CHAPTER 17

40.2K 867 603
                                    

Maxima's Point of View:

It's been a week na nagkita kami ni Mateo. Today is the day na magaganap ang sinasabi ni Tita Victorina. Hindi na nga sana ako sasama para may kasama ang kambal, dahil ayaw nilang sumama, pero napakiusapan naman nila Dad sila Maverick at Alyssa.

"Ayan! you're so gorgeous talaga, Madam." Masayang sabi ng make up artist ko, actually he's a gay. And he's one of the famous make up artist and stylist here in the Philippines, and take note hindi lang dito sa ating bansa kundi pati narin sa ibang bansa.

"Stop calling me Madam. Just Maxima or Max, okay lang sa 'kin." Pagtatama ko sa kaniya. Ngumiti naman ako, nakaharap ako ngayon sa may salamin na may mga ilaw sa gilid nito.


"Okay, ok! Ano ba mars, pak na pak ang beauty mo. I can't believe na one of the famous super model ay binigyan ako ng chance para ayusan ko. It's super duper nakakaloka ng bongga!" He yelled, natawa naman ako dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Dzai, mag bihis na you." Pagtatawag naman sa 'kin ng isang kasamahan niya, pero babae naman ito na parang tomboy? I don't know, but she's also beautiful pero kung kumilos parang lalaki.

I'm not judging her, I'm just saying the fact. But I do support those part of bisexual, lgbt, lesbian and others. I love them so much, because there's no reason to judge them. They're also human too and they deserve a respect and support from others.

And I am so proud of them dahil sa kabila ng mga masasamang salita at panghuhusga sa kanila ng ibang tao ay tapuloy parin silang mas pinapatatag ang kanilang mga sarili at patuloy na lumalaban.

Every people should be respected, even they belong to LGBT or Lesbian. We should respect their choice of life since they are the one that decide for themselves.

Tumayo na ako at pumasok sa walk in closet ko. Kasama ko naman si Leah and that's her name. Tinanggal ko na ang bath robe ko at tumalikod. May suot naman ako na underwear, except bra. Tinulongan niya akong suotin ang gown ko.

Nang masuot ko na ito ay lumabas na ako at tumingin sa malaking salamin, kung saan kitang kita ang buong katawan mo.

This gown is beautiful. It's a Prom dresses sleeve and the style is Sleeveless fabric and may built in bra na ito kaya hindi na ako nag bra pa kanina. The color is candy, dark purple. May slit rin ito sa kaliwang bahagi ng dress at kitang kita ang mahahaba at mapuputi kong binti.

"OMYGHAD! NAPAKA DYOSA MO NAMAN. Sabi na eh! Bagay na bagay sayo ang suot na gown mo ngayon. Oh! Ito, suotin mo na ang heels mo. And mag ready na you!" He said. Sinuot ko naman na ang heels ko.

Tinignan ko uli ang sarili ko sa salamin. Bagay nga.

Nagpabango na ako at inalalayan naman nila akong bumaba dito sa hagdanan. Nakita ko ang pamilya ko na inaantay na ako sa may sala. Napakunot ang noo ko dahil wala sila Kuya Zenos, at ang dalawang kong anak.

Alam narin ng dalawang nag-ayos sa 'kin na may anak ako. Tinanong pa nga nila kung sino ang ama pero nginitian ko lang sila at bigla na lang sila napatakip sa mga bibig nila kanina at sure ako na alam na nila kung sino ang ama. Mukha ni Maverick, ang sagot sa katanongan nila.

"You're so beautiful, Anak." Masayang banggit ni Mom at tinignan ako taas hanggang baba habang naka-ngiti at ganon rin sila Dad and Kuya Devon.

Pero bigla kung naalala ang mga anak ko. "Nasaan sila Kuya Zenos, at ang kambal?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Lumabas eh! Nagpapabili kasi si Alyssa, ng cotton candy at gummy worms kaya lumabas sila para bumili, tapos sumama rin si Maverick. Ang sabi mauna nalang daw tayo kung tapos ka na ayusan at wala pa sila, susunod nalang daw sila. Eh! Wala pa sila, kaya let's go." Paliwanag ni Kuya Devon. Tumango na lamang ako, alam ko naman na safe ang kambal. May tiwala naman ako kay Kuya Zenos, alam kung hindi niya hahayaan ang mga pamangkin niya.





Her Cruel Husband (COMPLETED || EDITING)Where stories live. Discover now