Kabanata 22

267 8 2
                                    

Kabanata 22: Chains

Warning: contains mature scenes⚠️

●∘◦❀◦∘●

"Hi."

Nag-iba ako ng direksyon matapos makasalubong si Jigin. Humarang siya sa harap ko. I sighed.

"What?" tanong ko.

"Sabay na tayong maglunch? L-Libre ko. Pumayag ka na. Please?"

I have to avoid him.

Umiling ako. "Hindi ako kakain. Nagbago na ang isip ko, nawalan ako bigla ng gana." Naglakad ako palayo.

"Ano ba talagang problema, Ayin? I-explain mo naman oh. 'Wag ka namang umiwas bigla na parang gusto mo na 'kong kalimutan? Ano ba?" Hinawakan niya 'ko sa braso. "Answer me."

"Wala. Tigilan mo na nga ako Jigin."

Muli akong naglakad at nilagpasan siya. Kaagad naman siyang humabol sa akin upang sabayan ako.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Layuan mo na 'ko, Jigin."

"Bakit nga, Ayin?! Ano? Manghuhula ako? May kasalanan ba 'ko sa'yo kaya bigla kang naging ganyan? Babawi naman ako kung may nagawa akong mali basta sabihin mo lang!" ramdam ko ang frustration sa pananalita niya. I understand him since two weeks ko rin siyang hindi kinausap.

Kahit ako, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon sa kaniya. Saan ako huhugot ng dahilan kung bakit ako umiiwas? Hindi ko pwedeng sabihin ang totoo. Para ko na ring binuking ang tungkol sa'min ni Kean.

"Ano pa bang kailangan mong malaman? Hindi ba pwedeng ayaw ko lang? 'Wag ka ng makulit kasi nakakairita ka na."

Nilagpasan ko siya. Nanlaki ang aking mga mata nang mula sa malayo ay natanaw ko si Kean. Kaagad akong huminto. Papalapit siya sa'min... Sa'kin. Nakakunot ang kaniyang noo at mukhang hindi natutuwa sa nakikitang pakikipag-usap ko kay Jigin.

Shit! Lalapitan niya ba 'ko?

Agad kong chineck ang cellphone ko. Bumungad sa screen ang tadtad na calls at messages ni Kean sa'kin.

Kean Alcantara:

Nasan ka?
Why r u w/ that guy?
I told u, stop flirting with him.
I'm gonna teach u a lesson, bitch

Hindi niya ko pwedeng lapitan dito sa school! Walang ibang nakakaalam na magkakilala kaming dalawa. Paniguradong magkakaroon ng hinala sa'min ang paranoid niyang ex-girlfriend!

Pinandilatan ko si Kean para isenyas na 'wag siyang tumuloy pero pinagtaasan niya lang ako ng kilay, tila naghahamon pa siya.

Damn you!

Nang makalapit, agad niya 'kong hinablot sa braso at marahas na kinaladkad palayo kay Jigin.

"Woah, wait, wait..."

Napahinto kami dahil sa paghila ni Jigin sa kabila kong braso. Nakataas ang kilay na nilingon siya ni Kean.

"What?" Kean asked.

"Sino ka? Saan mo dadalhin si Ayin?" ani Jigin.

Kean smirked. "Akala ko ba tinigilan ka na nito, Jean Aileen?"

Yumuko ako. Nanginginig ang aking mga kamay kasabay ng mabilis na pintig ng puso ko. Sobra akong kinakabahan. Nilingon ko si Jigin. Pilit kong itinago ang mga emosyon ko sa pamamagitan ng malamig na tingin. Ayaw kong magpaapekto.

Hindi dapat ako nag-aalala kung masasaktan ko si Jigin kasi hindi naman dapat siya umaasa sa'kin in the first place. At hindi na rin ako dapat umaasa.

"Mauna na 'ko, Ginuel." I sound so cold. Pumungay ang kaniyang mga mata.

Ruhamah [Testimony Series #1]Where stories live. Discover now