SPECIAL CHAPTER 2

21.5K 479 121
                                    

"Mommy, come here na po. Nasa baba na po sila, ikaw nalang po inaantay."

Alyssa, said kaya naman mas binilisan ko ang pagsara sa backpack ni Zadkiel, or in short Zaki.

Kinuha ko na ito, at sabay na kaming bumaba ni Alyssa.

Si Mateo, ang bumungad sa 'min pagkababa namin at buhat-buhat niya ngayon ang 2 years old naming anak na si Zaki.

His face ay kagaya rin ni Maverick, noon. Manang-mana talaga sila sa ama nila. Mabuti na lang at marami paring namana sa 'kin si Alyssa.

Nakangiti siya sa 'min, at hinawakan pa niya ang maliliit na braso ni Zaki, at mahinang iniwagayway. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya.

Lumapit na kami sa kanila at hinalikan naman ako ni Mateo, sa aking labi. Mas lumapit pa ako kay Zaki, at hinalikan ko rin siya sa kaniyang noo.

"Let's go, Wife. Kanina ka pa namin inaantay. Nasa loob ng van na sila." He said at kinuha ko naman si Zaki, sa kaniya at ako ang nagbuhat, at siya naman ay si Alyssa, ang binuhat niya.

Maverick and Alyssa is now 7 years old, and ako naman ay 33 and si Mateo, naman ay 39.

Sumakay na kami sa van at dalawang van ang gagamitin para naman kasya kaming lahat ang may mapaglalagyan rin ang mga dalang gamit namin. Mga tatlong isang linggo kami sa La Union.

Beach Resort kasi iyon, may dagat at swimming pool. Summer narin naman na ngayon, and matagal narin kami na hindi pumupunta sa dagat.

"Wala ka na bang nakalimutan, Mahal?" At umiling naman ako. Alam ko naman kasi na wala na akong nakalimutan.

Ganyan si Mateo, nakadepende sa kaniya kung ano gusto niyang itawag sa 'kin. Minsan Mahal, Wife o kaya naman Asawa ko, kapag nagtatampo siya or galit-galitan sa 'kin ay mismong first name ko ang tinatawag niya sa 'kin, but one of my favorite is kapag tinatawag niya ako ay ang buong pangalang ko with his surname.


Papunta kami ngayon sa isa sa mga beach resort sa San Juan, La Union. And besides gusto ko rin masubukan na mag surf. Ang usapan pa naming pamilya ay sa isang linggo na pananatili namin doon ay mamasyal rin kami.

Matagal ko narin kasi gusto mamasyal sa La Union, pati ang halo-halo de iloko nila ay gusto ring tikman. Gusto ko pa nga sana mamasyal sa Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Since medyo may kalayuan ang Manila, sa La Union ay gagamitin daw namin ang private plane ni Mateo, para mas mabilis kaming makarating sa La Union. Matagal na naming plinaplano ang magbakasyon sa ibang lugar dito sa Pilipinas, ang kaso lang ay minsan pareho kaming busy. Nag resigned narin ako sa pagiging model at mas itinuon ko ang pagiging ina at asawa sa aking pamilya, and nang mag 2 years old na si Zaki, ay ako na ang nagpatakbo sa negosyo ko na ipinamana sa 'kin, dati kasi ay si Dad at Mateo, pero ako narin nag suggested na handa na akong magtrabaho.

Pareho kaming busy ni Mateo, pero never naman kaming nawawalan ng oras sa isa't isa at sa mga anak namin. May family bonding parin naman kami, hindi kasi namin gusto na baka isang araw baka maramdaman ang mga anak namin na nawawalan na kami ng mga oras sa kanila, kapag nangyari 'yon ay alam namin na masasaktan sila at pwedeng magtanim sila ng sama ng loob sa 'min.

Nang makarating kami sa airport ay meron narin ang private plane ni Mateo, ito rin ang ginamit namin noong pumunta kami sa Paris.

Sumakay na kami. Si Kuya Zenos, ay katabi niya ang girlfriend niyang si Cora, nagulat na nga lang kami dahil noong birthday ng anak namin ni Mateo, na si Zaki, ay may kasamang babae si Kuya, and ipinakilala niya na girlfriend niya daw ito, shempre natuwa kaming lahat, akala kasi namin tatandang binata na si Kuya Zenos, mabuti na lang at may nakabihag parin sa puso niya kasi lokol-loko ang isang 'yon.

Her Cruel Husband (COMPLETED || EDITING)Where stories live. Discover now