Kabanata 12

229 7 1
                                    

Kabanata 12: Lost

●∘◦❀◦∘●

"Pasensya ka na, Ayin. Gipit lang talaga kami ngayon lalo't ooperahan si Nanay sa susunod na linggo. Libo-libo na ang nagastos namin, hindi na rin alam ni Tatay kung saan kami kukuha ng pera," wika ng pinsan kong si Micol. Pumunta ako sa kanila upang makipag-usap.

"Pero ang unfair naman. Bakit niyo hinahabol ang bahay namin?" sabi ko.

"Kay Nanay nakapangalan ang titulo—"

"Kahit na. Malinaw na sa Nanay ko ipinagkatiwala ni Lola ang bahay na 'to."

"Nasa amin ang papel. Kami ang may karapatan. Kapag gusto naming paalisin kayo, wala kayong magagawa," wika ni Tito Jun. Nag-angat ako ng tingin dito. Hindi ko maiwasang makaramdam ng iritasyon dahil sa sinabi nito.

"Tingin niyo ba walang masamang balik sa inyo ang ginagawa niyo sa'min? Nanlalamang kayo ng kapwa."

Noong pinasukatan ang bahay ni Lola, kay Tita Imelda lang ipinangalan ang titulo dahil siya naman ang nag-asikaso ngunit hindi ibig sabihin non na sa kaniya na tuluyang ipinapamana ni Lola ang bahay.

Noong nagkasakit si Lola, si Nanay ang nag-alaga rito. Bago ito namatay, napag-usapan ng magkakapatid ang magiging parte nila sa mga maiiwang lupa nito. Ang maliit na tumanang sinasaka noon ng lolo ko ay sa mga kapatid na ni Nanay naipamana habang ang bahay ay sa amin dahil dito pa rin naman kami nakatira kahit napangasawa na ni Nanay si Tatay.

Dahil hindi naman nakapag-aral si Nanay, hindi na niya naisip ipalipat sa pangalan niya ang titulo. Wala rin kasi kaming pera noon para asikasuhin 'yon. Bukod don, may tiwala naman kami kay Tita Imelda na hindi niya kami lalamangan.

Hindi pumasok sa isip namin na pwede nila kaming isahan dahil kahit paano naman ay may kaya sila, maging ang ibang kapatid ni Nanay dahil may trabaho ang napangasawa ng mga ito hindi katulad ni Tatay na lasenggo at puro bisyo.

Hindi ko naman inaasahang darating ang araw na pagsisisihan naming nagtiwala kami sa pagiging magkapatid ni Nanay at Tita Imelda. Pagdating pala sa pera, walang kama-kamag-anak sa mga taong sakim.

"Baka nakakalimutan mong kinupkop ni Imelda sila Franklin at Lyka nung nagkasakit ang Nanay mo? At nung namatay si Jenny sino ang nag-asikaso, nagmalasakit at tumulong sa inyo? Hindi ba't ang asawa ko rin? Magkaroon ka ng utang na loob," matigas na wika ni Tito Jun. Sinalubong ko siya ng matalim na tingin.

"Hindi ko ho 'yon nakakalimutan. Kaya nga nagbibigay ako ng pera buwan-buwan di ba? Akala niyo ba madaling maghanap-buhay habang nag-aaral?"

"Kung ano man ang dinadanas mo ngayon, wala na kaming kinalaman don. Mahal namin si Imelda at hindi kami papayag na hindi siya maooperahan. Ibebenta namin ang bahay na 'yon kaya ngayon pa lang, humanap na kayo ng malilipatan—"

"Naririnig mo ba ang sinasabi ng Tatay mo, Micol?!" Tumaas ang aking boses. Nahihiyang yumuko ang pinsan ko. Tingin ko'y wala ng natitira sa'king kahit maliit na pagrespeto sa Tatay niya dahil sa ginagawa nitong panggigipit sa'min.

"Nanggagago ka ba, Tito? Tingin mo may pera 'ko pambayad sa apartment? E pagkain nga lang, hirap na hirap akong bilhin e! Ano'ng gusto mong mangyari? Hindi na kami mag-aral? Tumira na lang kami sa kalye?!"

Imposible rin na magiging bukas-palad sila sa'min ng mga kapatid ko. At hindi rin ako papayag na makikitira kami sa kanila sa kabila ng pagkuha nila ng bahay namin!

"Hindi ba't may gusto sa'yo 'yung anak ng mga Saure? Mayaman 'yon, Jean Aileen. Pwede kayo nong kupkupin," wika ni Micol.

"You're unbelievable."

Ruhamah [Testimony Series #1]Where stories live. Discover now