Kabanata 19

166 7 4
                                    

Kabanata 19: He is close

●∘◦❀◦∘●

"Ano'ng nangyari sa pinuntahan mo?" tanong ko kay Jigin. Ngumiti siya. "Okay naman. Medyo napatagal lang kami sa kwentuhan nung ibang youth." Tumango ako.

"Ikaw? Kumusta? Nag-eenjoy ka naman ba dito? Parang hindi pa kita nakikitang nagre-relax ah," aniya. Ngumuso ako.

"Hindi ko rin alam. Parang sanay na 'kong laging trabaho, pera at pag-aaral ang iniisip. Minsan, tumutulala ako. Pahinga na 'yun sa'kin."

"Sabagay. Mahangin naman dito sa tree house. Medyo nakakarelax din."

Kinuha niya ang unan na nakapatong sa ibabaw ng maliit na silya. Humiga siya at tumingala sa langit. Ginaya ko ang ginawa niya. Humiga rin ako't pinagmasdan ang mga bituin. Pwedeng-pwede na kaming matulog dito. Hindi kailangan ng electric fan kasi natural na malamig.

Nakagat ko ang aking labi nang tumagilid ng higa si Ginuel. Nakaharap siya sa'kin habang ang kaniyang braso ay nakapatong sa ibabaw ng aking baywang.

Tumikhim ako. "Hoy, Saure. Ano 'yan? Bakit nancha-chansing ka?" I teased. Kahit ang totoo'y wala lang naman 'to sa'kin.

Humalakhak siya. "Minsan lang naman 'to. Pagbigyan mo na 'ko. Kahit ngayong gabi lang tayo sweet, uuwi na rin naman tayo bukas. Okay lang ba?"

"Hmmm."

Kinurot niya ang pisngi ko. "Matapos mo 'kong nakawan ng halik, magpapabebe ka ngayon."

Uminit ang pisngi ko sa pang-aasar niya. "Lasing ako non," pagdedeny ko.

"Reason."

"Totoo naman."

Mas humigpit pa ang pagkakayakap sa'kin ni Ginuel. 'Yung yakap na hindi ko nararamdamang nagte-take advantage siya. Ito 'yung yakap na puno ng respeto at pag-iingat. Hindi ko rin alam kung bakit hinahayaan ko siyang gawin 'to. Siguro dahil may part din sa akin na gustong maging malambing sa kaniya.

"You kissed me then told me that you hate God. Why do you hate God, Ayin?"

Biglang nag-iba ang atmosphere pagkatanong niya non. Parang medyo naging awkward ang topic.

"It's none of your business."

"I care. I'm a christian. I share word of God. Hindi ko ipipilit sa'yo ang beliefs ko, don't worry. I just wanna know why. Is it because of what happened to your parents? Dahil maaga silang namatay?"

"Nope. Kung totoosin, ipinagpapasalamat ko pang maaga silang nawala rito sa mundo."

Kumunot ang kaniyang noo. "Why?"

"Kasi hindi ko na kayang makitang naghihirap si Nanay sa sakit niya. At least ngayon, nakapagpahinga na siya. Hindi na niya makikita ang kabulukan ng mundo."

Si Tatay naman... maraming beses kong hiniling na sana maglaho na siya. Kaya nung nangyari, sobrang saya ko.

"Ano ba ang ikinamatay ng Tatay mo?" tanong niya. Bakit parang nabasa niya ang iniisip ko?

"Car accident."

He nodded. "Maaga kayong naulila. You hate God because you are left alone to provide for your family's needs?"

Umiling ako. "Nope."

"Then why?"

"I hate him because... he's unfair. Kung sino ang mabuti, sila ang maagang nawawala. Sila 'yung laging lugi, nilalamangan, inaabuso. Tapos yung mga masasama, sila ang laging nagtatagumpay sa huli," sagot ko.

Ruhamah [Testimony Series #1]Where stories live. Discover now