Tres

12 3 0
                                    

Maribel's POV

"You haven't had any sleep?" Puna ni Ben nang makita n'ya kong tinititigan pa rin ang mga ebidensya na nakuha namin mula sa limang bangkay. "Ang tataba na ng eye bags mo."

"This case is giving me lots of headache." Napahilot na lang ako sa sentido ko. "Kinausap ko no'ng isang araw ang pamilya ng limang biktima. Hindi naman daw magkakakilala ang limang biktima. I got the permission to check their phones and nothing is similar between the 5 dead men. Wala talagang pagkakapareho. Hindi ko maintindihan."

"The other teams are working hard too. Binisita ko ulit 'yong fountain kanina. Nagtingin-tingin ako. May tatlong iskinita na malapit sa fountain. Sinilip ko 'yong mga iskinita pero wala pa rin akong nakita." Umupo si Ben sa tabi ko. "Do you want to go to one victim's funeral?"

"No," I sighed. "Didn't you see how mad the families were? Nakausap ko sila, pero limitado lang ang sinabi nila. Galit sila kasi hindi raw natin ginagawa ang trabaho natin ng maayos kaya namatay ang limang lalaki na 'yon."

"If that's what you want." Inabutan n'ya ko ng isang maliit na tinapay. "Kumain ka muna. Nagmumukha ka ng losyang dahil sa puyat at gutom. Alam ko namang masipag ka sa trabaho mo, pero huwag mo namang gutumin ang sarili mo."

Napangiti ako bago ko kinuha ang tinapay. Monay lang 'yon na may palamang strawberry jam. "Be respectful. Mas matanda pa rin ako sa'yo."

Natawa naman s'ya. "Old woman, I always respect you."

"Tarantado," bulong ko.

••••

"Gising na..."

"Huwag kang matulog."

"Bakit ka pa ba natutulog? Bakit mo pa sinusubukan?"

Napadaing ako at napahawak na lang sa ulo ko. Napalinga-linga ako sa paligid. Wala ng ibang tao sa loob ng opisina. Bukas pa ang mga ilaw, pero mag-isa na lang ako.

"Shit. Nakatulog na naman ako."

Siguro 'yong ibang mga officer ay nagpapatrol na dahil madilim na sa labas. Dinagdagan namin ang mga nagpapatrol tuwing gabi para hindi na maulit ang insidente noong nakaraan.

"Buti naman at gising ka na."

"Huwag ka ng matutulog ulit."

"Hindi mo kailangan ng tulog."

Fuck.

I'm hearing those voices more frequently these past few days. Tuwing napapadaan ako sa fountain ay may naririnig din ako. Mga kaluskos lang na wala namang eksaktong pinanggagalingan. Mga tunog na naiwan mula sa nakaraang krimen.

"Shut up."

Mabilis akong tumayo para lumabas sa opisina. Nang makarating ako sa front desk ay wala ring tao. Dapat mayroong nakabantay dito, ah? Hindi p'wedeng mawalan ng mga gising na pulis kahit gabing-gabi na. Maliit lang ang bayan na 'to, pero lagi naman kaming handa.

Bukas naman lahat ng mga ilaw, pero parang mag-isa lang ako. Wala akong marinig. Wala akong naririnig na kahit ano.

"Fuck!"

Frustration washed through my whole being.

Babalik sana ako sa opisina, pero napahinto ako dahil sa isang anino. Dumaan lang iyon saglit.

"May tao ba riyan?" May kalakasan kong sabi habang papalapit sa banyo kung saan nakita kong dumaan ang anino. "Sumagot ka!"

Huminto ako sa tapat ng banyo ng mga lalaki. Kumatok ako ng tatlong beses. "May tao ba riyan sa loob?!"

Hindi naman ako p'wedeng pumasok kaya hinayaan ko na lang.

Lalakad na sana ako palayo nang may marinig akong nagsalita.

"Buksan mo."

"Buksan mo ang pinto!"

"Buksan mo!"

"Shut up!" Sigaw ko. Umaasang mananahimik ang mga boses sa utak ko.

Tumakbo ako palayo sa tapat ng banyo at hinihingal na lumabas muna ng police station.

"This is not good," I sighed. "I don't feel good anymore. I need to go home at least."

TinTalim

Lunod (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt