Cinco

13 3 0
                                    

Maribel's POV

"This is impossible," mahinang usal ko habang inaayos ang face mask kong suot. Masyadong malakas ang amoy na galing sa patay na katawan. "Another strange death?"

"It's suicide," rinig kong sabi ni Ben na nakatayo sa may gilid ko. "Iyon agad ang sinabi ng girlfriend ng biktima."

"Suicide, huh?" Napatakip ako sa tainga ko dahil sa naririnig kong malalakas na hagulgol. May mga nababasag ding mga gamit. Habang tumitingin nga ako sa paligid ay maraming mga bubog. "Looks like it."

Nasa loob kami ng apartment ni Sai Manguad. Kilala s'ya sa lugar namin bilang isa sa mga masisipag na college student. Matalino rin at masiyahin. Madalas s'yang sumasali sa mga community programs kaya kilala ko rin s'ya. Tuwing umaga, binabati n'ya lahat ng nakakasalubong n'ya kapag papunta na s'ya sa school.

Naririnig ko pa rin ang kakaibang mga tunog. Wala na ang mga nababasag. Napupuno na lang ng mga bulong na hindi ko maintindihan at mga hikbi.

"Bakit? Bakit?!"

"Binigay ko naman lahat, 'di ba? Kulang na kulang pa ba?! Kailan ba magiging sapat?!"

Boses ni Sai na sumisigaw ang naririnig ko. Sobrang sakit siguro ng nararamdaman n'ya. Ang mga sigaw n'ya ay unti-unting nawala hanggang sa wala na kong marinig.

Napatingin ako sa patay na katawan ni Sai na linabas na ng iba pang pulis mula sa bathtub. Natagpuan ang katawan ni Sai na nakalubog sa tubig na nabahiran na ng kulay pula. Naglaslas s'ya. May kutsilyo kaming nakita sa gilid ng bath tub at may hiwa rin sa s'ya sa left wrist.

Nakumpirma na galing din sa kusina ni Sai ang kutsilyo. Lahat din ng fingerprints na natagpuan sa kutsilyo ay galing kay Sai. It's definitely a suicide from my view, but autopsy should be done in this one.

"Kawawa naman," bulong ni Ben habang umiiling-iling. "Gusto mo bang kausapin ang girlfriend n'ya, Bel?"

"Huwag muna. Nasa state of shock pa s'ya. Baka hindi rin natin makausap ng maayos. If she said that this is a suicide, maybe she's the reason."

"Bakit ka naman nag-iisip ng ganiyan?" Sumimangot si Ben. "Unang-unang dumating ang girlfriend n'ya rito. S'ya pa mismo ang tumawag sa mga pulis."

"What if she killed Sai?" I looked at Sai's girlfriend names Nari. Marami ring nakakaalam sa relasyon nila dahil lagi silang magkasama. "Paano kung she has some kind of grudge towards her boyfriend? Hindi p'wedeng inosente na agad s'ya dahil s'ya ang tumawag sa 'tin."

"Well, you're the detective here, so I will not argue with you anymore."

"Even evidence can cause lies, Ben. They can be deceiving."

I checked the corpse with the guidance of two medical examiners. Kinuha namin lahat ng ebidensya sa paligid na p'wedeng makuha. Matapos ang krimen na naging dahilan kung bakit namatay ang limang lalaki noong nakaraan, hindi namin p'wedeng sabihin agad na suicide 'to.

Isinara rin muna ang apartment ni Sai para sa imbestigasyon.

If this is suicide, bakit naman nasa bathtub ang katawan? It's clear that Sai used the knife to cut his wrist, but did he cut his wrist while he was in the bathtub? The bathtub is filled with water as well.

I just can say that Sai really cut his wrist dahil sa puwesto ng fingerprints n'ya sa handle ng kutsilyo, but the rest is a mystery for now.

Kung may isa bang tao na galit na galit at gusto ng mamatay, mag-aabala pa ba s'yang magpuno ng bathtub para lumublob doon at maglaslas?

TinTalim


Lunod (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang