Dos

21 3 0
                                    

Maribel's POV

"This is fucked up," I whispered in disbelief. "I can't believe this happened in this small town."

Napamaang ako habang nakatitig sa limang patay na katawan.

Nakalagay sa isang fountain ang mga katawan. Ang malinis na tubig na mula sa fountain ang nagkulay pula na. Limang patay ang nakalubog sa tubig at halatang pinilit ilagay lahat ng katawan sa loob ng fountain. Ang rebulto na disenyo sa fountain ay may bahid din ng dugo.

Nasa gitna ng bayan ang fountain kaya mabilis na nakita ng mga tao nang sumapit na ang umaga.

Kaunti lang ang mga nakatira sa bayan namin. Kaunti lang din ang mga nangyayaring krimen. 'Yong iba ko ngang hinahawakan na kaso ay galing sa ibang bayan. Humihingi sila ng tulong sa 'min kaya marami akong inaasikaso minsan. Ito? Ngayon lang nangyari ang ganito.

May mga kaso rin ng nakawan, pagpatay, at paggamit ng droga sa bayan namin, pero wala pa kong nakita na ganitong klase. Ilang taon na kong pulis sa bayan na 'to at ang makakita ng ganito ay nakapaninindig balahibo.

Sa dugo, sanay na ko, pero ang makita ang mga napilipit na parte ng katawan sa loob ng fountain ay hindi na normal!

"Paanong wala man lang nakapansin nito kagabi? May mga nagpapatrol naman kagabi, 'di ba?" Sabi ni Police Officer Ben Amaro, isa sa mga kasamahan ko. Limang taon ko na rin s'yang katrabaho at siguradong ngayon lang din s'ya nakakita ng ganito katindi. "Kung ano-ano na talaga ang pumapasok sa utak ng mga kriminal sa panahon ngayon."

"Sana lang huwag ng madagdagan pa. Tingnan mo naman 'to." I sighed. "We should be ready and start looking for evidence as soon as possible. Siguradong susugod dito ang reporters. Hindi p'wedeng wala tayong maiharap sa kanila. Gigipitin na naman tayo kapag nagkataon."

"Wear your gloves and mask, Bel. Tutulong tayo sa paglilipat ng mga katawan. Mangongolekta lang muna tayo ng mga impormasyon na meron sila tapos may kukuha na sa kanila para sa autopsy."

"You don't look shocked at all, Ben." Sinuot ko na ang gloves ko. "We have no choice, huh?"

I heard him sigh. "This is our job. Kahit sobrang nakadidiri pa nito, wala naman tayong magagawa kundi gawin ang trabaho natin."

Inayos ko ang mask ko bago sinenyasan ang iba pa naming kasama para makapagsimula na kami. "Let's end this now. I can't stand the smell."

••••

"Lima ang lalaking namatay noong Martes ng umaga. Base sa autopsy report, bandang alas dos ng madaling araw namatay ang mga lalaki. Halos minuto lang ang pagitan ng pagkamatay nila, pero sabi sa report ay tumagal daw muna ng isang oras bago linagay sa fountain ang mga bangkay. Ibig sabihin, patay na sila bago pa linagay doon sa fountain. We can assume that the killer wants the people to see what he or she did."

Nasa meeting room kaming lahat at nagpe-present si Police Lieutenant Armando Lisantro. Nandito s'ya dahil umabot na rin sa kaniya ang kaso na 'to. Kasama ang tatlo pang police detectives, limang police officers, at si Police Sergeant Ebuelo, pinag-uusapan namin ngayon ang daloy ng kaso.

Tinuro ni Lieutenant Lisantro ang picture ng mga bangkay na naka-flash sa screen. "Ang sinabing dahilan ng pagkamatay ng mga lalaki ay excessive bleeding dahil sa tatlong tama ng bala sa dibdib. Pare-pareho sila ng ikinamatay."

Nagtaas ako ng kamay. Agad namang tumango si Lieutenant Lisantro nang tumingin s'ya sa direksyon ko. "Paano kaya nadala ng kriminal ang limang lalaki sa fountain? Lahat ng limang lalaki na 'yon ay lagpas 50 kilograms at nasa gitna ng bayan ang fountain. Wala man lang bang makakapansin kung ilalagay n'ya ang mga lalaki roon ng isa-isa? Kahit pa gumamit s'ya ng kotse, mahirap pa rin."

Rigor mortis occurs within two hours of death pero dahil nakalubog sa tubig ang mga katawan, bumagal ang proseso. Nasira ang tatlong CCTV kung saan makikita ang fountain kaya kulang na naman kami sa ebidensya. Nang magsaliksik pa ko ay wala namang pagkakapareho ang limang lalaki. Walang nagtutugma sa mga biktima.

"We need to figure everything out," sabi ni Sergeant Ebuelo. "Hindi p'wedeng maulit pa ang nangyari sa bayan na 'to. We'll start assigning this week's tasks for everyone. Get ready."

TinTalim

Lunod (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon