Wakas.

11 3 3
                                    

Sadyang malamig sa ilalim ng tubig. Maaaring malagutan ng hininga sa kahit ano mang saglit. Nagpatianod pa sa alon at mas lalong lumayo sa pampang. Halos hindi na masilayan ang lugar kung saan may p'wedeng tapakan.

Lubog sa gitna ng kung ano-anong mga pag-iisip. Nakatatakot malaman na may iba pang dapat na pagtuunan ng pansin.

Naniniwala ka bang p'wede ka pang makaahon? Naniniwala ka ba na p'wedeng sagupain ang bawat bayo ng mundo?

Habang nasa ilalim ay baka may marinig ka. Baka may bumulong sa'yo. Subukan mong makinig sa isang magandang bulong kahit nag-iisa lamang iyon.

“P'wede kang umahon kung gugustuhin mo.”

May mga boses bang pumipigil sa'yo? Maniwala ka na kaya mo.

Lalamunin ng paninigas ng puso ang mga matang dapat na mulat sa katotohanan. Huwag na huwag mong hahayaan na sakupin ka ng huwad na kapayapaan.

Umahon ka at lumangoy. Magpatuloy ay huwag magpapagapi. Ikaw ang gagabay sa galaw ng sarili mong buhay.

May naririnig ka pa ba? Napili mo na ba ang dapat mong pakinggan?

TinTalim

Lunod (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon