Kabanata 15

211 7 6
                                    

Kabanata 15: Invite

●∘◦❀◦∘●

Humarap ako sa salamin upang ayusin ang bunny headband na nasa ulo ko. Ang hanggang baywang kong buhok ay sinuklay ko para i-ponytail. I'm wearing white blouse tucked in a black skirt and above the knee socks paired with black shoes. Pare-pareho ang suot ng mga waitress. Hindi ko tuloy maiwasang mairita dahil sa itsura ko ngayon. Mukha akong pupunta sa cosplay party.

"Kaya naman pala dinadayo ng maraming tao 'tong restaurant nila Ginuel, ang daming pakulo," bulong ko sa kawalan.

'Yung mga customers kasi, may costume din. Pwedeng samurai o ML hero. May korean kimono rin para sa mga babae at kung anu-ano pa. Siyempre, patok talaga 'to sa mga taong mahilig magpicture-picture. Daig pa nila nagrent ng costume.

"Ang cute mo. Mukha kang mabait," nakangising wika ni Jigin matapos naming magkasalubong sa labas ng dressing room.

Katulad ko, naka-costume din siya. "Ikaw hindi," bulong ko. He grinned.

"Mabait kaya ako."

"Mabait nga pero hindi cute."

Umirap ako sa kaniya saka ako naglakad papuntang kusina. Hindi naman maalis ang ngiti sa labi ko. Rinig ko ang foot steps niya, sumunod siya sa'kin.

"Kung makapagsalita 'to, parang hindi ako crush?" bulong niya na narinig ko naman. Lumingon ako't pinagtaasan siya ng kilay.

"Bata ba 'ko para magkaroon ng crush?" I said sarcastically.

He bit his lower lip. "Hindi naman ako bata pero crush kita."

Umiwas ako ng tingin. Hinampas ko ng kutsara ang kaniyang braso.

"I-serve mo na nga 'to sa table 10 bago ka pa pagalitan ng manager," sabi ko. Natatawa namang kinuha ni Jigin ang tray na may lamang pagkain.

"Gesi Mommy."

Inismiran ko siya bago ako tumalikod. Sa totoo lang, hindi na dapat siya nakisali sa mga waiters dito kasi restaurant naman nila 'to. Pero dahil bukas pa naman daw siya aalis para puntahan ang dati niyang ka-churchmate, magwo-work na lang din daw siya. Ang mga kapatid ko rin kasi, nag-apply na tagahugas ng pinggan at taga-mop ng sahig kaya parang naengganyo si Jigin na gumaya sa'min para may iba rin daw siyang ginagawa.

"Ate pwede na rin ba kaming mag-crush?" nang-aasar na bulong ni Lyka na biglang sumulpot sa tabi ko. Katabi niya si Franklin, pareho silang nakangisi.

"Hindi. Bawal mag-asawa nang maaga."

"Asawa agad, Ate?"

"Dun nagsisimula 'yon. Bata pa kayo. Magtapos muna kayo ng pag-aaral bago magpadala sa bugso ng damdamin."

Maghapon akong naging abala sa paghahatid ng orders sa mga table. Minsan, nag-aassist din ako ng customers na gustong magbihis ng costume. Sila Franklin at Lyka, tamang hugas lang ng mga pinggan at mop ng sahig. Hindi naman masiyadong mabigat ang trabaho kaya hindi rin kami gaanong napagod.

Nalaman kong twenty four hours palang bukas ang restaurant nila Jigin. Restaurant sa umaga, resto-bar sa gabi. Ibang employee naman ang nakaassign sa nightshift. At marami pa silang branch bukod dito na hinahandle ng parents niya kaya laging busy ang mga ito.

Kung ako ang tatanungin, hindi na baleng 'di kami magkita ng tatay ko basta humihiga naman ako sa pera araw-araw. Pero sabagay, hindi na nga kami nagkikita kasi wala na siya. Napailing ako sa naisip.

Kinahapunan, naglakad na kami nina Jigin at ng mga kapatid ko palabas ng restaurant. Pabalik na kami sa bahay niya pero mukhang wala pa silang balak umuwi dahil kanina pa nag-aayang mamasyal sa park si Franklin. Walking distance lang 'yun mula sa resto kaya eto kami ngayon, sumusunod lang sa dalawang sobrang excited at nagtatakbo pa papuntang park. Kanina pa kasi sabik magpictorial si Lyka, ia-upload daw niya sa IG.

Ruhamah [Testimony Series #1]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt