Kabanata 28

172 7 3
                                    

Kabanata 28: Kahihiyan

●∘◦❀◦∘●

Sa kabila ng mapanghusgang tingin ng mga tao, dere-deretso pa rin ang lakad ko papunta sa building nina Kean. Marami akong narinig sa mga estudyanteng nadaanan ko. Kung anu-ano ang tinawag nila sa'kin. Pokpok. Higad. Ahas. Puta.

Halos paulit-ulit na lang ang mga sinasabi nila. Malakas ang loob nilang insultuhin ako kahit wala naman silang alam. Hindi nila 'ko kilala. Hindi nila alam ang lahat ng pinagdaanan ko. Na sa bawat kalam ng sikmura naming magkakapatid, maraming beses kong piniling isakripisyo ang sarili kong dangal para makakain kami.

All I had to do was to survive in this unfair world wherein no matter which angle you look at, the distance between rich and poor just keeps growing.

"Congrats Miss Aileen! Sikat ka na!" bungad sa'kin ni Marco pagdating ko sa room nila.

Wala silang klase kaya marami sa kaklase nila ang nagce-cellphone. Kean is sitting at the end of the room, looking at me with smirk on his lips.

"Pwede mong mapakinabangan ang kasikatan mo. Try mo kayang magvlog? Gumawa ka ng tutorial video kung paano magblow job. Kung saan didilaan, kung paano sumipsip, kung paano humagod. Lagyan mo na rin ng demonstration tutal sanay ka naman—"

Sinampal ko si Marco. Everyone gasped and stopped what they're doing.

"Hindi ako pumunta rito para magpabastos."

I don't know why my voice still sounds calm despite the intense anger I'm feeling inside.

"E bakit nandito ka? Gusto mong magpakamot ulit kay Kean?" Nakangisi niyang tanong.

I glared at him. "Fuck you."

Everyone laughed.

"You want me to fuck you?" Marco teased.

Hindi ko na siya pinansin. Naglakad ako palapit kay Kean. Nakahalukipkip siya habang pinagmamasdan ako.

"Proud ka ba sa ginawa mo?" Mahinahon ngunit galit kong sabi.

"What?" He asked.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga.

"Wag mo 'kong tarantaduhin. Alam mo ang tinutukoy ko."

He raised his left eyebrow. "Really."

"Sinunod ko lahat ng gusto mo. Pinalagpas ko lahat ng pambababoy mo. Bakit mo pa rin 'yon ginawa? Ano pa bang klaseng pakikisama ang kulang, Kean?"

"Sinabi ko naman na nagtitimpi ako pero anong ginawa mo? Sinagad mo 'ko," sagot niya.

"BULLSHIT REASON!" My voice echoed in the whole room.

"Naisip mo ba kung ano ang magiging epekto sa'kin ng video na pinakalat mo?! Hindi mo lang sinira ang imahe ko sa iba! Tinanggalan mo 'ko ng pangarap! Education ang kurso ko, Kean! Pagka-graduate ko, walang tatanggap sa'kin kapag nag-apply ako ng trabaho dahil may masama akong record habang nag-aaral!"

"Sana inisip mo 'yan bago ka nang-agaw ng boyfriend ng iba! Malandi!" sigaw ng babaeng kaklase ni Kean. Sa kaniya nabaling ang atensyon ko.

"Wag kang sumali rito. Wala kang alam."

"Oh bakit? Hindi pa ba sapat ang sex scandal mo para husgahan ka namin? Ang hirap kasi sa inyong mga pokpok, kayo na nga ang nang-agrabyado, kayo pa ang matapang. Magti-teacher ka pa man din, nakakahiya. Dapat lang sa'yo ang dinadanas mo ngayon!"

Parang biglang nagdilim ang paningin ko. Mabilis akong naglakad palapit saka ko hinablot ang kaniyang buhok.

"Walanghiya ka! Hindi mo 'ko pinapakain! Hindi mo alam ang lahat ng nangyari sa'kin! 'Wag kang magsalita na parang kilala mo 'ko!"

Ruhamah [Testimony Series #1]Where stories live. Discover now