Kabanata 3

342 11 7
                                    

Kabanata 3: Dalaw

●∘◦❀◦∘●

"Hi, ganda!" bati ni Jigin sa'kin nang makasalubong ko siya sa tapat ng school.

Ngayon ang first day namin as college student kaya medyo kinakabahan ako. Sana pala hindi ako nagkape kaninang umaga para hindi ako ninenerbyos.

"Hi," bati ko pabalik. "Aga mong pumasok ah. Excited lang?"

He chuckled. "Yie, lumingon siya. Ikaw ba si ganda, Ayin?"

I rolled my eyes. Hinablot ko siya sa braso saka kinaladkad papasok ng campus.

"Tumigil ka nga, ang aga-aga nang-aasar ka," inis na sabi ko.

"Pang-aasar na pala 'yun kapag tinawag kang ganda."

"Shut up or I'll kick your ass."

Tumawa na lang siya saka ginulo ang buhok ko. Pagdating sa room, nasa sampung kaklase pa lang namin ang nandoon. Wala rin gaanong nag-uusap dahil hindi pa naman kami magkakakilala.

"Good morning, Ginuel."

Napalingon ako sa bandang kanan nang may babaeng umupo sa tabi ni Jigin. Hanggang balikat ang kaniyang buhok, kayumanggi ang balat. Magkasingtangkad lang siguro kami.

Lumingon sa kaniya ang lalaking katabi ko. "Good Morning, Bernadette."

"Kapag talaga babae, kilala mo," bulong ko.

Bumaling sa'kin si Jigin. "Kaklase natin 'yan, si Bernadette. Nakilala ko siya nung enroll-an at na-invite sa bible study."

Tumango ako. "Okay."

Hindi ako nagseselos. It's just a sarcastic comment.

"Hi. I'm Bernadette Perez. Ikaw?" pagbati sa'kin ng babae. Naglahad siya ng kamay.

Nag-aalangan kong tinanggap 'yon. "Jean Aileen."

Tumango naman siya. "Sabi ni Ginuel, magkaklase raw kayo nung high school. Ang nice siguro non dahil hanggang college, classmate pa rin kayo. I mean, hindi ganon kahirap mag-adjust kasi may iba kang kakilala. Unlike sa'kin. Sa ibang universities kasi nag-aral ang mga kaibigan ko. May kakilala rin ako rito sa campus kaso sa ibang course. Saan kayo naghigh school?"

Ang haba naman ng sinabi niya.

"Diyan lang," tipid kong sagot.

"Ow." She laughed awkwardly.

Napansin niya sigurong wala akong ganang makipag-usap kaya bumalik na siya ulit sa upuan niya.

"By the way Bernadette, kakilala mo ba 'tong prof natin sa Understanding the Self? Pareho kasi kayo ng apelyido," ani Jigin.

Habang nag-uusap ang dalawa, inabala ko na ang sarili ko sa pagce-cellphone. Tumunog 'to kanina habang naglalakad ako, may text pala si Kean.

Kean Alcantara: 5pm later. Don't be late.

Nagtype ako ng reply.

Me: Wla bng itataas ang talent fee ko?

He replied.

Kean Alcantara: Mukhang gipit ka ah. Don't worry, mapagbigay naman ako.

Me: I'll give you the best bj u dsrv. Para sa pera.

Kean Alcantara: That's my girl.

Pagsapit ng lunch, sabay kaming pumuntang tatlo nina Jigin sa cafeteria. Busy pa rin ang dalawa sa pag-uusap habang ako, tahimik lang na nakikinig.

Ruhamah [Testimony Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon