CHAPTER 27

24.9K 446 101
                                    

Maxima's Point of View:


Akala ko tapos na ang lahat, pero hindi pa pala.



Dahil may panibagong problema nanaman kaming haharapin at dapat na sulosyonan.




Everything happens for a reason, pero bakit ganito? Paano na kami kung oras man na makulong uli siya at hindi na makalaya at kamatayan ang naghihintay sa kaniya?



"Ple-please, Kuya. Bilisan mo, baka ano pang mangyari kay Mateo." Nahihirapang sabi ko kay kuya Devon. Papunta kami ngayon sa korte.



Habang nagkakasiyahan kami kanina dahil finally engaged na ako kay Mateo, ulit tapos bigla na lamang inaresto si Mateo, ng mga pulis kanina.


Ang sakit lang dahil pasko pa lamang ngayon at ganito na ang nangyari. Ang saya-saya pa naman kanina tapos bigla na lamang ganito ang nangyari.


Lahat kami ay walang alam sa nangyayari, hindi naman alam kung bakit inaresto na lamang si Mateo, at may dala pa ang mga pulis na warrant of arrest para kay Mateo.




Ang nakalagay sa warrant of arrest na binasa ko kanina ay nakapatay daw ng inosente si Mateo, 2 years ago. Hindi ko alam, wala akong alam, lahat kami ay walang alam. Kahit si Mateo, ay wala rin kaalam-alam sa sinasabi nila.



Alam ko naman na hanggang ngayon ay mataas parin ang posisyon niya sa pagiging Mafia Boss niya, pero inamin rin niya sa 'kin na sa limang taon na iyon ay naging tahimik at payapa siya, ang mga kalaban niya ay bigla na lamang tumahimik at nawala na parang bula.


Ang sabi niya kanina ay wala siyang alam, at naniniwala naman ako kay Mateo. Alam kung hindi siya pumapatay ng mga inosenteng tao. Alam kung may kabutihan parin si Mateo.




Nagtataka nga rin ako dahil bakit sa korte kaagad siya dinala? Ang sabi pa nila ay baka kamatayan na ang hahantongan niya. Hindi ako papayag. Base sa papel na 'yon kanina ay may sampung inosenteng tao siyang napatay. Tangina naman, alam kung hindi magagawa ni Mateo, iyon.

Hindi rin namin alam kung sino ang nagpakulong sa kaniya, wala kaming alam sa lahat. Paano nalang ang mga anak namin? Paano ako?


Oras man na mapatunayan namin na inosente si Mateo, ay ako mismo magpapakulong sa taong gumawa nito kay Mateo. Ako mismo ang makakalaban niya.



Hindi ko hahayaan na masira ulit kami, at panigurado ako na ang gumagawa ng mga hakbang ngayon ay ang mga kalaban niya. Malapit naring mag bagong taon at gusto ko na maayos na ito kaagad at malinis ang pangalan niya bago pa mag bagong taon.


Kumakalat narin ang balita about kay Mateo, pero wala akong pake, puro fake news naman. Hindi rin naman nila alam ang totoo kaya bakit pa sila sumasali sa problema namin, sa problema ng iba? Ni kami nga walang kaalam-alam, sila pa kaya na kung ano ang nalaman o nahagip na chismis ay iyon na ang pinaniniwalaan nila? Mga putangina nila.



"Panigurado na isa sa mga kalaban ni Mateo, ang gumawa nito. I'll talk to you later, Maxima. Marami kang dapat malaman." Nagtaka naman ako sa sinabi ni kuya Devon.



"Na ano? Na totoo talaga na nakapatay si Mateo, ng mga inosenteng tao, ganon ba iyon kuya?" Walang prenong tanong ko sa kaniya. Hindi ko sinasadya na pagtaasan siya ng boses, pero di ko na mapigilan eh! Stress narin ako ngayon.



"No, I mean naniniwala akong inosente si Mateo, at wala siyang kasalanan tungkol sa bagay na iyon. Ang pinupunto ko lang is what if mga kalaban ni Mateo, ang gumawa ng bagay na iyon? Na gustong-gusto na talaga nilang paalisin si Mateo, sa pwesto niya at kunin ang mga kayamanan niya? Hindi malabong mangyari iyon Maxima, kaya kailangan mo ring mag ingat, at ang kambal, paniguradong gagamitin rin kayo ng mga kalaban ni Mateo, dahil alam natin na ikaw ang kahinaan niya at may kambal pa kayong anak. Kayo ang magiging matibay na pwede nilang gamitin para tuloyang pabagsakin si Mateo." Paliwanag sa 'kin ni kuya Devon.


Her Cruel Husband (COMPLETED || EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon