Naiintindihan ko rin naman ang side ni Kuya at alam kung nag aalala lang siya. I tried to talk to him yesterday pero hindi niya ako pinansin at talagang sobra ang pagtatampo niya sa 'kin, dahil pinili ko na pumayag sa favor ni Dad sa 'kin.

Naniniwala naman ako na nagbago narin si Mateo. Kailangan ko nga lang mag-ingat, dahil tama rin naman si Kuya sa mga what if niya.

But I trust, Mateo. Sana lang at huwag niyang sirain at huwag niya akong biguhin sa second trust na binigay ko sa kaniya. Kaya lang naman kasi napapadalas na magkita dahil sa mga anak namin at lalong-lalo na sa mismong kumpanya ng dati kung asawa ako naka-aasign ngayon, pero saling pusa palang daw ako.

From: Kuya Zenos
Okay naman sila, busy sila sa pag-alaga sa aso at pusa na binili ko kahapon.

Iyan ang text sa 'kin ni Kuya Zenos, and even send some of picture ng kambal, habang nakikipaglaro sa dalawang alaga nilang aso at pusa. Mabuti na nga lamang at hindi nag aaway iyong pusa at aso na 'yon.

"Sinong ka-text mo and why are you smiling?" Narinig kung tanong ni Mateo, tumingin ako sa kaniya at mas matalim naman ngayon ang tingin niya sa 'kin.

"Ah! Si Kuya Zenos, look oh! Naglalaro 'yong kambal with their new playmate." I said at pinakita ang picture na sinend ni Kuya Zenos sa 'kin kanina.

Tinignan naman niya ito at nakita ko na napangiti siya habang tinitignan ang litrato ng kambal, kaya napangiti rin ako habang nakatingin sa kaniya na nakangiti rin.

Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay bigla na lamang nawala na parang bula ang ngiti niya. Seryoso lamang niya akong tinignan at ibigay sa 'kin ang cellphone ko.

Na served na ang order namin at nagsimula na kaming kumain, tahimik kaming kumakain. Tumingin ako sa paligid at nakita ang iba na nakatingin sa 'min. Ang iba naman ay nakatutok ang cellphone sa 'min and alam ko na kinukuhanan at vinevediohan nila kami ni Mateo. Iniiwas ko na ang tingin ko sa kanila at itinuloy ko ng kainin ang pagkain ko.

Nag order rin siya ng Halo-halo and limang taon narin akong hindi nakakakain ng ganito. Kaya laking tuwa ko ng sabihin niya ang halo-halo kanina.

Nakita ko naman ang kabilang table na malapit sa pwesto namin. Halatang magkakabarkada sila, hindi ko tuloy maiwasang mamiss ang mga dati kung kaibigan. Naalala ko iyong araw na bago ako umalis sa puder ni Mateo, binisita ko iyong kaibigan ko na nasa hospital.

Noong maikasal kasi kami ni Mateo, ay unti-unti narin akong nawalan ng koneksyon sa mga dati kong kaibigan at hindi ko narin alam kung anong balita sa kanila, kung kamusta na ba sila at may pamilya narin kaya sila?

Sa New York naman ay may naging kaibigan rin ako, kaya ng malaman nila na uuwi kami ng Pilipinas ay nalungkot rin sila. Alam rin nila na may Anak ako at nag presenta pa sila na maging ninang at ninong sila ng kambal.

Pinoy rin sila, kaya madali ko lamang silang naging kaibigan at napakisamahan. Kahit papaano ay nagkaroon ako ng mga kaibigan.

Nang matapos na kaming kumain ay bumalik narin kami sa kumpanya niya, as what he said ay siya narin nag bayad sa kinain namin kanina.

But until now ay bad mood parin siya at dahil siguro sa ginawa ko kanina.

Umupo na ako sa may upuan ko at nagsimulang mag trabaho at ganon rin siya. Hindi na niya ako pinansin simula kanina. Pagkatapos ng ilang oras ay tanaw na tanaw ko sa glass na bintana na gabi na pala. Inayos ko na ang gamit ko, para makauwi na at namimiss ko na ang mga anak ko.

Nang maayos ko na ang gamit ko ay kinuha ko na bag at cellphone ko. Tumayo na ako at lumapit sa pwesto ni Mateo.

"Mateo." Pagtawag ko sa kaniya, pero hindi niya ako pinansin. "Hoy, Mateo!" Pagtatawag ko uli sa kaniya. At this time ay hindi parin niya ako nililingon at busy lamang siya na naka-tingin sa may librong binabasa niya.

Her Cruel Husband (COMPLETED || EDITING)Where stories live. Discover now