CHAPTER 20

44.3K 708 47
                                    

Maxima's Point of View:

"Hi, Daddy!"

Masiglang pagbati ni Alyssa kay Mateo. Nakangiti naman si Mateo, at sinalubong ang kambal. Hinalikan niya ang mga noo nila at tumingin rin siya sa 'kin at nginitihan rin ako.

"Here!" He said at iniabot ang dalawang laruan kanila Alyssa, at Maverick.

"Thank you, Daddy/Thanks, Dad" sabay na sabi ng kambal. Agad narin silang pumunta sa nay sala at binuksan ang laruan na bigay ng Daddy nila.

Tatlong araw na ang lumipas ng matulog kami sa mansyon ng Lola ni Mateo. Mabuti na lamang at wala talagang ginawang masama si Mateo, sa 'kin noong gabing 'yon.

Kinabukasan ay nag-usap pa muli kami. Pinagdesisyonan namin na welcome siya dito sa mansyon, para bisitahin ang mga anak namin. If ever na gusto niya pa mas makabonding ang kambal ay ipapaalam niya muna sa 'kin, kung ipapasyal niya sila Maverick at Alyssa.

Wala naman akong naging problema sa set up namin ni Mateo ngayon, para sa mga bata. Nag-usap kami ng maayos at nagdesisyon na alam naming pabor talaga kami sa mga deisiyon namin.

Hindi naman ako madamot pag dating sa mga bata, pero hindi ko rin nakalimutan na banggitin sa kaniya na if balak niya ipasyal ang mga bata sa Mall or sa mga iba bang public places ay make sure na maayos sila at ligtas.

Sa ngayon ay hindi pa niya ipinapasyal ang kambal sa labas, sa tatlong araw ay kusa siyang bumibisita dito sa 'min. Hindi siya nawawalan ng pasalubong para sa kambal, kapag dadalaw siya dito.

Naging maayos narin ang relasyon ng mag-ama, sila Mateo at Maverick. Mabuti na lamang at nagkaayos rin sila kaagad. Pero minsan ay hindi parin nawawala ang pag-aasaran nila, pero kalaunan ay naayos rin naman nila 'to.

"Dito ka na kaya mag dinner?" Tanong ko sa kaniya. "Yeah!" Mag gagabi narin kasi. Umaga at Gabi ay dumadalaw siya dito, para i-check ang kambal. Ang sabi pa niya ay mabilis niyang tinatapos ang mga trabaho niya para mabisita sila Maverick at Alyssa.

Gabi na at lahat kami ay nandito sa may dinning area, tahimik lamang kaming kumakain, ni isa sa 'min ay walang nagsasalita. Ngunit nabasag ang katahimikan na 'yon ng dumating si Kuya Luiz.

"Yow!" He said at nagmadali umupo sa may bakanteng upuan. Napatingin siya sa katabi niya ngayon at si Mateo iyon. Tinaasan lamang niya ng isang kilay at umiwas narin siya ng tingin kay Mateo.

Katabi ni Mateo si Maverick, at ako naman ay si Alyssa. About my family naman ay hindi ko alam kung anong nangyari, dati kasi ay galit na galit sila sa kaniya. Tapos ngayon ay parang walang nangyari, kinukulit ko sila kung bakit, pero hindi nila sinasagot ang tanong ko. At sila pa nga mismong nag presenta noon na anytime he want ay pwedeng-pwede siya pumunta dito sa 'min, para bisitahin ang mga anak namin. Kanila Kuya naman ay iniiwasan lamang nila si Mateo at hindi madalas kausapin, naiintindiham ko naman sila at panigurado ay umiiwas lang sila sa gulo.

After we ate ay hinintay pa ni Mateo, na makatulog ang kambal bago siya umalis. Nandito na kami sa harap ng kotse niya, hindi pa siya pumapasok sa loob.

Tumingin ako sa kaniya and he did the same too. Ngumiti ako sa kaniya, pero hindi niya ako nginitihan ng pabalik, seryoso lamang siyang nakatitig sa 'kin. Para bang may gusto siyang sabihin pero pinag-iisipan kung sasabihin ba niya or hindi.

"Uuwi na ako." He said. Tumango naman ako at akmang papasok na siya sa sasakyan niya ay hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

Nagtataka lamang siyang tumingin sa 'kin. "Ano 'yon?" He asked, habang nakakunot ang noo niya at nakatingin sa 'kin.

Agad ko namang binitawan ang pagkakahawak ko sa braso niya at ngumiti ng pilit ang umiling. "Ah! Wala. Sige na, umuwi ka na. Ingat" Mahinang sabi ko at pumasok na ako sa loob. Hindi ko na inantay pa na umalis siya at nagmadali na akong naglakad papasok sa mansyon.

Her Cruel Husband (COMPLETED || EDITING)Where stories live. Discover now