CHAPTER 28

22.3K 416 80
                                    

Third Person Point of View:


Sa loob ng mansyon ng pamilyang Castellio ay sobra-sobra ang pag-aalala nila para kay Mateo. Si Maxima, ay tahimik lamang siyang sa tabi nila Alyssa at Maverick.

Kahit kay Maxima, ay nag-aalala rin sila. Kanina pa ito tahimik. Hindi nila alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Maxima.


Para itong lantang gulay at kailangan ng madiligan.


"Anak, kumain ka na muna." Iyon ang sabi ng kanilang ina, pero hindi siya pinansin si Maxima, kanina pa siyang tulala at may malalim na iniisip.


Kahit ang kambal ay hindi niya magawang pansinin kanina. Alam nilang nasasaktan ito dahil sa nangyari kay Mateo, pero hindi naman ata tama na pabayaan narin niya ang kaniyang sarili at lalong-lalo na ang mga anak nila.


Nakatingin lamang sila kay Maxima, si Devon, naman ay bakas rin sa kaniyang mukha ang pag-aalala sa kaniyang nakababatang kapatid.


Nagulat sila nang tumayo si Maxima, at mabilis na naglakad palabas sa kwarto nila, kaagad na sinundan ni Devon, si Maxima. Nakita niya itong pumasok sa guest room. Bago pa maisara ni Maxima, ang pintuan ay kaagad na niyang pinigilan ito.



Nakita naman niya ang gulat sa mukha ni Maxima, kalaunan ay tintitigan lamang siya nito. "Gusto ko munang mapag-isa, Kuya." Mahinang sabi nito sa kaniya, pero hindi niya pinakinggan ang kaniyang kapatid.


Hindi narin nagpumilit si Maxima, na huwag pumasok ang kuya niya. Hinayaan na lamang niya ito at mabilis siyang pumunta sa kama at nagtalukbong ng kumot.


Umupo si Devon, sa gilid ng kama at nakatingin lamang siya sa kaniyang kapatid na nakatakip ng kumot ngayon. Hindi nakatakas sa pandinig niya ang mahihing hikbi nito. Alam niyang pinipigilan ni Maxima, ang pag-iyak nito.


"Shhh! Stop crying, sis. Hindi gugustuhin ni Mateo, na malamang umiiyak ka. Gagawan natin ang paraan, okay? Makakalaya rin siya." Pagpapatahan niya sa kaniyang kapatid.


Tinanggal niya ang kumot na nakatakip kay Maxima, at nakayakap ito sa isang unan at doon umiiyak. Kung nandito lang si Mateo, ay hindi nitongugustuhin na makita ang mahal niya na umiiyak.


"Please, be brave, Maxima. You're a strong and brave woman, huwag mong hayaan na mismong lungkot mo ang magpapabagsak sayo."


"Don't let your sadness and pain control you, huwag mong hayaan, Maxima. Kung gusto mo na maayos ang lahat then be with it, gawin na natin ngayon ang lahat para makalaya si Mateo, at malinis natin ang palangalan niya."


Hindi nagsalita si Maxima at tahimik lamang na nakikinig sa Kuya niya, hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin niya. Hindi narin niya alam kung ano ang mga tumatakbo sa isipan niya, nahihirapan rin siya.


"Namimiss ko na si Mateo."


Ilang oras na ang lumipas na hindi na niya nakita pa si Mateo, hindi na nila nasundan si Mateo, sa kulongan dahil ang sabi ay bukas nila pwedeng dalawin si Mateo.


Gusto man niya na dalawin ngayon si Mateo, ay hindi naman pwede kaya wala siyang pwedeng ibang gawin, kundi ang mag-antay hanggang bukas. Kailangan rin niya n kumilos na ngayon para sa mga ebidensyabat mapatunayan na inosente si Mateo, sa krimel na hindi niya ginawa, pero hindi na niya alam kung anong uunahin


Ang gusto lang niya ay makita at mayakap si Mateo.


Gusto rin niya sisihin ang sarili dahil hindi niya man lang pinansin ang kambal kanina. Kahit sobrang bigat ng nararamdaman niya ay pinilit niya paring bumangon at mahigpit na niyakap ang kapatid niya.



Her Cruel Husband (COMPLETED || EDITING)Where stories live. Discover now