CHAPTER 26

33.8K 583 285
                                    

Maxima's Point of View:

Papasok na ako ngayon sa office ni Mateo. Hindi niya ako sinundo dahil ako mismo ang nagsabi dahil malalate akong papasok ngayon. Halos dalawang linggo na ang nakalaipas noong pumunta kami sa Singapore at sa Paris.

Pagpasok ko ay bigla napatigil ako sa paglalakad. Pinagkatitigan ko ang babaeng nakaupo sa may upuan para sa bisita at nandoon rin si Mateo.

Huminga ako ng malalalim at naglakad na ako papunta sa may lamesa ko. Alam kung nakatingin na sila sa 'kin ngayon dahil rinig na rinig rin ang tunog ng heels ko. Inilapag ko na ang bag ko sa lamesa ko at ngumiti ako bago lumingon sa pwesto nila.

I need to pretend na okay ang lahat, na hindi ako nagseselos. Lumapit ako sa kanila at hindi parin nawawala ang ngiti ko sa labi.

"Hi! I'm Maxima Castellio." Pagbati ko sa babaeng nakaupo ngayon at katabi ang ASAWA KO. Hindi ko sinama ang apelyido niya dahil nabwebwesit ako sa kaniya ngayon.

Tumingin ako kay Mateo nakakunot noo na siya. Siguro ay dahil hindi ko sinama ang apelyido niya.

"Hello, I'm Orioña Denice Benitez. You're so beautiful in person." Nakangiting sabi niya. Tinignan ko naman ang maganda niyang kamay, maganda rin naman kamay ko eh!

Hinawakan ko iyon at nakipagkamayan sa kaniya. Malaki ang ngiti niya sa kaniyang labi. To be honest honest maganda rin siya pero mas angat nga lang ako kaunti, alangan i-down ko sarili ko? No way.

Mas matangkad siya sa 'kin, pareho kaming nakaheels pero kung tatanggalin ang mga heels namin ay mas matangkad talaga siya sa 'kin, matangkad naman ako pero mas matangkad lang talaga siya. I don't know if model rin ba ito or what?

"Ah! Take a seat" Nakangiting sabi ko at pareho naman kaming umupo. Magkaharap kami ngayon ni Mateo at katabi parin niya iyong bwesita, I mean ang bisita.

"Aham! Ah! She's my wife, by the way." He said at kita ko naman ang pagkagulat ng impaktang babaeng katabi niya.

Tumingin ako sa kaniya at ganon rin siya at hindi nawala sa mata ko ang lihim na pag-irap niya sa 'kin. Napangisi na lamang ako sa ginawa niya.

"Sige, Mr. Las Heras, aalis na ako. See you tomorrow na lang, dapat exact time, okay? Bye, hey! Alis na ako." She said at sabay-sabay na kaming tumayo. Nakipagbeso siya sa 'kin at ganon rin ang ginawa niya kay Mateo.

Nakatalikod sa 'kin itong si Orioña at nakaharap ang mukha ni Mateo sa 'kin, nakatitig siya sa 'kin at masama ko lang na tinignan si Mateo at inirapan.

Lumabas na si Orioña at kaming dalawa nalang ni Mateo ang naiwan dito. Parang tuta kung makatingin sa 'kin at halatang nagpapaawa. Inirapan ko siya at naglakad na ako papunta sa may pwesto ko.

Binuksan ko na ang monitor ng computer at kinuha ko narin ang mga iba kung gagawin. Namataan ko naman na papalapit sa pwesto ko si Mateo.

"Hey! Wife, are you upset?" He asked, pero hindi ko siya sinagot. Huminga siya ng malalalim at nagulat naman ako dahil bigla niya akong yapakin at hinalingan sa aking noo.

"Huwag na pong magalit, okay? Don't worry, hindi siya ang babae ko." He said at napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tinitigan ko siya at masamo ko siyang tinitigan.

"So, sinasabi mo ba na may ibang babae ka talaga huh?" Taas kilay kung tanong sa kaniya.

"Ikaw at si Alyssa lang naman ang babae sa buhay ko and si Mom and Katherine." He said, kumalma naman ako sa sinabi niya.

"Siguraduhin mo lang, Mateo. Sinasabi ko na sayo, kapag ikaw nahuli ko na may iba kang babaeng kalandian, talagang puputulin ko 'yang alaga mo sa harapan mismo ng babae mo, maliwanag?" Pagbabanta ko sa kaniya. Nakita ko naman na namula ang tenga niya at nagpapaawa na tumitingin sa 'kin ngayon.

Her Cruel Husband (COMPLETED || EDITING)Where stories live. Discover now