CHAPTER 12

45.3K 895 299
                                    

Third Person Point of View:

Matapos ang nangyari kagabi ay kinaumagahan ay ipinatawag ng lola ni Mateo ang personal doctor niya simula noong pagkabata. They're sitting in the living room.


The whole area is quiet, ni isa sa kanila ay walang nagsasalita. Si Mateo naman ay seryoso lamang itong nakatingin sa nakalapag na mga folder sa babasaging lamesa.


Si Romel, naman ay hindi niya mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan ng kaniyang amo. Kung nagtataka kayo kung nandito parin siya ay dahil sa pinakiusapan ng lola ni Mateo, na huwag na daw siyang umalis, hindi narin tumutol pa si Mateo, dahil sa kagustohan ng matanda, wala rin naman itong lakas at wala sa sarili kagabi, pagkatapos ang kaniyang mga nalaman.


Kahit siya ay awang awa sa kaniyang amo, alam niyang nahihirapan ang boss niya. He known as heartless man, pero kagahapon lamang niya ito nakita na umiyak at nag mamakaawa. About his condition ay alam narin niya noon pa lamang, sinabi ito ng pamilya ni Mateo.


Hindi rin alam ni Maxima, at ang pamilya niya ang kalagayan ng dating asawa ng kanilang anak. Ang pamilya ni Mateo, at ang iba pang nakakaalam ay pinanatili nila itong sikreto lalong lalo na kay Mateo.


Ngayon lamang nag lakas ng loob ang matanda na i-open up ang bagay na 'yon dahil mas lumalala na pala ang kondisyon ng kaniyang apo.


Labis ang pagsisi ng matanda dahil wala siyang nagawa noon, gusto niyang ituloy parin ang pagpapagaling ni Mateo, ngunit kusa ang mga magulang ni Mateo, ang nagdesisyon, kung sana ay pinaglaban niya ang kaniyang kagustuhan ay hindi sana aabot sa ganito.


"What are you waiting for? Sabihin niyo na ang mga dapat niyong sabihin sa 'kin. Karapatan ko na malaman ang lahat." Hindi maiwasang makaramdam ng takot ang tatlong tao malapit kay Mateo, dahil sa sobrang lamig at walang kaemo-emosyon ang kaniyang pag sabi sa mga salitang 'yon.


Hindi nila alam kung anong pwedeng mangyari o maging reaksyon ng binata kung buong pangyayari ay ikwe-kwento nila, ngunit tama siya, karapatan niyang malaman ang totoo. Tama na mahigit na dalawang pu't dalawa na taon na pagtago ng kondisyon niya.

Alam ng matanda na masasaktan nanaman muli ito sa kaniyang malalaman, ngunit panahon na nga talaga na mangyari ito, mismong ang tadhana na ang gumawa ng paraan upang masabi na nila ang mga pangyayari noon, kung ano ang mga nangyari kay Mateo, kung paano siya pinahirapan noon.


Huminga ng malalim ang matanda bago magsalita, tumingin siya sa kaniyang apo at nakatingin narin ito sa kaniya ng seryoso.


"22 years ago, the enemy of your father trying to get your mom. I guess you already knew that your father is Mafia Boss back then, sinubukan nilang kunin ang mommy mo dahil gusto nilang gamitin siya para i-pang blackmail kay Mason, but in the end ay hindi sila nagwagi sa kanilang balak. Until one day, hindi inaasahan ng lahat na ikaw ang kikidnapin nila, mabilis ang mga pangyayari. Anniversary ng mommy at daddy niyo ang araw na iyon. Lahat kami ay nag aalala sayo, alam na ng daddy mo na ang isa sa mga kalaban niya ang kumuha sayo. Nahirapan pa sila na hanapin ka, kung saan ka nila dinala. Makalipas ang isang linggo na paghahanap sayo ay hindi ka parin namin mahanap, ang mommy mo ay palaging umiiyak dahil sa sobrang pag-aalala sayo. Naalala ko pa, may araw na narinig kung nag-aaway ang magulang mo, sinisisi ng mommy si Mason, kung bakit ka nila kinidnap, pero kalaunan ay nagkaayos rin sila at ipinagpatuloy ang paghahanap sayo. Isang araw, ay nahanap nila ang location kung saan ka nila dinala. Nang sumugod ang grupo ng daddy mo ay nahuli sila, dahil wala na kayo sa lugar na iyon."


"Hindi nawalan ng pag-asa si Mason, na hanapin ka. Ipinagpatuloy nila ang paghahanap sayo, tumagal sa dalawang linggo ang paghahanap nila sayo, sobra-sobra ang pag-aalala namin sayo, hindi alam ng daddy mo kung ano ba talaga ang tunay na pakay nila. Kasi kung ang truno ng daddy mo ang nais nila ay bakit hindi parin sila nagpaparamdam ng mga araw na kinidnap ka nila? Kung sakali mang gusto nila ang pwesto ng daddy mo ay handa niya itong bitawan at ibigay sa kanila, mabawi ka lang. Planado na ang lahat, handa niyang ibigay ang organization sa kanila ngunit babawiin rin niya ito sa kanila."

Her Cruel Husband (COMPLETED || EDITING)Where stories live. Discover now