Kabanata 26

199 7 3
                                    

Kabanata 26: Solution

●∘◦❀◦∘●

"Woah? Hanggang dito talaga sinundan tayo ng mga ungas na 'yon ha?" wika ni Bernadette. Sumimsim siya ng iniinom na juice. "Teka, teka. Mukhang papunta sa'tin ah?"

Kasalukuyan kaming kumakain sa cafeteria nang mamataan namin si Kean na kasama ang mga kaibigan niya. Naglalakad sila palapit. Yumuko ako ngunit kaagad din akong nag-angat ng tingin matapos makarinig ng medyo malakas na tunog. Padabog kasing ipinatong ni Kean ang hawak na tray sa mesa. Matalim ang tingin niya sa'kin.

"Check your phone," aniya.

Lumingon sa'kin sina Ginuel at Bernadette, nakakunot-noo, tila nagtataka. Kagat-labi kong sinunod ang sinabi ni Kean. Nag-appear agad ang pangalan niya sa screen, maraming messages.

Kean Alcantara:

U're cheating. Lumayo ka na sa lalaking yan. Kilala mo ko pag galit.

U want to be dead?

Pumunta ka sa bahay mamaya after class. Date.

U're my girlfriend now. Act decent and stop flirting.

Sabay tayong maglunch.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pagkabasa ko non. He's controlling me again. Anong karapatan niyang umasta na parang wala lang sa kanila ang lahat? Pinagsamantalahan nila 'kong magkakaibigan. Isang malaking bangungot ang ginawa nila. Kahit saan ako magpunta, hinahabol ako ng mga ala-alang 'yon. Nagngingitngit ako sa sobrang galit.

"Come with me," Kean ordered. Hinaklit niya 'ko sa braso. Marahas kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa'kin.

"Ayoko," sambit ko. Ginantihan ko siya ng matalim na tingin. He tilted his head, smirking.

"Sinusuway mo na 'ko. Dahil ba sa kaniya?" aniya, ang tinutukoy ay si Jigin.

"Bakit? Sino ka ba?" Bernadette asked.

"Bakit hindi mo itanong kay Jean Aileen?" Bumaling sa'kin si Kean, naghahamon ang kaniyang mga tingin.

"Umalis ka na. Hindi ako sasama sa'yo. 'Wag mo na 'kong lalapitan kahit kailan."

Rinig ko ang malakas na tuksuhan ng mga kaibigan ni Kean sa kaniya. "Burn, Kean! Burn!" Humalakhak si Marco.

"Iba ka talaga, Jean Aileen. Ganiyan ka ba magpakita ng affection sa boyfriend mo?" ani Joseph.

"Wala kaming relasyon," sagot ko.

"Nung nakaraang linggo lang nagkakasarapan kayo tapos ngayon, todo deny ka na! Wala akong masabi!"

Bullshit.

Tinapik ni Gino ang balikat ko. Tinaboy ko naman ang kamay niya. Lumingon ako kay Ginuel, nakatingin siya sa'kin. Pumungay ang kaniyang mga mata. Yumuko siya. I bit my lower lip.

"Hoy! Hindi ko nagugustuhan ang pananalita niyo, ha?" Tumayo si Bernadette. "Lumayo na nga kami para umiwas sa inyo, sumunod naman kayo rito. Ibang klase."

"Bakit ba nakikisali ka? Ikaw ba ang kausap namin?" nang-aasar na wika ni Gino.

"Kaibigan ko 'tong binabastos niyo. Malamang, hindi ako papayag na naaagrabyado siya."

Natuon ang paningin ni Gino kay Ginuel. "Oh? Akala ko ba manliligaw 'to ni Miss Aileen? Bakit hindi nagsasalita?"

"Na-shock yata, Pare. Hindi ine-expect na may ibang kaharutan ang nililigawan," ani Marco, natatawa.

Ruhamah [Testimony Series #1]Where stories live. Discover now