Kabanata 38

140 9 4
                                    

Kabanata 38: Come Home

This chapter is dedicated to jowybee. Inspired ang ibang scenes sa isang story niya. You can read her works. Thanks.

∘◦❀◦∘●


Sa pag-ilanlang ng mahinahong tunog ng keyboard, unti-unting nawala ang mga ilaw na kanina'y bumabalot sa buong paligid, creating a dim and solemn atmosphere.

Tumingin ako sa mga tao. Lahat sila ay nakapikit, including Ginuel and Franklin. Nakataas ang kanilang mga kamay habang dinadama ang kapayapaang hatid ng musika. Tahimik ang lahat. Seryoso. Tila may hinihintay na maganap.

"We magnify you in this place, oh God." Slithering across the room, the worship leader sang in her most sultry voice.

Hindi ko maiwasang magtaka dahil nagsimula na rin sa pagkanta ang mga tao but their lyrics are not the same. It's like they're composing their own song, habang sinasabayan ang melody'ng nililikha ng keyboard.

They started to speak language I can't understand. As the music continue to become deeper and more solemn, some people kneel down on the floor, raising their hands higher. Rinig ko ang malakas na iyak ng mga tao sa buong paligid.

I can't help but ask different questions like, 'What is happening?'. Why is everyone crying?

Ilang sandali ang lumipas, nabalot ng katahimikan ang paligid. Nakayuko lamang ako habang nakikinig.

As the worship leader began to sing the first lines of the song, I felt something strange within me.

Under Your grace,
Your mercy amazes me
Under Your wings,
Your shadow covers me
Your promise of love,
where my heart is safely undone

Speak to me Lord,
Your servant is listening
Over the noise,
I hear You whispering
My hope has come and
my heart is safely undone

Hindi naman ako madramang tao na mahilig mag-emote habang may music pero iba 'yung dating sa'kin ng kantang naririnig ko ngayon. Pakiramdam ko, buhay 'yung bawat salita.

I found my fortress, in You
And my soul is anchored, with You
My resting place, is in Your name
Forever safe

As the worship leader sang the chorus of the song, nagsimulang magbara ang lalamunan ko. Tumayo bigla ang aking balahibo at sa hindi maipaliwanag na dahilan, I felt like my heart is being pierced by millions of needles.

Hindi ako mababaw para umiyak sa kadramahang 'to.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga, umaasang mawawala rin ang paninikip ng dibdib ko, but the more I resist, the heavier it gets. It's like a force within me is breaking all of my defenses down.

Bumugso ang maraming ala-ala sa isip ko. Mga ala-alang pilit kong kinakalimutan ngunit paulit-ulit lang na bumabalik.

"E ano? Based na naman sa bible? Anong verse? Anong testament? New or old? Kahit ano pa 'yan, it will always be a lie dahil kung totoo ang diyos, bakit may mga naghihirap? Bakit may inequality sa society? Bakit hinahayaan niyang corrupt officials ang namumuno sa Pilipinas? Kasi, hindi siya totoo. Kasi gawa-gawa lang siya ng mga taong nagsulat ng bible. Fictional character lang siya ng isang librong ginawa lang para sa mga bata!"

"Kung totoo ka, pwede bang... pwede bang kunin mo na lang ako?"

"Sa akin pa ba 'tong katawan ko? May bagay ba rito sa mundo na pag-aari ko pa? Para kasing wala na. It feels like I can't afford anything. Parang lahat-lahat sa'kin, nabili na nila."

Ruhamah [Testimony Series #1]Where stories live. Discover now