CHAPTER 6

50.7K 1.1K 309
                                    

Maxima's Point of View:

Tatlong araw na ang lumipas ng ipalipat ako nila mom and dad ng ibang hospital. Sa loob ng dalawang linggo ay gumagaling narin ang mga sugat ko at ang mga pasa ko sa katawan ay nawawala narin, kaya naman lumalantad na ang mapuputi kung balat. Hindi ko pa masasabing makinis ako dahil may mga sugat akong natamo and it because of him, My Husband.


"Insan, ang sabi ng doctor pwede ka na daw umuwi ngayon. Sandali muna, tatawagan ko pa sila tito at tita." He said, tumango na lamang ako sa kaniya. Narinig ko pang kinakausap na ni kuya sila mom, and dad pero hindi nalang ako nakinig pa at ipinagpatuloy ko na lamang ang panonood sa cellphone ko.



Habang nanonood ako ay bigla na lamang pumasok sa isipan ko si Mateo. Kahit papaano ay namimiss ko parin siya, kahit pa sinasaktan niya ako. Hindi ko alam kung bakit nagagawa ko pang mamiss siya kung puro pananakit lang naman ang binibigay niya sa 'kin noon.

"Hoy! Tulala ka jan, sino iniisip mo?" Nagising ako sa realidad ng marinig ko na nag salita si kuya Luiz. Tumingin ako sa kaniya at umiling, pero sa reaksyon nito ay halatang di naniniwala. Bahala siya!

"Iniisip mo ba iyong halimaw mong asawa na tarantado?"

Mabilis akong umiling. "Tsk! Sinungaling, huwag mo ng isipin ang isang 'yon. Huwag kang magpakastress sa putanginang 'yon." Naiinis na sabi nito at umupo sa  may bakanteng upuan.


Kumuha siya ng biscuit at kinain ito, naging busy naman siya sa pagcellphone. Hindi ko nalang siya muling pinansin.


Kumusta na kaya siya? Siguro, masaya na siya ngayon na wala na ako sa tabi niya.


Baka may bago na siya?


Hindi nakaligtas ang puso ko dahil sumakit ito, what if may bago na nga talaga siya? Paano kung kaya niya ako sinasaktan dahil gusto niyang sumuko na ako sa kaniya at iwan siya? Siguro nga, kaya niya nagawa ang nga bagay na iyon. Alam ko na alam niya na mahal na mahal ko siya, kaya nagagawa niyang abusuhin ang pagmamahal ko sa kaniya sa paraan na pananakit sa 'kin, at kusa akong sumuko sa kaniya.






Third Person Point of View:


Ngayon na ang uwi ng dalaga, about sa kaniyang therapy naman para sa kaniyang trauma ay sa susunod na linggo pa maguumpisa. Nang dumating ang kaniyang ama na si Hulyo, ay masaya ang dalaga, dahil makakauwi narin siya.


Ilang minuto ang lumipas nang makarating sila sa mansyon ang hindi alam ng dalaga ay umuwi na ang kaniyang mga nakakatandang kapatid na lalaki.



Inalalayan siya ng kaniyang ama sa pagbaba sa kotse, hanggang sa makapasok sila sa loob ng mansyon. Nang makapasok sila ay katahimikan ang bumungad sa kanila. Hindi na lamang niya pinansin ito at umupo siya sa sofa.


"Anak, finally! Nakauwi ka narin." Masayang banggit ng kaniyang ina at nagmadali itong bumaba sa hagdan papunta sa kaniya. Nang makalapit ang kaniyang ina sa kaniya ay niyakap siya nito. Hindi napansin ng dalaga ang dalawang lalaki na bumaba rin sa hagdanan, ang kaniyang mga kapatid sila Devon at Zenos.




Ngumiti si Maxima, sa kaniyang ina at napunta ang tingin niya sa dalawang lalaking nakatayo sa harapan niya. Hindi niya inaasahan ang kaniyang nakikita. Gulat itong lumapit sa kanila at niyakap. Aminin man niya or hindi ay namiss niya ang kaniyang mga nakatatandang kapatid na lalaki.


"Mga kuya, bakit di niyo sinabi na nakauwi na pala kayo? Mom, dad?" Gulat parin ang dalaga. Niyakap lamang siya ng kaniyang mga kapatid at ngumiti sa kaniya.



Her Cruel Husband (COMPLETED || EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon