Uno

40 3 0
                                    

Maribel's POV

"Detective Rodrigo, aren't you going to rest?" Sergeant Ebuelo sat beside me. "May bukas pa naman. Bakit hindi ka muna umuwi?"

"Madami po kasing kaso. May mga ebidensya rin po akong kailangang tingnan at mga interview sa mga suspek na kailangang pakinggan ulit." Nginitian ko si Sergeant Ebuelo. "Mauna na po kayong umuwi, Seargeant."

"I told you to call me Tito when we're just alone. Cut the formalities, hija." Tinapik ni Tito ang balikat ko. "Uuwi na ko. Bumisita ka naman sa 'min ng Tita mo kapag hindi ka masyadong busy."

"In our field, we're always busy." I chuckled. "I'll visit next time po."

Isang marahas na hininga ang pinakawalan ko nang makaalis na si Sergeant Ebuelo na Tito ko rin. Dalawang araw na kong walang tulog. Ibigay ba naman sa 'kin ang tatlong kaso ng domestic violence, eh. I can finish the cases quickly, but my sanity level is hanging low.

I am a police detective at the age of 32. Nasa dugo na talaga ng angkan namin ang pagpasok sa ganitong klase ng trabaho. Ang Mama ko na nakatatandang kapatid ni Sergeant Ebuelo ay isang police officer noon at sundalo naman ang Papa ko. Halos lahat sa mga tito at tita ko ay puro mga pulis at sundalo rin. Even my grandparents served in the navy in their younger years.

Unfortunately, my mother and father died during their duties. My father died in a military operation and my mother died in a buy-bust operation. Kapag nasa ganitong trabaho ka na, kalahati na ng katawan mo ang nasa ilalim ng lupa.

I entered this job because I know that I can and not just because of my family. I know that I'm strong enough, I'm capable enough. I have an advantage within me as well. I don't know if it's right to really call that advantage, but hey, I'm making good use of that.

I'm hearing things others can't hear. There are voices inside my head. There are living with me for a long time now. More than 20 years ago, everything started changing for me. Nakaririnig na ko ng kung ano-anong mga boses. Masyado silang maingay sa loob ng isipan ko. Minsan lang sila kung magparinig pero nakababaliw ang mga bulong nila. Buti nga't kinakaya ko pa.

That's not the advantage, of course. I can hear the voices left in the crime scenes. When a murder happened and I went to the crime scene, the voices will start rushing to my ears. Para bang ipinaparinig sa 'kin ang mga huling tunog at sigaw sa pinangyarihan ng krimen. Useful because I'm a detective, but that's also the reason why I'm nearly insane as of the moment.

"Buti nga sa kanila."

"Kasalanan nila 'yon."

"Kung wala sana sila roon, 'di sila mamamatay."

"Ano kayang huling mga sinabi nila?"

Napayuko na lang ako saka binitawan ang report na ginagawa ko.

Naririnig ko na naman sila. Ang ingay na naman nila. Mas napapadalas nitong mga nakaraang linggo. Mas matindi ang mga sinasabi nila. Para bang nakikita rin nila ang mga kasong hinahawakan ko at lagi lang nilang sinasabi na dapat lang daw 'yon.

I don't know why I have this kind of 'gift'. Nagtanong na ko sa maraming mga albularyo, pero wala silang alam. I tried seeking for professional's help, but they said that maybe the voices are just hallucinations. Hindi naman daw ako depress. Wala rin akong malalang sakit sa utak. They can't explain my condition.

Wala pa ba kong sakit sa utak sa lagay na 'to? I wonder, I wonder how I'm still alive.

TinTalim


Lunod (Completed)Where stories live. Discover now