Kabanata 21

192 7 0
                                    

Kabanata 21: Hiwalay na

●∘◦❀◦∘●

Ngumisi si Kean sa'kin matapos niyang isuot ang boxer na nalaglag sa sahig. Katatapos niya lang akong galawin. Tulala ako. Hindi nagsasalita. Hindi gumagalaw.

Lumapit siya sa'kin at hinagkan ako sa pisngi. Nawalan ako ng lakas para iiwas ang mukha ko sa kaniya kaya malayang dumampi ang labi niya sa balat ko.

"Always be a good girl to your master, Jean Aileen," bulong niya sa'kin.

Maraming beses niya pa 'kong pinaulanan ng halik sa pisngi. Kung titingnan siguro kami ngayon, mukhang karelasyon ko siya at may LQ kaming dalawa. Pero hindi. Because I am his slave.

Nung pinakita niya sa'kin ang USB na naglalaman ng sex video namin, alam ko ng hindi na 'ko makakawala pa sa kaniya.

Oo, may sex video kami. P-in-lay niya pa kanina sa TV ng kwarto niya pagkatapos niya 'kong pagsamantalahan. Hindi lang isang video. Marami. Nasa bente. Iba-ibang lugar: sa kwarto, sa sala, sa motel, sa kusina, sa cr, sa kotse.

Ni-record niya 'yun para kung sakaling gusto ko ng kumalas, may maigaganti siya sa'kin para sirain ako nang tuluyan.

"Ano kaya ang magiging reaksyon ng pinagmamalaki mong true love kapag napanood niya 'to? Galing mong humagod e. Sanay na sanay. Sigurado ako, pandidirihan ka non. You're cheap. Kahit sinong makaalam ng mga ginawa mo, ikakahiya ka."

Para akong sinampal nang malakas dahil sa sinabi ni Kean. Hindi ko alam ang gagawin kapag nakita 'yon ni Jigin. Mag-iiba ang tingin niya sa'kin. Iiwasan na niya 'ko. Kikilabutan siya tuwing maiisip na nagustuhan niya ang katulad kong mababang klase ng babae.

"Walang lalaking tatanggap sa katulad mo. Ako lang. You belong to me, Jean Aileen."

Pag-uwi ko ng bahay, naabutan ko si Jigin sa sala, kausap ang mga kapatid ko. He's wearing a button-down shirt tucked into a pair of dress pants with a belt on. Halatang galing ng simbahan, nagbigay-galang sa Diyos. Tapos ako, galing sa bahay ni Kean, pinarausan.

How ironic. Magkaibang-magkaiba kami. Nawala ang lahat ng pag-asa sa puso ko. Bakit nga ba nag-iilusyon ako? He's pure. Malinis. Walang kapintasan. Hindi kami pwede. Hinding-hindi ako magiging bagay sa kaniya. He'll always be out of my league.

"Saan ka galing, Ayin?" tanong niya pagkakita sa'kin.

Hindi ako kumibo. Dere-deretso akong naglakad papuntang kwarto. Buong sembreak akong cold sa kaniya. Madalas siyang pumunta sa bahay pero hindi ko siya kinakausap. Lagi akong umiiwas. Magsalita man ako, kapag may kailangan lang itanong tapos babalik na 'ko ulit sa kwarto. Chinachat niya rin ako. Tinatanong niya kung ano ang problema namin kasi hindi ko siya pinapansin. Hindi ko naman siya nirereplyan kaya ramdam ko ang panggigigil niyang kausapin ako.

"Galit ka ba sa'kin, Ayin?" tanong niya nang sumabay siya sa'kin sa paglalakad. Kasalukuyan kaming nasa hallway. First day of class na kasi ngayon ng second semester.

Hindi ako kumibo. Natigil ako sa paglalakad dahil humarang siya sa harap ko.

"Mag-usap nga tayo, Ayin. Ano bang problema? May nagawa ba 'ko sa'yo? Akala ko... nagkakaintindihan na tayo? Bakit umiiwas ka?"

Bumuntong hininga ako. "Itigil mo na ang panliligaw, Ginuel."

"H-Ha? B-Bakit? Hindi naman kita pine-pressure na sagutin ako agad. I can wait—"

"Tumigil ka na," malamig kong saad. Kita ko ang biglang paglungkot ng mga mata niya, bagay na hindi ko kayang tingnan.

Nilagpasan ko siya. Mabilis akong naglakad palayo. Paulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang mga sinabi sa'kin ni Kean nung huling beses kaming nagkita.

Ruhamah [Testimony Series #1]Where stories live. Discover now