CHAPTER 16

41.2K 811 276
                                    

Maxima's Point of View:

"Mommy, where did you go earlier?"

My daughter asked. Lumapit ako sa kaniya at ngumiti. Maingat kung hinaplos ang pisnge niya. Nakita kung ngumuso ito at agad ko naman siyang hinalikan sa noon.

Ang cute talaga ng anak ko, manang mang sa 'kin.

"May meeting kasi kami kanina, Anak." Paliwanag ko sa kaniya. Tumango naman siya at niyakap ako. Mas napangiti ako dahil sa ginawa niya.

Nakita ko naman na dumaan sa si Maverick, kaya kaagad ko siyang tinawag. Nandito kasi kami ngayon sa sala. Kakarating lang rin namin dito sa Mansyon.

"Why, Mommy?" He asked. Hawak niya rin ang Ipad niya. Umupo siya sa tabi ko. Ngumiti ako sa kaniya at niyakap rin.

"Nag behave ba kayo kanina with lola?"

"Behave po ako kanina, pero si Aly po ay hindi." Natawa naman ako dahil sa sinabi. Alam kung hindi nag sisinungaling si Maverick. Lumipat ang tingin ko kay Alyssa, at kitang kita ko naman ang masamang tingin niya sa kakambal niya.

"Is it true, Alyssa?" I asked. Hindi rin naman ako galit sa kaniya, naiintindihan ko naman. At isa pa bata pa naman sila, at alam kung makukulit talaga ang mga bata. Except nalang kay Maverick, dahil kung kumilos parang binata na.

"Yes po. Sorry, Mommy." Umiling ako sa kaniya at hinalikan ko uli ang noo niya. "It's okay, baby. Mommy is not mad, huwag mo na uulitin okay?" I asked. Tumango naman siya at niyakap ako. Nang balingan ko ng tingin si Maverick, ay busy na naman siya sa pagkalikot sa ipad niya.


Gabi na at kakatapos ko lang bihisan ng pantulog ang mga anak ko. Nakahiga narin sila sa kama at alam kung tulog na sila.dahil paniguradong napagod rin sila sa pag libot sa Mall. Ang sabi pa ni Mom ay naglaro rin daw sila.

Tumayo ako at nag pasyang bumama na muna dahil naiinom ako. 10 PM narin kasi, medyo na late lang natulog ang kambal ngayon dahil nakipag laro rin sila kay Kuya Zenos, at nilaro nila iyong mga napili at binili ni Mom para sa mga apo niya.

Pag sila Mom and Dad ang kasama ng kambal ay ini-spoiled nila ang kambal. Kahit sila kuya Devon at Kuya Zenos. Ang sinabi nalang nila ay hayaan ko na lang, dahil minsan lang naman at mas okay na iyon dahil bata pa sila at mas ma-enjoy nila ang buhay habang bata pa sila.

I can't agree with them sa totoo lang, dahil ayokong lumaki silang spoiled. But I am happy na hindi sila ganon. May limitasyon rin naman sila, kapag sinabi na hindi at bawal ay maiintindihan na nila iyon. I can give what they want pero iyong alam kung kailangan at magagamit talaga nila ng pangmatagalan.

But the only one thing I give to them is a complete family. That I can't even give them a chance to meet their father before, but now na nandito na kami sa Pilipinas ay malaki ang chance na maipakilala ko na sila if ever na mag tagpo uli kami at hindi malabo iyon dahil sigurado ako na kasama siya sa event na gaganapin next week. Hindi ko rin naman naipakita ang litrato ni Mateo sa kanila dahil wala naman siya mashadong picture sa internet.

Alam kung ayaw niya talaga mag picture. Wedding picture sana namin kaso naalala ko na naiwan ko pala ang lahat ng litrato namin sa mansyon niya.

Iniisip ko nga rin kung doon pa kaya siya naka-tira o may bago na siyang bahay o mansyon? Ano narin kaya ginawa niya sa mga ibang gamit ko na naiwan? For sure pinatapon na niya ang mga iyon.

Pagkatapos kung uminom ay tataas na sana ako kaso may makita ako na anino sa may labas malapit sa pintuan. Kinusot ko rin ang mata ko dahil baka namamalik mata lang ako. Medyo madilim narin kasi dito sa may sala at tanging malapit lang sa kusina ang nakabukas na ilaw.


Her Cruel Husband (COMPLETED || EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon