano pinaganda nito ang langit. Mag-kaiba man ng kulay ay nagawa pa rin nitong pangitiin ang sinuman na nakatingin dito.

I am not a fan of watching the sunrise before until I met Flynn. I remember the time when my world shattered and lost myself. He didn't know what he gonna do at that time till he brought me here. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang langit noon dahil sa iniisip ko nang mga oras na 'yun. That time— the time where my mother told me that my papa passed away. Hearing those words makes me break down and Flynn was there.

Sa pagtaas ng paningin ko ay nasilaw ako ng liwanag ng araw. I don't bother to close my eyes. Nang umagang 'yun ay doon ko lang hinayaang kumawala ang mga luha ko. Hindi ko alam pero sa pagtingin ko sa araw ay parang pinapa alala sakin na ngayon ay panibagong araw. Panibagong araw na kung saan kahit mahirap ay kailangan ko ng humakbang paalis sa kahapon. Na kahit masakit ay kailangan kong tanggapin na wala na ang papa ko. Na mananatili na lamang siyang alaala na magbibigay liwanag at saya sakin sa tuwing malungkot ako. So, I promise myself that I would always look at the sun and tell myself that it is a new day, a better future.

"Mawawala ako ng isang linggo Sache. So, please do take care of yourself while I am not around."

Umalis ako sa pagkaka yakap ni Flynn sakin at tiningnan siya. Hindi ko maintindihan kung bakit bakas sa mga mata niya ang saya at galak. Pero pinili kong huwag na lamang pansinin.

"Where... Where are you going?" Ngumiti siya sakin at linagay ang takas kong buhok sa likod ng tainga ko.

Ang katotohanang mawawala siya ng isang linggo ay nagbigay kalungkutan sa puso ko. Hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko. Nasanay akong palagi siyang nasa tabi ko at sumusulpot sa kung saan. I close my eyes when I feel the warmth of his hand caressing mine.

"Isang linggo lang 'yun, Sache, and I promise to get back to you no matter what, hmm?" Tumango ako sa kanya pero hindi ko maitago ang lungkot na nararamdaman ko.

"How about your studies? Your game?" Flynn pulls me and hugged me. Dahil nakaharap ako sa kanya at nakahilig sa dibdib niya ay ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang haplos niya sa buhok ko. Sa mga oras na'to ay hinihiling ko na sana na huwag ng matapos ang araw na'to. Na huwag sana maging alaala na lamang ang pangyayaring ito. I want this to happen every time but not in my dreams.

He is the only one I have, my father left me while my mother abandoned me. I am not close to my mother's side, while my father's family is in Ohio. I am leaving alone here in La Sor,  na ngungupahan ako sa isang apartment.

Bukod sa pension fund na iniwan ni papa ay pagiging working student ang tanging binibigay ko sa sarili ko. Ayokong umasa sa pamilya ni papa kaya pinili kong mag trabaho. Heart Attack ang ikinamatay ni Papa, sinubukan pa siyang dalhin sa hospital pero hindi na rin siya umabot.

Hindi ako lumaki sa puder nina Papa. I was 6 months old when they choose to leave me to my father's family in Ohio. Hanggang sa lumaki ako at tumungtong ng tatlong taong gulang na hindi sila umuuwi at tanging sa tawag lamang kami ni Papa nag u-usap. I'm also 3 years old when my father told me that I have a new sister. I don't know what is the right word to say to describe what I was feeling. Lumaki si Ayesel na kasama sina Papa at sobrang sakit nun sakin pero hindi ako nagalit sa kanila kinimkim ko lahat ng sakit sa loob ng labing-pitong taon.

I have never had a conversation with Ayesel ever since. Kung gaano ako kailap sa kanya ay ganun din siya. Malayo ang loob sakin ni Ayesel at hindi ko alam kung bakit.

"Grabe, ang lakas mo talagang kumain ng Siomai, nuh?" Flynn asked while eating his fries.

It was 8:40 when we got decided to go to Cue kaya panay lamon kaming dalawa. Isusubo ko na sana ang panghuli kong Siomai ng makita ko si Pearl.

"Pearl!" I wave my hand when she looks in my direction. Lumingon din si Flynn at inaya si Pearl.

Magkatabi si Flynn at Pearl habang kumakain kaming tatlo. Tahimik lamang ako habang nakikinig sa kanilang dalawa. Flynn told Pearl that he would leave for one week, natawa pa ako ng ibilin niya ako kay Pearl. Ginawa pa akong bata.

"Kailan ka aalis?"

"Monday, " sagot ni Flynn kay Pearl habang nakatingin sakin. Ngumiti siya sakin bago kumain muli.

"Saan ba punta mo? Eh, what about the game?" Hinintay kong sumagot si Flynn pero hindi nangyari. Bagsak ang magkabilang balikat ni Pearl na tumingin sakin.

Namutawi ang katahimikan saming tatlo at nakatingin lamang sa mga pagkain na nasa mesa. Gusto ko siyang tanungin pero paano? Kung ayaw niyang sagutin kami pareho ni Pearl. Bakit pakiramdam ko may tinatago siya sakin? Naiintindihan ko kung hindi niya kayang sabihin pero bakit kahit simpleng 'huwag kang mag alala I can tell you everything when I am ready' hindi niya masabi?

"Nga pala, Birthday ni Snow bukas and required kayong dalawa na pumunta." Saad ni Pearl. Snow is her younger sister.

"I can't, " sabay silang tumingin sakin at pareho pang nakataas ang kilay.

"I have worked remember?" Tuwing linggo ang pasok ko sa isang Coffee shop and never pa akong hindi pumasok dun.

"Eh, I can pay your day Sache! Ako na lang magbabayad sayo basta't pumunta ka." Halos mahulog na ako sa kinauupuan ko ng yugyugin niya ang balikat ko. Walang pakialam naman si Flynn at abala pa din sa kinakain.

"Sache, sige na Sache, " tatanggi na sana ako ng tumayo si Flynn at hinawakan ang ulo ko at tinango-tango. What the?

"Ayan! Pumayag kana huh?" Magsa salita na sana ako ng subuan ako ng Siomai ni Flynn. I glared at them but they just laugh at me.

Chasing ChancesWhere stories live. Discover now