Siete

13 4 0
                                    

Maribel's POV

"Why are you here in our office, Maribel?" Tiningnan ako ni Sergeant Ebuelo matapos n'yang alisin ang suot na reading glass. "You need something? Kapag may iniimbestigahan ko, you always look around the crime scene. Malayo rito ang crime scene ng bagong kaso na hawak mo, hindi ba?"

Linapag ko sa lamesa n'ya ang isang brown envelope na puro papel at mga litrato ang laman. Sa loob ng dalawang linggo, wala akong ginawa kundi magpabalik-balik sa apartment ni Sai at sa fountain sa bayan namin. Sa loob ng eksaktong labing-apat na araw, ni hindi man lang sumobra sa dalawang oras ang tulog ko.

"Everything that I found out between the two crimes for two weeks are inside that envelope. I'd like you to confirm it, Sergeant. Inside that is the profile of the first suspect." Linapag ko rin sa lamesa ang isang voice recorder. "Nandiyan ang records ng lahat ng interview na ginawa ko sa iba't-ibang mga tao."

"Who is it?"

"Just look at it, but please, don't announce it unless everything is thoroughly confirmed," I sighed. "Everything will go down for sure."

Binuksan na ni Sergeant Ebuelo ang envelope. Walang kahit anong bakas ng gulat sa mukha n'ya kahit nang makita n'ya na kung sino ang unang suspek. Tiningnan n'ya ko matapos bumuga ng malalim na hininga. "I'll keep this as a confidential information. Huwag mo munang sasabihin sa iba. Sa ating dalawa lang muna ito. May extra ka bang kopya ng mga ito?"

"Marami po. Hindi ko rin dinala 'yan sa police station namin. Wala rin sa computer ko sa police station ang mga 'yan."

"Provide me a more solid evidence," madiing sabi ni Sergeant Ebuelo. "And be careful. Baka mabiktima ka pa dahil sa pag-iimbestiga mo. This is a covert mission for you, Detective Rodrigo. I need new updates after 10 days, so we can finally file a warrant of a arrest."

"Copy that, Sergeant."

"Rest, Maribel, even just for a while. This is going to be a long run for you starting now."

Tumango lang ako bago lumabas sa opisina ni Sergeant Ebuelo.

Dalawang linggo ang ultimatum na binigay ko sa sarili ko para may maihain na suspek. Gabi-gabi akong nasa mga crime scene at nag-i-interview naman sa mga posibleng witness at sa mga taong involve sa kaso. Mula sa pamilya, mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga katrabaho ng mga biktima, nagsaliksik ako.

Sa loob ng dalawang linggo palakas din nang palakas ang mga bulong sa loob ng isipan ko. Gustuhin ko mang matulog, but those voices always leave no choice. I drowned myself on these cases. I gave it my all and I end up having a suspect for the two cases.

Ang mga krimen ay konektado sa isa't-isa. Magkaibang klase ng pagpatay, pero iisa lang ang may gawa. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko, pero sa ngayon sarili ko lang at ang mga alam ko ang pinaniniwalaan ko.

Siguro nga para sa iba ay maiksi lang ang dalawang linggo. Siguro nga ay mukhang imposible, pero dahil sa mga bulong na paulit-ulit sa pagbagabag sa 'kin, narating ko ang lebel na 'to.

Everyone can lie to me at this point. Everyone can look like they're innocent, but the voices in my head never lied to me. They're evil, yes. They're abnormal, yes. But to have them gave me a lot of advantages.

Now, it's time to pin down the real enemy. The enemy that's alive, walking, and existing clearly right before my eyes.

TinTalim

Lunod (Completed)Where stories live. Discover now