Kabanata 6

284 11 0
                                    

Kabanata 6: Grateful

●∘◦❀◦∘●

Pagsapit ng alas quatro, natapos na ang klase namin sa minor subject. Maaga ang uwian ngayon. Hinatak ako ni Jigin papunta sa parking lot. Nung una nagtataka ako kung ano ang gagawin namin dito pero napagtanto ko rin na naka-park pala rito ang kotse niya.

"Pagod ka ng magcommute?" natatawa kong tanong.

Sumulyap siya sa'kin ng nakangiti.

"Pagod na 'kong makita kang gumagastos sa pagco-commute kaya mula ngayon, I'll be your personal driver. Dadalhin kita kahit saan, except sa langit, bata pa tayo."

Hinampas ko siya sa braso. Tumawa naman si Jigin at pinagbuksan ako ng pinto.

"Please, come in, my lady," aniya.

"Wala akong pang-ambag sa gas mo, ha."

"Alam ko naman 'yon kaya sumakay ka na lang. 'Wag mong alalahanin ang talent fee ko dahil pagdating sa'yo, laging libre."

Bolero.

I rolled my eyes. Wala na akong nagawa kundi pumasok na lang sa loob. Umikot naman siya upang pumunta sa driver's seat.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"Actually kapag ganitong alas sinco, umuuwi muna ako para magbihis tapos didiretso na 'ko sa bahay ni Aling Precy para magbenta ng ihaw-ihaw. Isang sakay lang naman 'yon mula sa bahay, sampung piso lang ang gastos sa pamasahe. Hindi mo na 'ko kailangang ipag-drive," mahaba kong paliwanag.

Parang wala naman siyang narinig at patuloy lang sa pagmamaneho.

"Sasamahan kita sa trabaho mo."

Nilingon ko siya nang nakakunot-noo. Hindi ko alam kung anong klaseng engkanto ang sumapi sa kaniya kaya bigla siyang nagsasalita ng mga ganitong bagay.

"Kailan ka pa nagkainteres sa mga ginagawa ko? Wala ka namang mapapala. Tumanga ka na lang sa bahay niyo at magfacebook."

"Lagi naman akong interesado basta tungkol sa'yo, Ayin. Hindi mo lang napapansin."

He's doing it again.

Umiwas ako ng tingin. Sinusubukan niya ulit tibagin ang matatayog na pader sa pagitan naming dalawa. Hindi ako dapat magpaapekto. Para rin 'to sa kaniya. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.

"Why are still pursuing me, Jigin?" prangka kong tanong.

Sinulyapan ko si Ginuel upang makita ang kaniyang reaksyon pero as usual, nakangiti pa rin siya habang diretso lang ang tingin sa daan.

"Bakit tinatanong mo?"

"Kasi, wala ka namang mapapala sa'kin. Hindi ako manhid. Alam kong may kahulugan ang mga ikinikilos mong 'to."

Hindi sa ayaw ko sa kaniya. Sino ba naman ako para maging choosy? Si Jillian Ginuel Saure 'yan! Gwapo, matalino, mayaman, mabait, may takot sa Diyos. Ideal kumbaga. I should be flattered.

Well, I am.

Pero kailangan ko siyang iwasan para hindi siya magkaroon ng kapintasan. Isa siyang malinis na tela sa paningin ko na kapag sinubukan kong hawakan, unti-unting lalamunin ng dumi. I have no choice but to distance myself from him so that he'll remain pure.

"Wala ka ng magagawa dahil nakasakay ka na rin naman sa kotse. Iuuwi na lang muna kita sa inyo para makapagbihis ka tapos ihahatid kita sa trabaho mo. Free ka na siguro mamayang 10pm hano? Baka pwede mo 'kong pagbigyan na magmovie marathon kasama ka."

Ruhamah [Testimony Series #1]Where stories live. Discover now