CHAPTER 3

55K 1.3K 582
                                    

Maxima's Point of View:

"Come here, at gagamutin ko iyang mga natamo mong sugat sa demonyo mong asawa..." mariing saad nito at lumapit naman ako sa kaniya. Tumabi ako sa kaniya. Sinimulan narin niyang gamutin ang mga sugat ko.



"Max. . ." Pagtawag niya sa 'kin.


"Maxima, are you sure na hindi mo siya sasampahan ng kaso? Kasi ako bilang pinsan mo hindi ako napapanatag ng loob dahil sa ginawa niya. I left guilty to be honest, dahil wala man lang akong ginawa." Umiling ako at ngumiti sa kaniya.


"I told you right na hindi ko na siya sasampahan pa ng kaso, bahala na ang Diyos na nagparusa sa kaniya. Gusto ko nalang na manahimik." I'm still smilling while those words.



Ayoko talaga, pero si Kuya Luiz ay handang-hada na sa lahat at gusto na niya talagang sampahan ng kaso si Mateo.


"Okay! Okay! It's your decision and I respect it anyway. But if you need my help ay nandito lang si kuya okay? Habang wala ang mga kuya mo dito, may kuya Luiz, ka pa naman." Natatawang sabi nito.



"Sana nga nandito sila..." I whispered, but I guess narinig niya parin ito, dahil magkatabi lang naman kami ni kuya Luiz.


"You know what, kinakabahan na ako if our family found out about what your abusive husband did to you sa tagal ng panahon, ako na nagsasabi, for sure hindi mag dadalawang isip na sampahan talaga ng kaso ng mga magulang mo ang asawa mo. Iyan oh! kita mo mga 'yan? Malaking ebidensya na iyan na sinasaktan ka talaga ng asawa mo." Natahimik ako sa kaniyang sinabi.



"Alam mo naman kung gaano ka over protective ang parents mo at mga kapatid mong lalaki, 'di ba? Putcha naman oh! Ako kinakabahan e!"



"Kumalma ka nga kasi, Kuya."



"Maxima, paano ako kakalma huh? Sige nga, paano ako kakalma? Sabit ako dito, dahil una pa lang ay alam ko na ang mga kagaguhan na pinaggagawa nang magaling mong asawa na pinaglihi kay Satanas, pero kasi e! Matagal ko na alam, pero inililihim ko ito sa magulang mo."


Tinapos na niyang gamutin ang gamot ko at nagpaalam naman ako sa kaniya na magpapahinga na muna ako. Tinuro naman niya ang guest room kung saan ako matutulog. Pagkarating ko sa guest room ay humiga na ako at natulog.



---


"Hey! Maxima, wake up. Ihahatid na kita sa bahay niyo." I heard what my cousin said. Kaya naman bumangon na ako. Lumabas narin siya at pumunta na ako ng banyo para maligo. Pagkatapos kung maligo ay nagpalit na ako at nag jacket para hindi makita ang mga pasa at sugat ko dahil nakabistida ako muli. Naabutan ko si kuya Luiz, na nakapaghanda na ng pang umagahan at sabay narin kaming kumain.


Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa bahay, ang totoong tahanan ko at kung nasaan ang pamilya ko.


Nang makarating na kami sa bahay ay nagulat ang lahat sa pagbalik ko. I saw my mom, she's crying. Mabilis itong pumunta sa 'kin at maingat na hinaplos ang mukha ko habang titig na titig ito sa 'kin at ang mga luha niya ay walang tigil sa pagbagsak.


"Anak, wha-what happened to you?" Nag-aalala na tanong nito habang hindi parin binibitawan ang pagkakahawak sa mukha ko.



Seeing my mother's crying, ay naninikip ang dibdib ko. Parang may tumutusok sa puso ko. Mas masakit pang makita siyang umiiyak kaysa sa pananakit sa 'kin ng asawa ko.


"Luiz, what happened to your cousin? Ba-bakit andami niyang pasa sa mukha?" Tumingin ako kay kuya Luiz, at nakita ko ang pag yuko nito.



"LUIZ." napaangat ng ulo si kuya, sa madiing pag bigkas ni Dad sa pangalan niya. Tumingin naman ito sa 'kin, nagtatanong kung sasabihin ba niya or hindi.

Her Cruel Husband (COMPLETED || EDITING)Onde histórias criam vida. Descubra agora